Announcement

10 1 0
                                    

Gia's POV


Habang nag-iisip ako ng masasamang bagay na baka gawin sa akin ng Alien na ito kapag sumama ako sa kanya sa Cebu———— napatingin ako kay Direk Pat ng marinig ko ang salitang "Concert"






"Yes, magkakaroon ka ng Concert —— 3 months from now." nakangiting sabi ni Direk Pat kay Arman. Mabilis akong napatingin kay Arman. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa balitang sinabi ng Manager niya.




"You're kidding!" natatawang sambit nito. Hindi siya naniniwala?




"No. I'm not! Kakameeting ko lang sa producer ng concert mo! It will be produced by Lincoln Entertainment! It will be held at Globe Auditorium in BGC! Bakit di ka naniniwala! Totoo nga! Hahahah."



"Seriously?? Oh God. Salamat Direk Pat! Salamat! Oh my God!!" wait lang, naiiyak ba siya?



"Bakit ang OA ng reaction mo?" pagbasag ko sa moment ni Arman.


"First major solo concert niya kasi to Gia." nakangiting sagot ni Emman. Napatango na lang ako tsaka tumigin kay Arman. Nakayuko ito na tila ba nagpapasalamat sa Diyos dahil sa magandang balita.





"When ang concert?" tanong ni Arman kay Direk Pat.





"On October 23." sagot ni Direk. Nagulat ako. Teka lang. Bakit October 23? Ang daming date sa October eh—— bakit birthday ko pa!



"October 23 po talaga? Or tentative pa?" tanong ko sa kanila. So lahat sila nagtaka sa tanong ko . Bakit? May masama ba sa tanong ko?




"It's Arman's 30th birthday Gia! Hindi yan tentative. Nirequest ko talaga yan." sagot ni Direk Pat.




"Birthday mo???" oo, OA ang reaction ko pero hindi ako makapaniwala. Bakit ka-birthday ko pa siya!!!!



"Ang laki talaga ng problema mo sa akin ano??? Concert mo ba hah??" sabi nito tsaka nagtawag ng Waiter para yata umorder ng maiinom.




"Ang malas ko naman, ka-birthday pa kita." sabi ko dito tsaka siya napalingon sa akin at nagulat.



"Oh? Magka birthday pala kayo?" di makapaniwalang sabi ni Direk.


"Ay Tama! Oct 23 ka din pala! I saw it sa resume mo!" sabat ni Emman. That's why nalaman niyang scorpio ako!





"May kambal pala tayo dito eh!!" nakangiting sabi ni Nana.




"No! We're not kambal! Matanda na to eh." oo, walang filter ang bibig ko. Pagkasabi ko nun, tinuro ko pa siya. Natawa silang lahat maliban kay Arman.



"Arman is just 2 years older than Gia. Your turning 28 na din Gia this October diba?" pagputol ni Direk Pat sa pang ookray ko kay Arman. Okay, I''m dead. Direk Pat knows my birth year pala. Haha.



"Matanda pala hah!" rinig kong sabi ni Arman,





"Mas matanda ka naman talaga sa akin! Tito Arman!" pang iinis ko dito.





















Matapos ang meeting at lunch with Direk Pat's Team ay isa-isa na silang nagpaalam na umuwi. Kami ni Arman, may dapat pang puntahan ngayon. Voice lesson ni Arman with sir Floyd ang huling agenda namin today.


WANDA For YouWhere stories live. Discover now