Stay

6 1 0
                                    

Gia's POV


Siguro ay 30 minutes akong sumubok na makatulog muli pero hindi ko na kaya pa. Pasimple kong tinignan ang relo ko—— it's already 9pm. Pwede pa akong umuwi. May masasakyan pa ako sigurado.

Tumayo ako at hinanap si Thea. Lumapit ako sa bag ko at inayos iyon. Sakto ang paglabas ni Thea sa banyo, nakasuot na ito ng pantulog dress niya. Ang gandang buntis ni Thea. Ngumiti ito ng makita ako.




"Ate Gia, nagising ba kita? Masyado bang malakas yung shower?"




"Naku , hindi! Hmmm, magpapaalam na sana ako. Kailangan ko ng umuwi." kasi hindi ko kayang mag stay dito lalo na't nandidito din yung tao na gumugulo sa utak ko ngayon at hindi ako makatulog—— bulong ng isip ko .



"Hah? gabing-gabi na Ate Gia ah. Bakit di mo na lang ipagpabukas?"



"Maaga ang calltime ng trabaho ko bukas. Wala akong dalang extrang damit. Naalala ko nga pala na sakto lang yung dala kong damit at lahat ay labahin na."




"Ganun ba Ate? Hmmm, wait lang, check ko lang si Kuya if gising pa para ihatid ka niya——"




"Naku! Wag na! Hayaan mo na si Kuya mo na magpahinga. Alam ko pagod din yun."



"Pero—-"



"Mag g-grab na lang ako! Tsaka hindi naman na traffic yung ganitong oras."



"Haays, ayaw mo na talaga papigil! Sige na nga! Basta Ate Gia, bumisita ka dito if free ka hah! Magluto tayo ulit!" nakangiting sabi nito.


"Oo naman!" sagot ko dito pero nakonsensya agad ako dahil alam kong matagal pa bago ako makakabalik dito or baka hindi na nga. Niyakap ako ni Thea at niyakap ko na din ito ng mahigpit. Hinawakan ko pa ang tummy nito dahil naramdaman ko ang pagsipa ng baby niya!



"Oh My God! Nag papaalam na sayo oh!" natatawang sabi ni Thea sabay himas sa tiyan niya.



"Sige na! I have to go!" Kinuha ko ang bag ko tsaka ako lumabas ng room ni Thea. Bago ako bumaba ng hagdan ay nakita ko na agad si Arman na nasa sala pa. He's holding his ipad na kung di ako nagkakamali ay nag-aaral  na naman ito ng kanta ng ganitong oras. Hindi pa siya natutulog?

Pumikit ako at nag-isip kung paano magpapaalam. Parang ayoko na nga magpaalam at gusto kong dumiretso na lang sa labas dahil sa inis ko sa kanya.


Kalmado akong bumaba ng hagdan. At dahil rinig talaga ang footsteps ko ay napalingon ito sa hagdan at doon ay nagtama ang mga mata namin. Napatingin ito sa dala kong bag.



"I have to go. Sa CCP na lang tayo magkita tomorrow morning." sabi ko dito ng hindi direktang nakatingin sa kanya. Pero si Arman ay hinihintay na tingnan ko siya. At ng muli akong tumingin sa kanya ay tsaka lamang ito tumango.



"May emergency ba? Akala ng kapatid ko dito ka matutulog."



"Nakakahiya kung mag stay ako dito. Tsaka quality time niyo tong magkapatid." Hah? Gia! Lame excuses! Sana nag isip ka ng mas convincing!!!


"Quality time? Ang matulog?" natatawang sabi nito.



" Fine. Gusto mo yung totoo? Uuwi na ako kasi alam ko, nakakaistorbo na ako dito. Ayaw mo namang nandidito ako diba?" buong tapang na sabi ko dito. Umiwas ito ng tingin tsaka inilapag ang ipad niya sa Mesa tsaka siya tumayo.




"Hindi kita pinapaalis.." cold na sabi nito.




"Uuwi na ako." nagmamatigas na sabi ko dito.




WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon