Boat

8 2 0
                                    

Arman's POV



Umupo ako sa isang nakatumbang puno ng buko dito sa gilid ng dalampasigan sa Zambales. Biglaang beach trip ito kasama ang mga kaibigan ko. Nang tumawag si Simon at inaya nga ako na sumama sa kanila ni Sammy & Nel na mag dagat ay pumayag na ako. Sa Friday pa naman ang next schedule ko sa trabaho kaya pumayag na ako. Biglaan naman kasi talaga ito. Half of the year pa lang naman at malayo pa ang summer.


Ito ang unang beses ko sa beach resort na ito. Hindi ko alam na may ganito kagandang beach resort sa Zambales.


"Arman! Ito na yung mango shake mo oh!" inabot ni Simon ang shake sa akin at tumabi ito. Umusog lang ako ng kaunti dahil paparating na din si Sammy at Nel.



"Mabuti at hindi busy si Arman. Napapayag mo Simon eh." rinig kong sabi ni Nel. Natawa ako.



"Mukhang may pinagdadaanan tong kaibigan natin ah. Kanina ka pa tahimik Arman." sabi ni Simon. I smiled tsaka tumingin sa dagat.



"May ganito palang kaganda na beach dito sa Zambales? Paano niyo to nadiscover?" tanong ko sa kanila at nagkatinginan sila——- why? Kasi nginitian ko lang yung sinabi ni Simon?




"Arman? May bagong problema ka ba ? Akala namin okay na kayo ni—-"




"Relax guys. Wala akong problema. Medyo magulo lang ang isip ko."



"Then mag kwento ka!"




"Pumunta ako dito para makapag relax yung isip ko———"















"Hi Guys!!!" sabay-sabay kaming napalingon ng may marinig kaming sumigaw sa likod.









"Gia!!!!!" hyper na sigaw ni Sammy at mabilis itong bumaba sa pagkakaupo sa inuupuan nito at mabilis na lumapit kay Gia upang yakapin ito.







Anong ginagawa niya dito???? Sinong nag-invite sa kanya??? Hanggang dito ba naman???








Hinatak ni Sammy ang kamay ni Gia para makalapit sa amin.







"Hanggang dito ba naman susundan mo ako??!" inis na tanong ko dito. Hindi ko siya matingnan ng matagalan dahil sa suot nito.





"Ano ka ba Arman! Si Gia ang nag invite sa atin dito! I mean, siya ang nag recommend!"




"Magkano commission mo dito???" tanong ko dito para mas lalo siyang mainis.




"Si Gia ang may ari ng resort Arman." rinig kong sabi ni Simon—— hah?




"Hala Gia, hindi naniniwala si Arman oh. Hahahahahaha.." siniko ko si Simon ng tumawa ito.





"Mukha ba akong mahirap Arman???" pagsusungit na tanong nito. Oo, ang hirap mong——-




"Wala akong pakialam kung sayo tong Resort—- ang akin lang, di ka namin kaibigan kaya dapat wala ka dito!"





"Sammy, pigilan niyo ako! Baka masapak ko yang kaibigan niyo!!" naiinis na ho siya. haha




"Kalma nga muna—— kayo ba talaga, hindi magbabati??? Pwede bang at peace muna kayo today? Nandito nga tayo to reflect—- para marefresh ang mga mind natin, pwede bang kalma muna?"



"Ayan? Hindi niyan kayang kumalma! Palaging mainit ang ulo niyan!" sabi ko ng hindi tinitingnan si Gia



"Paanong hindi iinit ang ulo ko? Kung ganito ka-Gago yung makakasalamuha ko??" inis na sabi ni Gia. Tumayo na ako sa pagkakaupo dahil naririndi na ako sa ingay nito.























WANDA For YouWhere stories live. Discover now