Kabanata 14

2.1K 158 12
                                    

Tumunog ang cellphone ni Lisa. Nagmadali siyang sagutin iyon habang nakatitig pa din ang mga mata sa flat screen t.v.

"Where are you?!"

"M-manager I'm in a restaurant. What is happening?!" Lisa's hand tremble. Bakit? Paano? Sino? May tao bang kumakalaban sa kanya. Then napatingin siya kay Henrietta na kumakain ngayon at pawang walang interest sa nangyayari.

Si Henrietta ba?

Si Henrietta ba ang may kagagawan nito?

Imposible! Wala naman siyang alam. Pero bakit gano'n? Tila iba pakiramdam niya habang tinititigan niya ito?

She stood up habang nasa tenga pa rin ang cellphone.

"I'm sorry. I have to go. Hindi ko alam kung sino ang may gawa niyan but that's not true," ani nito at umalis na ngunit napatigil siya sa sinabi ni Henrietta.

"Don't expect that secrets will stay a secret forever. Baka naman kasi may nakaaway ka from a powerful background. Ingat, okay?" plastik na paalala ni Henrietta kay Lisa na nakatayo at nakatalikod lang sa kanya.

Lisa gulp and stride fastly outside. Tumatak sa kanya ang unang sinabi nito.

"Don't expect that secrets will stay a secret forever."

"Don't expect that secrets will stay a secret forever."

She doesn't believe it! Sumakay siya ng taxi patungo sa agency niya.

-----

Pagpasok palang ni Lisa sa kompanya ay nagsimulang magbulungan ang mga empleyado doon. This people thinks they are above her?! Nagtatrabaho lang sila para sa kanya! Para sa kanilang artista!

"What are you looking at?!" singhal niya at tinarayan ang mga ito. Mabilis siyang pumasok sa elevator habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay dala ng galit at inis. Whoever messed up with her siguraduhin lang ng taong 'yon na hindi siya mahahanap. Lintek lang!

"Tingan mo? Akala mo kung sino porke't isa nang tinitingalang artista!"

"Akala mo kung sino'ng mabait, eh, may ginagawa naman palang masama!"

"Kung wala ang agency na 'to. Wala din naman siya, noh!"

"Tama na balik na tayo sa trabaho."

"What is this?!"

Hindi pa man nakakapasok si Lisa sa opisina ng presidente ng agency niya ay rinig na rinig niya ang malagundong na sigaw nito. Huminga siya ng malalim at kalmadong pumasok sa loob.

President Chen glared menacingly at Lisa.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" madilim na tanong nito. President Chen can be a beast sometimes when it comes to the reputation of the company. At ang lintik na Lisa na 'to ay nakuhanan ng video na naninigarilyo at may kasamang matanda sa kotse.

"Don't worry, President Chen. Pwede naman nating sabihin na kasama 'yan sa film," saad ng manager ni Lisa na nakatayo at sinusubukang pakalmahin ang boss nila.

"Film?! Kung hindi ka ba naman tanga, sino ang maniniwala na kasama 'yan sa film kung silang dalawa lang ang naroon?!" Bumaling ang tingin ni President Chen kay Lisa na nakayuko na rin.

"Sa susunod siguraduhin mong walang makakakita sa inyo ng sugar daddy mo. Naiintindihan mo? Pasalamat ka at hindi nakita ang mukha ng kasama mo kundi mas malaki pa ang gulong dadalhin mo."

"I'm sorry, President Chen. I will make sure na hindi na mangyayari iyon," mahinang saad ni Lisa. Damn it!

Huminga ng malalim si President Chen, "Go. Release a statement regarding the issue. Sabihin mo na kasama mo ang sekretarya at manager mo sa kotse at may pinag-uusapan lang kayong importante," utos nito at minasahe ang ulo.

President Chen is a 45 year old man. May kalakihan ang tiyan at medyo mababa. Tumango naman ng mabilis ang manager ni Lisa at pumunta sa PR.

Nagpaiwan si Lisa sa loob at lumakad sa harap ng boss niya. She knows na may pagnanasa ito sa kanya from the very start pero hindi nito iyon pinahahalata.

She lean on the table na talagang nakikita na ang cleavage niya. President Chen stares at it. May asawa na siya at pinipigilan n'yang hindi matukso sa artista niya. But who would've? Isang makamandag na ahas si Lisa. Kaya nga umangat ang kompanya nila dahil isa ito sa mga rason niyon.

Tumikhim si President Chen. "What is it?" He averted his gaze at tumingin sa laptop.

"Ahm, hindi naman siguro maapektuhan ang projects ko hindi ba?" malamyos na tanong nito.

"I hope not. Pero may ilang investor ang nag-pull out sa ilang projects mo. You brought this to yourself, Lisa. Makakaalis ka na, at iwasan mo muna ang magpakita publicly," sagot nito at bumalik na sa pagiging busy ulit. Lisa raises her left eyebrow. 'Mahuhulog din ito sa bitag niya.'

-----

"Ikaw ba ang may gawa no'n?" tanong ni Faye nang mailapag ang isang float sa mesa ni Henrietta.

"No," tipid na sagot nito.

"Huh? Kung hindi ikaw sino?"

Wondering why Faye knew about her and Lisa's relationship? Ito lang naman palaging nagsasabi ng tungkol kay Lisa. Kung ano ang totoong Lisa. Henrietta never listen and may times pa na nasigawan at nagalit siya dito. She's wrong. Nakinig man lang dapat siya sa sinasabi nito.

"May tumutulong sa'yo? Pero sino? Paano niya nalaman ang tinatago ni Lisa?" nagtatakang ani ni Faye habang nakakunot ang noo.

"I don't have any idea, Faye. Baka naman may nakalaban si Lisa na hindi basta-basta kaya ginawa iyon," sagot ni Henrietta. It's possible though.

"Iba pakiramdam ko, Miss Henrietta..." Faye trails at tumingin sa labas ng bintana ng office.

"Nilalagnat ka?"

"A-ah?"

"I'm asking you kung nilalagnat ka?"

Umiling si Faye, "Hindi!"

Ba't ang zero ng humor ni Miss Henrietta? Hindi niya alam kung tatawa ba siya o hindi dahil sa seryosong ekspresyon nito.

-----

[Done boss,] ani ng tao sa kabilang linya.

Inside the office, and only the lamp shades on the wall serves the light. Nakaupo ang isang tao sa swivel chair habang ang isang paa au nakapatong sa tuhod.

"Good." The person hung up the phone and opened the drawer under his table. Kinuha niya ang isang litrato na may larawan ng isang babae na kinuhanan pa ata noong high school ito.

"It was you," he said, then caressed the face of the woman in the picture. May ngiti na sumupil sa kanyang mga labi. His eyes held a gentle light that could never be seen by his people. Only to her.

"You came back, Henrietta."

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon