Hot

13 4 1
                                    

Arman's POV





NAGISING ako at nagmulat ng mga mata ng makarinig ako ng malakas na music...


"You can dance
You can jive
Having the time of your life
Ooh, see that girl
Watch that scene
Digging the dancing queen.."




Nanlalabo ang mga mata kong nakatingin sa babaeng makatalikod mula sa direksyon ko. Makatayo ito sa harap ng malaking salamin.. Kinusot ko ang mga mata ko kung tama ba ang nakikita ko at hindi ako nanaginip.




Yung babaeng maingay kanina ay nag-iingay na naman ngayon——— dancing like a queen, wearing a dress—— not a typical outfit of her. I am surprised! Yes. Okay na sana,—— pero nakapaa.



Inabot ko ang phone ko sa side table to check the time pero nasagi ko yung car keys ko kaya nahulog sa sahig at lumikha ng ingay—— at ngayon ay napalingon na sa akin si Gia.





"Wow! Nagising ka na! Good Job!" medyo sarkastik na tono ang boses nito na tila ba kanina pa niya ako ginigising.




"Ang ingay mo!!! Patayin mo nga yung tugtog!!! Tsaka anong oras na ba?——- fck! 3 pm na?? Bakit hindi mo ako ginising!!!" nagmadali akong tumayo.




"Bakit? Ginising mo ba ako sa Music School hah? Iniwan mo lang din naman ako ng tulog nun hah! It's a tie! Buti nga!!" hindi ako makapaniwala sa sinagot nito. Kahit na mukha itong anghel sa harapan ko ngayon ay tinutubuan parin siya ng sungay sa paraan ng pakikipag-usap nito sa akin.




"Iba yun! Trabaho to Gia!! Nakakahiya kila Arturo! 4pm ang kasal! Dapat kanina pa ako nandoon!" nagmadali kong kinuha ang isusuot ko dahil tumatakbo ang oras.



"Trabaho??? Akala ko ba ininvite ka lang dito kasi kakilala mo yung kinakasal??! Tss. Bilisan mo magbihis! Iiwan kita dito!" pagbabanta nito.




"Teka nga, bakit ka nakabihis? Invited ka ba sa kasal?" tanong ko dito kaya nahinto ito sa pagsasalita.




"Bakit? Hindi ba??" biglang tanong nito.



Bigla akong bumulahaw ng tawa dahil sa reaksyon niya. Mabilis akong nakapasok sa loob ng banyo ng makita kong padampot na siya ng suklay para ibato sa akin. Mabilis ko namang naisara ang pinto at tawa parin ako ng tawa sa loob.



"Gago ka! Kapag ako wala sa guest list, ilalagay ko sa mata mo lahat ng glitters nitong suot ko!!!" sigaw nito mula sa labas ng kwarto. Tawa ako ng tawa habang nagsisimula ng maligo.




"Bilisan mong maligo! Wag ka ng maglabas ng semilya diyan!! Baka di mo na abutan ang entourage!" natigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi niya.



What? Itong babae na ito talaga!!!! Walang filter ang bibig!!!
















Gia's POV

Natawa ako sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman iyon para pigilan ang kanina pa niyang pagtawa! Tuwang-tuwa ? Lakas ng trip! Mas malakas kaya ako man-trip! Akala niya hah! Huh!

Kinakabahan tuloy ako. Baka wala talaga ako sa guest list. Juskoo. Sayang tong outfit na pinahiram sa akin ni Jenny. Ganda-ganda pa naman ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Not bad. Bagay naman pala sa akin ang kulay. It's a blush pink glittery bodycon dress—-Tumalikod ako at tinignan ko ang backless na design nito. Inayos ko ang nipple tape na suot ko—- mahirap na, baka mahulog pa mamaya. Ngumiti ako sa harap ng salamin tsaka ko nilapat ang kulay rosas na lipstick.

WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon