Musika

3 0 0
                                    



- 6 Years later-

Gia's POV


"Nakabalik na sa bansa ang Pinoy Pride Thespian na si Arman Herrera , isa siya sa inaasahang guest performer sa Concert ni Martin Nuñez sa susunod na buwan.."




Nabitawan ko ang tangkay ng malunggay na hinihimay ko ng marinig ko iyon. Halos walang nagsasalita sa amin ni Jenny na tulad ko ay nagulat din sa narinig na balita mula sa TV Patrol.




"Alam mo, mga balita sa tv ngayon? Wala ng kwenta! Kaya mas masarap tumambay sa Tiktok eh.." sabi ni Jenny habang magmamadaling kinuha ang remote ng tv para patayin ito.



Natawa ako. Walang kwentang balita. Oo. Anim na taon, anim na taon na ang lumipas.. Dedma na ako sa kahit na anong balita tungkol sa kanya. Ni-hindi ko na nga siya maalala. Hindi dahil nagka amnesia ako hah? Hindi. Kundi dahil mas may ibang buhay na ako ngayon. Bago na ang buhay na meron ako. At doon ako nag fofocus.


"Pero biglaan yata ang pagbalik niya?" pahabol na sabi ni Jenny. Inirapan ko siya tsaka ko dinala ang mga hinimay kong malunggay sa kitchen sink upang hugasan..






"Alam naman natin na babalik siya dito, nandito si Thea at ang Mama niya.."





"Okay ka lang Gia?"



"Hah? Oo naman."



"Paano pag nagkita kayo?"



Naibagsak ko ang hawak kong kaldero sa may sink.


"Malabo. Hinding-hindi na mag kkrus ang landas namin. Malabo.."



"Maliit ang mundo." sabi nito.



"Kung magkita, edi magkita!!"


"Oy, highblood naman agad!! Meron kaba?"

"Jenny, may ibang buhay na siya. Baka nga pagnagkita kami, hindi na niya ako maalala. Sa dami ng mga babae sa London? sus."




Napansin kong ngumiti si Jenny. Pipisilin ko sana ang pisnge nito ng mapatingin kaming dalawa sa pinto ng may tumawag sa akin.






"Mommy!!!!!!! Look oh!!! I wanna join!!! Pleaseeeeee po! Pleaseeeeee..." nagmamadaling tumatakbo si Musika palapit sa amin ni Jenny, kasunod nito ang pinsan niyang si Olivia.. May hawak-hawak na papel ang anak ko. Inabot niya iyon sa akin..





"Amateur Singing Contest? Sasali ka dito?" halos di makapaniwala na tanong ko dito. Nakangiti itong tumango.


"Yes Mommy!!! I want po! Please!!"

"Teka nga Oli, saan niyo nahanap tong papel na ito?"


"Tita, contest po yan sa church kung saan ako kumakanta! May prize po yan Tita tsaka Vocal Music scholarship po!!!! Para po talaga sa mas bata sa akin ! 5-9 years old lang po ang pwedeng sumali! Naisip ko po agad si Musika!!! Bagay po siya sa contest! Malakas po ang panalo natin!!" excited na sagot ng pamangkin ko. Nagkatinginan kami ni Jenny.



"Pero Musika, summer vacation niyo diba, dapat nag aaral ka or nagrereview dito lang sa bahay!"


"Yes po Mommy! Promise po if I win, hindi ko po kakalimutan ang magreview po!! Please Mom!!! I want to join!!! Please!!!"


Hindi ko matiis ang anak ko!


"Fine! Papayag ako! Pero dapat ihanda mo ang sarili mo if ever matalo ka man! Okay? Walang iiyak!"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WANDA For YouWhere stories live. Discover now