Kabanata 36

2K 135 11
                                    

Tumigil ang sasakyan ni Vincenzo sa isang lumang bahay na may dalawang palapag.

Henrietta looked at the surroundings. Malayong-malayo ito at wala ng bahay na makikita sa tabi. Mga puno na lang ang nakapalibot dito.

Lumingon si Henrietta kay Vincenzo.

"This is the place where my mom is?" she asked.

Umiling si Vincenzo kaya napakunot ng noo si Henrietta. Hindi?

"Yes and no. Yes dito nanirahan ang mommy for three years noong mawala siya and no dahil wala na siya dito. Maybe we can find something that will lead us where your mother is?"

Bumaba si Henrietta sa kotse na sinundan naman ni Vincenzo.

"The house looks so old," komento ng dalaga.

"Let's get inside."

Pagpasok pa lang nilang dalawa ay mga lapat at alikabok ang una nilang napansin.

Dito tumira ang mommy niya? Napatanong si Henrietta sa isip. Why? Bakit hindi man lang ito humingi ng tulong sa kanila. Bakit hindi ito nagpakita? All these year ang akala nilang patay na ay buhay pa pala? Mas lalo lang tumindi ang kutob niya na sadya ang talaga ang pagpasabog sa barkong sinasakyan ng mommy niya.

Naghiwalay silang dalawa ni Vincenzo. Henrietta went upstairs while Vincenzo went to the kitchen and living room.

Inisa-isa ni Henriett ang bawat gamit sa isang kwarto. May dalawang silid ang nasa second floor. Medyo may kaliitan ang silid na napasukan ni Henrietta at posibleng hindi ito ang naging kwarto ng mommy niya.

Pumasok siya sa ikalawang silid. The room was neat and bright. May isang malaking bintana sa gilid kung saan makikita ang kakahuyan. The room's color was a dirty white. Pumunta si Henrietta sa ilang cabinets and drawers hanggang sa may isa pang maliit na drawer sa ibaba ang nakapa niya.

"Huh?"

Isang papel na nakatiklop ang nakita niya doon. She unwrapped it and saw a picture. Walang nakasulat na kahit ano pero picture lang ang nasa larawan.

It was a picture of her mom in a wheelchair! Her eyes become misty. Mom... Ang hirap siguro ng pinagdaanan nito lalo pa't wala siya sa tabi ng ina. She caressed the woman in the picture. Her mom was smiling. Then her eyes shifted to the man besides her mom. Hanggang leeg lang ang picture nito at hindi nakunan ang mukha. Ang isa nitong kamay ay nakalagay sa balikat ng ina and the man was wearing a navy blue suit.

Why does this man's body seem familiar to her? Pilit n'yang inaalala ito pero wala, eh. Binaliktad niya ang picture and it was just a written word of 'Open your eyes and watch out.'

Tinago niya ang litrato sa bag at tumingin pa sa mga kagamitan na naroon. Noong na-check niya na lahat ay bumaba na siya ng bahay para hanapin si Vincenzo.

Henrietta couldn't see him kaya dumiretso siya sa kusina kung saan nakita niya si Vincenzo. Nakatalikod ito at nasa tenga ang phone.

"Block him."

"No."

"Okay. Call me if he makes a move again."

Binaba ni Vincenzo ang mobile phone at humigpit ang hawak niya dito.

"May nakita ka ba, Enzo?"

Biglang napabaling si Vincenzo sa likod. His eyes slightly widened in shock pero dali-dali ding inayos ang sarili at ibinalik sa seryosong mukha ang ekspresyon.

'Why is he so shocked?' ani ni Henrietta sa isip niya. Well, kahit sino naman siguro ay magugulat kung bigla na lang may nagsalita sa likod mo kung nag-iisa ka lang dito.

"Kanina ka pa d'yan?" tanong ni Vincenzo at inilagay sa bulsa ang mobile phone.

Henrietta shook her head. "Kadarating ko lang."

Vincenzo nodded. "May nahanap ka ba?"

Hindi alam ni Henrietta kung sasabihin niya ang nakita dahil parang may pumipigil sa kanya. Siguro ay sasabihin niya na lang kay Vincenzo kapag nakakalap na siya ng sapat na impormasyon sa mommy niya.

"Wala. Hinalughog ko na ang kwarto sa taas. Wala namang importanteng bagay akong nakita para maging tulong para hanapin si mom," sagot niya. Tumingin siya kay Vincenzo na parang malalim ang iniisip. Magkasalubong din ang kilay nito.

"I think, we should go back now," wika ni Henrietta. Malayo pa naman ang lugar nila dito.

"Yes. Let's go." Vincenzo put his hands on Henrietta's back and guided her towards his car.

Sumulyap siya sa ikalawang palapag ng bahay. His eyes were glaring coldly before drifting it back and started the engine.

-----

"You should rest."

Yes. Henrietta needed rest right now. Marami siyang iniisip ngayon lalo na sa litratong 'yon.

"Where are you going?" tanong ni Henrietta nang makita na nagbihis si Vincenzo.

"May importante pa akong gagawin sa office," sagot ng lalaki. He walks towards his wife and kisses her forehead. Hindi na nagawang umatras ni Henrietta dahil hinawakan ni Enzo ang ulo niya.

Vincenzo smirks at her reaction bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Henrietta heaved a sigh. Ilang minuto lang ay narinig niya ang tunog ng sasakyang paalis.

She fetches the photo inside her bag at pinakatitigan ito. 'Nasa'n ka na ba, mom? Ano ba talaga ang nangyari?' A sudden realization struck her. Kung buhay ang mommy niya ngayon, ibig sabihin buhay din ba ito sa past life niya? Pero bakit? Bakit hindi ito nagpapakita sa kanya? Damn! Maraming what if ang pumapasok sa utak niya. Ito pa lang ang first clue para mahanap niya ang mommy kung hindi lang sa tulong ni Vincenzo.

Damn! This is so hard. And the man in the picture with her mom is a big question to her mind? Sino ito sa buhay ng kanyang ina? Ito ba ang tumulong dito? Kung gano'n dapat niya ding mahanap kung sino ito. He would be an important clue where is her mother or maybe ito na ang lalaking makatuturo kung nasaan ang mommy niya. Another thing is the letter behind the picture. It was bothering her! Ano ang tinutukoy nitong reveal?

Tumayo si Henrietta at pumasok sa banyo. She needs sleep. Right, she needs sleep right now. Mabuti na lang at wala masyadong trabaho ngayon at nandyan si Faye.

-----

England

"The man is monitoring our move. He even put men in every airport and really blocked you from entering the country."

The man in the middle of the office smiles darkly.

"Did he really think I can't enter that land? He's thinking highly to himself."

The man then turns to the large window in his back. The area was full of city lights amidst the dark sky. Nawala lang siya ng ilang saglit kinuha na itong oportunidad para pigilan siya. Heh!

"Prepare the plane. We're taking off right now."

Tumungo ang lalaking nagbalita kanina at umalis na ng opisina.

The man strokes his face.

'Pity. This face was like a curse for him.'


-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon