Sobre

91 4 2
                                    

Gia's POV




Focus ang tingin ko sa daan habang binabagtas ko ang kahabaan ng Quezon Avenue. Focus man pero nagpupumilit na sumagi sa isip ko ang problemang kagabi ko pa iniisip——



"Tita Giaaaaaa!!!" napapreno ako ng mabilis ng marinig ko ang pagsigaw ni Olivia mula sa backseat ng kotse ko.


"Sh*t!!" bulong ko ng muntik ko ng mabangga ang kotse sa harapan ko. Red light na pala. Mabilis kong nilingon si Olivia sa likuran.



"Tita kasi! Kanina pa kita tinatawag! Mommy want to talk to you!!" sabi nito sabay abot ng hawak niyang cellphone. Ka-video call pala niya ang Mommy niya.



"Oh? Wala naman kaming naiwan sa bahay niyo ah?" nakataas na kilay na bungad ko sa pinsan ko.


"Gia! Ang aga-aga, nagsusungit ka na naman! Yung trabaho mo parin ba ang iniisip mo? Alam mo, magpasa ka na ng resignation! Oh, ayan na ang sign! Magsend ka na ng resignation ng mawala na ang problema mo!!" inirapan ko ito at pinagtatawanan pa ako sa kabilang line.



"Ano bang sasabihin mo? Nagmamaneho ako oh."



"Hindi naman male-late si Olivia sa Voice Lesson niya? Ang higpit kasi sa oras nung teacher niya. Nakakahiyang ma-late. Hmm.. Nasaan na ba kayo?"



"Malapit na. Maghahanap lang ako ng parking. Ano ba kasing itinawag mo?"



"May cash ka ba today?" tanong nito kaya napaisip ako.


"Meron. Three thousand lang Cash ko. Bakit ?"



"Cash basis kasi ang payment para sa Voice coach ni Olivia, eh nakalimutan kong ipadala sayo! Isesend ko na lang sa g-cash mo yung 5K basta bigyan mo ng 5K na cash yung teacher niya."



"5K? Tingnan ko kung aabot ng 5K tong cash ko hah—— teka nga, bakit cash basis niyo siya binabayaran? Wala bang bank account or gcash manlang yung teacher niya? Lumang tao ba yun?"



"Hahahaha. Sira ka talaga! Eh ganun ang payment sa kanila. Tsaka freelance lang yung teacher ni bagets. Hmmm, ano? Send ko na 5K hah? Ikaw na bahala magbigay ng cash."



"Okay, okay . Noted."




"Bye!!"





Inabot ko kay Olivia yung cellphone niya. Pagkapark ko. Kinuha ko yung bag ko at binilang ang cash ko. 3K nga lang ang cash ko na tatlong tig-iisang libo. Male-late na kami kung mag wiwithdraw pa ako. Doon ko naalala yung pinambayad ni Aling Rowena sa akin na upa nila sa bahay. Nilabas ko yung isa ko pang wallet at binilang ang pera na nadodoon. Sakto. May dalawang libo na puro tig bebenteng buo iyon. Sakto na. Saktong 5K.

"Tita? Matagal pa ba?" sinamaan ko ng tingin si Olivia dahil sa pagiging mainipin nito. Pero tinawanan lang ako. Si Olivia ay pamangkin ko. Anak siya ng pinsan kong si Jenny. She's only 7 years old pero sobrang talino at bibo. Hindi ko alam kung anong vitamins ang pinainom ng ina niya diyan at sobrang gifted. Hilig nga nito ang kumanta.


Dahil sabado ngayon at wala akong pasok sa work—— nagpresinta na akong ihatid si Olivia sa music school niya. Hindi pa ako nakakapunta dito kaya may halong excitement din akong nararamdaman.


Pagpasok namin sa School ay inihatid ko si Olivia sa music room kung nasaan ang isang staff na babae. Wala pa daw ang teacher ni Olivia kaya nagpasya akong iwan muna siya doon para lumabas.





Paglabas ko ng music room ay lumapit ako sa receptionist.




"Hi miss! Hmmm, tanong ko lang kung may extra kayong sobre, kahit used na?" Kailangan ko ng paglalagyan ng 5K para ibigay sa teacher ni Olivia. Ayoko namang ibalandra sa kanya yung 5K na tig bebente. Napaka unprofessional.

WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon