Kabanata 72

883 53 7
                                    

"Are you sure wala kang ipapabili sa akin?" tanong ni Vincenzo habang nakahawak sa tiyan ni Henrietta. It's been three months since umalis sila sa mansion at lumipat dito sa isang private villa at sa dalawang buwan na 'yon ay may baby bump nang makikita sa asawa niya. They didn't tell anyone where they are except sa mga kakilala nila na katulong nila sa trabaho at buhay.

"Milk tea?"

"No," agad na tanggi ni Vincenzo. Tinaliman siya ng tingin ng asawa, pero hindi siya nagpatinag. "You know bawal sa'yo ang malalamig, right? Iba na lang," dagdag nito at hinaplos ang tiyan ni Henrietta. Hindi tuloy sila makakapag-milagro sa gabi dahil masilan ang pagbubuntis nito sa unang semestre.

"I want grapes," Henrietta said. "And you should buy potatoes, fried it then buy a mayonnaise as my dip," dagdag niya habang nakatingin ng seryoso sa mata ni Vincenzo na nagsasabing huwag kalimutan ang binilin niya.

The man chuckles and kisses her head.

"Noted, Mrs. I'll be back sooner. Anyway, dito matutulog si Mom kaya expect that she will be here any minute," saad niya nang tumingin sa wristwatch.

"Okay. Alis na." Pinagtabuyan ni Henrietta ang asawa bago kinuha ang libro na binabasa sa tabi ng kanyang higaan.

Vincenzo didn't budge for a while and when she didn't turn her head for him, he just shook his head and left. Ganito ba talaga 'pag nagbubuntis? He should be ready for her mood swings.

---

Sa tatlong buwan na nawala sa limelight ang dalawa, marami ang nangyari. Lisa rose from fame again, pero hindi kagaya ng dati na marami s'yang endorsements and events. She's still building up her new image with her new manager na si Jordan while keeping the fresh image. Marami-rami pa rin ang hindi nakakalimot sa nangyari at sa kanyang eskandalo, pero may mga nagtiwala muli sa kanya kasama na ang mga dating fans nito.

Santi on the other secured two main roles. One in an upcoming tragic drama and one in a romantic movie that will set in New York. Marami ring alok na magazine shoots dito ngunit pinipili nito ang siguradong malakas ang hatak at malaki ang bayad sa kanya. Sa ngayon ay umabot na ang 5 million followers ang kanyang Instagram.

Si Reynold naman ay dahil pinaghahanap pa siya ng awtoridad at ang taong tumulong sa kanya ay pumunta ng ibang bansa para doon kumuha ng connection sa tulong na rin ng pamilya ni Olivia na kasama niya ngayon. It's because of his wife that her family agreed to help him out kaya nangako siya na mas ite-treat niya ito ng tama. He really hits the jackpot choosing her than his dead ex-wife.

Regarding the matter that Santi told him about Mila appearing again, he brushed it off. She's dead and it already confirm. Hindi siya naniniwalang ang matagal nang patay ay muling babalik.

Henrietta looked outside. Ang laki ng hektarya na binili ni Vincenzo sa lugar na 'to at siguro'y dito na sila maglalagi. She loves the air here. Sariwa at kalmado, nakakagaan ng loob. Napahaplos siya sa tiyan at ngumiti. In 9 months she will know the gender of her baby. Kahit ano'ng gender ng magiging anak niya ay pareho lang ang ibibigay nilang pagmamahal.

A sudden knock interrupted her thinking.

"Pasok." It might be her mom. Bumukas nga ang pinto at totoo nga ang inaasahan niya. Her mom walked in with a bowl and water on a tray and a maid was pushing her wheelchair inside. Sinenyasan ni Mila ang dalaga na okay na siya at umalis na ito ng silid bago pumunta sa anak na nakahiga sa kama. Her eyes went on her stomach and a bright smile plastered on her lips.

"Parang buong araw kang nakahiga riyan? Heto, nilutuan kita ng champorado. Pagkatapos mo kumain maglakad-lakad tayo sa likod ng bahay ninyo. Ang lawak bakit hindi niyo palagyan ng pool at garden?" suhestiyon ni Mila. Umupo si Henrietta at kinuha ang pagkain na dala ng ina.

"I'll be going for an exercise walk later, mom. P'wede naman namin paglagyan ang bahay, pero gusto kong malaman kung ano ba ang ideya ni Enzo dito. How's lola?"

"Ayon pinaiwan muna kay Clyde ang business."

Tumaas ang kilay ni Henrietta at napangisi. "Is she sure he can handle it? Hindi ba't pagiging doktor ang propesyon ni Clyde?"

"Baka nakakalimutan mo na dalawa ang tinapos ni Clyde? He majors in business administration and gets his doctor of medicine for an additional five years. Hanga nga ako sa batang iyon, eh. Does he have a girlfriend?"

Umiling si Henrietta. "I don't have any idea baka maraming ka-fling? Mom?"

"Hmm? Ano 'yon?"

"What if magkita ulit kayo?" Sila ni Reynold. Ayaw n'yang tawagin itong ama dahil simula nang pagtraydor nito sa ina niya ay hindi niya na ito tinuring na isa. She doesn't have a father and only her grandma and mother raised her.

Kaagad naman nakuha ni Mila ang ibig sabihin ng tinutukoy ng anak. What else will she do? He doesn't matter anymore. Their marriage is useless kung noon pa man ay may kinikita na itong babae. She admits she wants to punch and kill the hell out of his scumbag ex-husband, pero ngayong nabigyan siya ng pangalawang buhay ay mas gugustuhin niya na lang na gawin ang mga bagay habang kapiling ang mga mahal sa buhay. Gusto n'yang bumawi sa taong wala siya sa tabi ni Henrietta para gabayan ito. Wala siya sa mga panahong pinagkaisahan ito ng tatlong iyon.

"What do you want me to do?" she asked her daughter instead.

Henrietta looked at her mother, searching if there is an emotion or if she still cares for him. She smiled. "Nothing. Sayang lang sa oras kung pagtutuunan mo sila ng pansin, Mom." She doesn't need to do anything, because she will do that. She will be the one to get revenge for her and her mom. Henrietta narrowed her eyes.

Maghintay lang sila at magpakasaya habang may oras pa.

---

Bumaba ang isang lalaki sa kotse at tumingin sa paligid kung saan napapalibutan ng kahoy ang isang malaking bahay. He thought he will never find her dahil nagkaroon ng emergency at bumalik siya ng abroad. Napahinga siya ng maluwag.

"Sir, dito na po 'yon."

"Hmm. I hope she's here. Let's go."

'Mila, I'm finally seeing your daughter.'

-----

© _eysteambun

Henrietta's BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon