Kabanata 71

839 50 6
                                    

"Paalala ko lang kay misis na huwag magpagod ng sobra at kung hindi kayanin ng katawan ay magpahinga. She fainted due to fatigue and due to exhaustion. Kumain din ng naaayon sa oras, okay?"

"Thank you, doc," pasasalamat ni Henrietta sa doktor. Nasa hospital na siya nang nagising at katabi niya si Vincenzo habang nakahawak sa kamay niya.

"And I hope you take care of yourself, Misis De Luca. Dalawa na kayo na dapat mag-ingat," makahulugang sambit ng doktor na nakapagpatitig sa kanya ng mag-asawa, naghihintay sa susunod niya pang sasabihin.

"Yes. You're two weeks and three days pregnant. Hindi ka ba nagtaka kung bakit sumama ang pakiramdam mo? You didn't think of this possibility?" nakangiting wika nito at tumingin sa asawa na nakayuko lang. Hindi tuloy mawari ng doktor kung masaya ba ang naging balita niya o masama.

Henrietta's eyes were wide and looked at her flat stomach.

"What? I-I'm pregnant?"

"Yes. Uh, I should leave now. Mukhang kailangan n'yong mag-usap ni Mister. I'll be back to check on you later."

Hanggang sa makalabas ang doktor ay hindi pa rin bumabalik ang isipan ni Henrietta sa reyalidad at nakatulala lamang. Vincenzo pinched her hand.

She looked at his way. "B-Buntis ako, Vincenzo. I'm carrying a child."

The man smiled and touched her stomach. Vincenzo already expected this. Ito naman ang plano niya, eh. Ang magbunga ang pagtatalik nila ng asawa. Henrietta watched as the smile on his face widened. Kulang na lang ay ipaalam niya kay Yros na magiging ama na siya at ipagsigawan sa buong mundo na magkakaroon na siya ng anak. Well, he should call his old man and share the good news.

"You're so happy," she commented in daze.

"I am, wife. I am. How about you?" Vincenzo unclenched and clenched his fist under the bed. He can see the anxiety in his wife's eyes.

"Vincenzo, hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Sa tingin ko hindi ito ang tamang panahon para magdalang-tao ako. My enemies are still there. They can use my child to hurt me, us. What if mangyari 'yon?" nag-aalalang sambit ni Henrietta bago pumikit.

"I know this is so sudden. But she's here now. Don't be afraid, you two will always have me, okay?"

Henrietta narrowed his eyes on her husband. "She? Sigurado ka bang babae ang magiging anak natin? Besides, I don't think I'm ready to be a mother. Paano kung hindi ko magampanan iyon?" Damn it! She just hopes that everything will go smoothly with her pregnancy. She heard na masilan daw ang pagbubuntis. She guess that she will stay on her home kapag obvious na ang laki ng tiyan niya.

"You will be fine. Narito naman ako kung hindi mo kaya. Hindi mo naman sosolohin ang pagiging magulang sa anak natin. And I know you're going to be the best mother for us. And yes, I'm sure our baby will be a girl," nakangising sagot nito kaya nakatikim siya ng kirot sa braso galing sa asawa.

Mother for us? Tss. Henrietta couldn't be bothered to notice the grin on her husband's face. She caressed her stomach and smiled.

"Vincenzo. Let's hide her. I don't want them to know about our child. Hanggat hindi pa natatapos ang laban ko, ayaw kong may mangyari sa kanya."

The man looked into her eyes and tightened his grip on her hand.

"Are you sure?"

Henrietta nodded. "Yes. Alam kong hindi natin siya maitatago ng panghabang-buhay, pero gusto kong maging tahimik ang buhay niya kagaya ng mga batang walang pinoproblema habang bata pa. I don't want to take the risk, Enzo. Kaya hanggat nandito pa tayo we will do our best to raise our child." Wala s'yang pakialam noon at tanging gusto niya lang ay gumanti sa mga taong pinagmalupitan siya at ginawang masama. Pero nang dumating si Vincenzo ay nagulo iyon lalo na at may nabuo na sa loob ng tiyan niya.

"Okay, then."

-----

Nasa mansion ngayon ni Helen ang mag-asawa kasabay si Mila. They want to share the news sa mga taong pinagkakatiwalaan lang nila at kasabay na ang mga ito doon. They will also discuss making a new home na sila-sila lang din ang makakapunta at makakaalam.

"Get me a glass of milk," utos ni Vincenzo sa maid na binaba ang malamig na juice sa mesa. Nagtataka naman na tiningnan siya ni Mila habang si Helen naman ay malalim ang tingin sa mag-asawa. They decided to visit her suddenly at sa tingin niya ay may agenda ang dalawang ito. Bumalik ang tingin niya sa apo na tila ba antok na antok pa.

"Milk? Para kanino?" nagtatakang tanong ni Mila sa son-in-law niya. Wala naman sa kanila ang iinon niyon? Ito ba?

"Yeah, mom. For my wife. Hindi siya p'wede uminom ng malalamig ngayon." Sumupil ang maliit na ngiti sa labi ni Vincenzo nang iabot sa kanya ng maid ang gatas at nilagay sa harap ng asawa. Nakayuko naman at patuloy sa pagkain si Henrietta. Ayaw n'yang salubungin ang matalas na tingin ng lola sa kanya.

"For her—"

"I'm pregnant," putol ni Henrietta at tumingin sa ina at lola. Medyo kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng mga ito, pero hindi maiwasan na gumuhit ang ngiti sa mukha niya.

Nabitawan ni Mila ang kubyertos kaya gumawa iyon ng ingay. Maya maya ay biglang napatayo si Helen at tumawa bg malakas habang pumapalakpak.

"Oh my god! Oh my god!"

"Y-You're pregnant, anak?" ulit ni Mila dahil himdi pa siya makapaniwala sa ngayon. Her heart are beating quickly and a flash of delight passed on her eyes.

"Hmm. Kanina lang din naman nalaman."

"Kyaaah!" Napatingin silang lahat kay Helen na hawak-hawak ang kamay ng dalawang maid dahil sa saya. Tila ba bumata ito ng sampong taon sa nalaman. Finally! She can still see her great grandchild. Hanggat maaari ay gusto pa n'yang tumagal dito.

Vincenzo smirked and wiped his wife's mouth with a tissue.

Napapikit si Mila at nang imulat niya muli ang mata ay namumula at nanunubig na ito.

"What's the gender?" excited na taning ni Helen nang mahimasmasan after umupo.

"A girl—"

"Hindi pa namin alam." Sabay na wika ng dalawa. Naramdaman ni Vincenzo ang pagsiko sa kanya ng asawa kaya napahawak siya sa bibig para pigilan ang ngiti. Why? He is really sure that their child is a girl.

"Hindi pa naman namin alam since nabubuo palang po siya, grandma. Babalik naman kami, eh," sagot ni Henrietta at hinawakan ang kanyang tiyan.

"Finally! Natupad din ang pinagdadasal ko. Anyway, what's your plan? Titigil ka ba muna sa pagsusulat?"

"Well, balak namin ni Vincenzo na maglipat ng bahay. We want to lay low hanggang sa manganak ako."

"That's better. Mag-focus na muna kayo sa isa't-isa. Kami na ang bahala dito ni Mila."

Helen sighed. Mabuti nga kung gano'n kaysan mahanap nila si Henrietta. She was informed that someone is investigating her granddaughter. And she knows who they are.

Hindi niya alam kung dala ba nito ay gulo o tulong.

-----

©_eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon