Busy

18 0 0
                                    

Gia's POV

Nagdaan ang ilang mga araw. Magkakasunod na tv guesting ang pinuntahan ni Arman. Sa lahat ng iyon ay kasama niya ako. Hindi naman na lihim pa sa mga tao na nakakakilala sa amin kung anong relasyon ang meron kami. Masaya kami dahil positibo ang pag tanggap nila sa amin.

Isang buwan pa lang ang relasyon namin pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay sampung taon na. Parang ang tagal-tagal na naming magkakilala. Masyadong mabilis. Tila kabisado na namin ang isa't-isa. Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag soul mate mo yung tao. Soulmates daw kami, iyon ang sabi ng iba. Siguro nga. Same birthday, madaming bagay na sobrang magkatulad. Sa mga gusto at sa ayaw. Ang dami-dami naming similarities! At doon ako labis na kinikilig. Kaya napapaniwala nila akong , soulmate ko nga ang tao na ito.



Bumalik ako sa wisyo ng nakawan ako ng halik ni Arman. Nakaupo kami sa loob ng kotse niya habang naghihintay ng order naming kape. Sobrang tagal ko bang nakatulala? Mukha siguro akong tanga.


"Love, okay ka lang? Inaantok ka pa ano? Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo."




"No. Hindi ako inaantok. Iniisip lang kita kaya napapatulala ako." sagot ko dito. Ngumiti ito at tila namumula ang parehong tenga. Oopps, my boyfie's blushing! Haha.



"Sana nakadamit ako habang iniisip mo ako hah!" ganting sagot nito kaya ako naman yata ang namula. Mabilis kong pinisil ang braso nito hanggang sa inihiga ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.



"Bakit ang tagal ng kape natin." mahinang bulong ko dito.



"Oh, ito na, tayo na ang next." nang makausap ang nasa unahang kotse ay iniabot na ng crew ang dalawang kape namin. Napatingin ako sa crew na tila kinikilig habang inaabot kay Arman ang kape.


Nang makabalik kami sa kalsada ay inangat ko na yung isang kape. Natawa ako ng mabasa ko ang nakasulat sa cup nun.



"Enjoy your Coffee Sir Arman! I'm a fan!"


"Look, she's a fan. Kaya pala ganun yung ngiti kanina." tanging sambit ko. Binasa ni Arman ang tinuturo ko sabay tingin sa mukha ko.




"Don't be jealous." nakangiting sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.


"Excuse me! Hindi talaga! Bakti naman ako magseselos dun????" okay, ang laki ng reaksyon ko. Natawa tuloy si Arman. Kilalang-kilala niya ako talaga! Arrrggg..


"Okay. Relax. Hindi na." pigil ngiting sambit niya habang hinahawakan ang kamay ko.



"Hindi nga ako nagseselos." pagkumbinse ko pa dito.


"Oo, hindi na." pigil parin ito sa pagngiti kasi alam niyang mapipikon na ako.


"Arman." alam niya na kapag tinawag ko na siya sa pangalan niya, seryoso na ako at hindi na nakikipagbiruan. Pinisil niya ang kamay ko sabay iwas ng tingin para pakalmahin ang sarili niya na hindi matawa kasi alam niyang kapag nakitaan ko pa siya ng kaunting ngiti, hindi ko talaga siya kakausapin.








Nandito kami ngayon sa Main house nila Arman kung saan nakatira si Thea. Binisita lang namin ang mag-ina dahil kakagaling lang sa sakit ng baby nito na si Theo. Normal lang naman sa baby ang magkasakit pero hindi parin namin maiwasan na mag-alala, lalo na itong ulirang Tito ni Theo.




"Where's Theo?" bungad agad ni Arman sa kapatid niya. Bumeso ako kay Thea habang sinusundan ng tingin si Arman paakyat ng kwarto nung baby.


"Kita mo yang Kuya ko, dinaanan lang ako." natawa ako sa sinabi ni Thea.



WANDA For YouWhere stories live. Discover now