Kabanata 20

1.9K 120 18
                                    

Malakas na hagulhol ang namayani sa living room ng bahay ng Vanderbilt.

Santi's cry is making their heads ache. Nang malaman nito na may kahalikang ibang babae si Luciel ay nagsimula itong umiyak at magwala sa kwarto.

Helen can't take it anymore kaya pinababa niya ito sa para doon mag-usap. Mugto ang mga mata nito at nanghihina. Tinawagan na din nila si Luciel para marinig ang paliwanag nito tungkol sa pictures na 'yon.

"Pa'no na 'yan? Kalat na kalat na ang pictures na 'yon sa social media. Ano na lang ang sasabihin sa'tin?" ani ng ina ni Santi na naiiyak na din. Oh my god! Ano'ng sasabihin ng mga kumare niya?

Helen frown. "Iyan pa talaga ang iniisip mo kaysa sa anak mo?" tanong niya na nakapag-patahimik dito.

"Where is Luciel?"

"Parating na siya," sagot ni Reynold.

"Si ate," sambit ni Santi ng mahina.

"Parating na rin," mariing sagot ni Reynold.

"Ano'ng kinalaman ni Henrietta dito?" Hindi mapigilang tanong ni Helen. Bakit nasama ang apo niya? Did they think na si Henrietta ang may kagagawan nito? Helen mockingly laugh inside. The nerve of these people!

"Luciel!" sigaw ni Santi nang makita si Luciel. Tumayo siya at hinintay ito na makarating sa kanya. Mukhang umiyak si Luciel dahil mapula ang mga mata nito.

"I'm sorry, babe. Believe me, wala akong alam sa nangyari. Pinagsamantalahan ako ng babaeng 'yon," paliwanag ni Luciel habang hawak ang pisngi ng dalaga.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ng ina ni Santi.

"She drugged me. Hindi ko alam kung ginusto niya 'yon o may nag-utos sa kanya para gawin iyon at siraan tayo," sagot ni Luciel at tila namomroblema ang mukha. Lies! Hindi niya sasabihin na ginusto niya din iyon. He had a mind blowing sex yesterday night.

"I knew it. Alam kong hindi mo magagawa na lokohin ako," reply ni Santi at niyakap ito. She believed him. Luciel sneak his left hand around her waist and kisses her lips.

"Ang ibig mong sabihin may nag-utos sa babaeng 'yon para lasingin ka at gawin 'yon sa'yo? Oh my god! Who could that be?!" ani ng stepmother ni Santi na napahawak pa sa dibdib nito. She looks like she will have a heart attack. Nanghihina ito na sumandal sa upuan.

Grandma Helen cringed at the sight. Peke talaga.

"Who else? That bastard woman!" asik ni Reynolds. Si Henrietta lang naman ang gagawa niyon dahil napunta kay Santi si Luciel. Hindi ba nito maatim na hindi ito ang minahal ng lalaki at ngayon ay gumagawa ng paraan para paghiwalayin ang dalawa?

"I heard my name. Bakit niyo ako pinatawag?" Mula sa pinto, lumakad si Henrietta papunta sa kinaroroonan ng pamilya niya. She loosened her hair dahil paniguradong makikita nila ang kiss mark na iniwan ni Vincenzo. That shameless man!

Henrietta went to her grandma's side and kisses her cheeks bago umupo sa tabi nito at nag-cross ng braso. She looks like an unbothered queen looking at her so-called family.

"Wala ka talagang galang!" Tinuro pa ni Reynold si Henrietta. Ni hindi man lang ito bumati sa kanya at nag-bigay galang sa magulang nito.

"Henrietta, mabuti at nandito ka," Santi's mother gave Henrietta a warm smile, looking like a good wife and a mother.

Henrietta snickered. Alam na alam niya ang gagawin nito. In her past life nangyari din ito at siya ang sinisisi sa mga nangyayari kay Luciel at Santi, ang pinagkaiba nga lang noon she was impulsive to take revenge kaya palaging siya ang nasasaktan at sinusumbatan ng mga tao. They don't know how it hurts every time people look at her ridiculously and judgingly dahil sa ginawa niya kahit na alam ng karamihan na siya ang biktima. But now, she knows how to fight back. Hindi na siya magpapakatanga at hahayaang maulit ang nakaraan. Tama na.

"Tama na ang ka-plastikan. Pinapunta niyo ba ako dito para sumbtan at sisihin sa nangyari kay Luciel?" direktang tanong ni Henrietta at tiningnan isa-isa ang apat maliban sa lola niya. Natigilan naman ang mga ito at nagkatinginan si Santi at Reynold. They know they shouldn't blame her but who cares? Salot para sa kanila si Henrietta and Reynold wants her step daughter to be happy.

"Apo..." Hindi na naituloy ni Helen ang sasabihin nang huminga ng malalim si Henrietta. Alam ni Helen na kapag ganito ang nangyayari ay makikipag-away ang apo sa ama at magsisigawan sila but right now her granddaughter was calm and compose. Nitong mga nagdaang araw ay malaki ang pagbabago nito.

"Nagawa ngang lokohin ako ni Luciel kay Santi pa kaya?" Henrietta started then looks mockingly at Luciel na nakatingin sa kanya ng maputla ang mukha. What? She just stated a fact.

"Iba si Santi sa'yo. Hindi kasalanan ni Santi kung bakit mas minahal siya ni Luciel. And Luciel loves Santi more than you. He cheated because hindi ikaw ang mahal niya. Hindi niya kasalanan iyon. He just made the right choice," katwiran ni Reynold na nakakunot ang noo.

'Wow. Na-umpog ba ang ulo ng ama niya at ganito mag-rason?,' sarkastikong saad ni Henrietta sa isip.

"Ah, so hindi rin kasalanan ang mang-agaw ng kasintahan ng iba? Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang rason mo. Ginawa mo din naman 'yan kay mom, 'di ba? Nagpatukso ka d'yan sa kabit mo," sagot ni Henrietta. Kita niya ang paninigas ng stepmother niya at ang pagnginginig ng kamay nito. Samantalang ang ama niya naman ay nakatingin sa kanya ng 'di makapaniwala. She smile at them.

"What?" Bumaling siya kay Santi at Luciel. "Remember Santi, a man who cheated once will likely to cheat again. Sigurado ka ba talaga na hindi rin iyon ginusto ni Luciel?" panunuya ni Henrietta. She smiled internally nang biglang napatingin si Santi kay Luciel na nakakunot-noo. That's right. Luciel will never stay to a one woman.

Luciel gulped and stood up. "What do you mean?! Hindi ko iyon magagawa dahil mahal ko si Santi at pwede ba, Henrietta, kung ginagawa mo 'to para pansinin kita ay itigil mo na. Hindi na kita babalikan," mahinang ani ni Luciel na parang nagmamakaawa kay Henrietta na tigilan niya.

Gustong pumalakpak ni Henrietta sa sinabi ni Luciel. Nakakapagpabagabag ng damdamin. Pwede nang maging aktor. Talagang ito pa ang nagsabi no'n? Heh!

"Sa tingin mo naman papatulan kita? Hindi ang kagaya mo ang nababagay sa akin. Pakitingnan mo muna ang itsura mo sa salamin. Kumpara sa akin kuko lang kita." With a head held high, Henrietta looks like a woman who is ruling a nation. Ibang-iba ang awra nito kumapara noon.

"You!"

"Tama na!" sigaw ni Helen kaya napatigil ang mga ito. Bumaling si Helen kay Luciel at nagsabing, "You are going to marry Santi, Luciel. I hope that you will mind your action at hindi na maulit ang nangyari ngayon."

Pagkatapos ay bumaling din si Helen sa anak. "Ganyan ka na ba talaga sa anak mo, Reynold? Parang hindi mo rin anak si Henrietta? Alam mo'ng hindi ko tinanggap 'yang kabit mo pero dinala mo pa din dito sa bahay pero hinayaan kita. Ngunit ang muli't-muling saktan ang anak mo? Nasaan ang pagiging ama mo?" Hindi na mapigilan ni Helen ang nararamdaman. Palagi na lang, palagi na lang si Henrietta ang nasisisi at nagmumukhang masama.

"Wala din namang mangyayari, grandma. I never consider him as a father since his mistress came," ani ni Henrietta habang nakatitig sa ama na ngayon ay nakayuko. Santi's mother paled. Ayaw na ayaw niyang nasasabihan ng kabit. Helen heaved a sighed na-istress siya sa mga nangyayari.

Tumayo si Henrietta at pumunta sa ama.

"You cheated on mom. Masaya ka ba knowing that someone was hurting. Did you ever think of mom while committing that sin? Nakakadiri kayo—"

Isang malutong na sampal ang namayani sa living room bago pa matapos ni Henrietta ang sasabihin nito.

"Reynold!"

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon