Reply

13 2 0
                                    

Arman's POV

1st day of Rehearal for an upcoming theater show. Ang aga ko. As in. Hindi naman sa excited ako, lagi naman akong ganito. Isa-isa ng nagdadatingan ang mga cast ang show. I saw Jill, waving at me at may hawak pang tumbler.



"Good Morning! Bibisita si Gia ngayon?" she asked me.


"Hindi ko lang alam." tanging sagot ko. Eh hindi ko naman talaga alam. Hindi naman siya required to go in every rehearsals ng shows ko. But I need to update her about it.

Kinuha ko ang phone ko just to check if may mga text or messages na ba. I sat on the floor while opening a message from Gia.



"I can't go sa 1st rehearsal mo. Update me na lang. May emergency lang. I informed Direk Pat na din." Napasandal ako sa mirror wall dito sa loob ng rehearsal room. Anong emergency kaya? Is she alright? I'm about to reply pero napigilan ko. Why should I reply? Ano bang pakialam ko kung bakit wala siya. Arman, don't waste your time. Muli kong binalik ang phone ko sa bulsa tsaka ko kinuha ang Ipad ko para aralin ang lines ng mga songs.










Gia's POV

MAG-isa na lang ako ngayon na nakatayo sa loob ng airport. Umuwi ng province si Mama at Papa dahil nagka emergency sa Lupa namin doon. Siguro ay matatagalan sila bago makabalik dito.

Mag-isa na lang talaga ako sa bahay. Hindi ko alam kung hanggang saan o kailan matatapos ang problema namin sa Lupa dito sa Manila at sa Probinsya. Kailangan ko talaga ang job offer sa ibang bansa. Hindi ako mabubuhay kung dito lang ako. Hindi ko matutupad yung pangako sa kanila na ako ng bahala sa utang namin sa Lupa. Ilang buwan na lang naman. Sana pahintulutan akong tumuloy.




Wala masyadong tao dito sa airport kaya nakapag senti mode pa ako. I check my phone tsaka ako sumandal sa upuan. Ayoko pang umuwi. Lunch time na pero hindi ako nagugutom.

I open my IG account and captured an aesthetic video ng labas ng airport. Maaraw naman sa loob kaya ang ganda ng kuha ko. I post it on my IG story with a caption of Alone again?

Diba, nakakasenti talaga. Heto na naman ako. Mag-isa. Hays.

Nilibot ko ng tingin ang airport. Wala masyadong tao. Ang lungkot naman. Sinilip ko ang relo ko. Malapit na palang mag lunch pero hindi ako nagugutom. I checked my phone again and an IG dm caught my attention.




@.ArmanMusic replied to your story.


Automatic na napataas ang kilay ko. Bwisit, ang layo-layo ko na sayo, pero nagagawa mo pang pakabahin ako! Arrrgh.. Bulong ng isip ko sabay open ng notification.


"👽"

Bwisit na yan, Alien emoji lang pala.



Mabilis akong nagreply sa kanya.


"Miss mo na agad ako no." reply ko sa kanya at ang gago ay hindi na nagreply. Naseen lang pero wala ng reply. Baka totoo? LOL.



At dahil doon ay nagpasya na lamang akong pumunta sa rehearsal niya. Hindi ko alam kung may maabutan pa ba ako or baka pagdating ko ay tapos na. Nagbook ako ng angkas at tumungo sa CCP complex. Nakarating ako ng 1pm doon. Nagpasya akong kumain muna sa kahit anong kainan na madaanan ko malapit doon.

I need coffee. Alam kong lunch time pero I'm craving for iced coffee ng ganitong oras? Stress na talaga ako.

Pagdating ko doon ay pumasok na ako sa isang coffee shop na katabi lang ng CCP. I ordered Iced Machiatto at isang blueberry cheesecake. Pwede na ito.

WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon