Cebu

9 3 0
                                    

Gia's POV


7 am ang flight namin papuntang Cebu pero 5 am palang ay nasa airport na ako. Syempre. Early bird as always. Nakaupo ako sa bench habang hinihintay siya—— Isang malaking bagpack ang dala ko—- good for 3 days na mga damit kahit na alam kong isang araw lang kami doon. Medyo inaantok pa ako dahil super aga kong gumising kanina. 3 am pa lang ay gumising na ako para tawag-tawagan tong alaga ko! Mahirap na, baka ma-late pa siya sa flight namin. Edi ako yung na-hassle diba? Tss. Siningit na nga lang to sa schedule niya dahil ang original schedule talaga today ay birthday party ng kapatid niya.

Teka? Oo nga pala. Birthday ni Thea ngayon.


Nilabas ko ang phone ko para hanapin sa facebook si Thea. Gusto ko lang naman bumati. Pero nakailang search na ako, walang lumalabas. Ano kayang name ng account niya sa facebook. Sinubukan ko munang i-search si Arman. Meron siyang Dalawang Facebook account. Isang Fan Page na may 35,000 likes at 42,293 followers. Wow? Teka. Ganito ba siya kasikat? Hindi to artista sa tv hah. Chineck ko yung personal facebook account niya. Hindi ko siya friend kaya mga public post lang makikita ko. Dalawa lang din ang mutuals namin, Si Direk Pat at si Sammy !

Parehong account niya—- kung hindi nakabalandra yung katawan niya ay puro mga short clips ng mga song performances niya. Well, ano pa ba ineexpect ko diba. Fan page nga eh. Chineck ko yung isang video niya, wala siyang top at nakabalandra ang katawan niya. Nasa loob siya ng isang gym at nagpupush-ups. Ang daming views and likes.




"Breakfast mo ako?" napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Arman. Mabilis kong inoff ang screen ng phone ko at patay malisyang nilagay sa bag ko iyon.





"Wow? Himala. Ang aga mo din." sabi ko dito sabay lapag ng bag ko sa labilang side ko para hindi siya umupo doon.




"Nabusog ka ba kakatitig sa katawan ko?" isa pang pang-iinis na tanong nito. Shit naman kasi! Bakit niya pa ako naabutan ma pinapanood yung video! At yung video pa na yun.



"Hindi. Nasusuka nga ako eh." sagot ko dito and I saw him smile.



"Titig na titig eh. Ang lapit ng screen sa mukha mo eh." Arrrghhh! Nakakainis.





"Good strategy! Ginagamit ang katawan para dumami ang mga fans! Puro lalaki likers mo! Proud ka doon?  Tss.."



"First, wala akong magagawa kung gusto nila ang katawan ko. Second, may mga tagahanga ako pero hindi dahil sa katawan ko kundi dahil sa boses ko——- wait , naging fan na ba kita dahil sa katawan ko?" I rolled my eyes tsaka ako tumayo.




" Bantayan mo yung bag ko, susuka lang ako sa banyo." sabi ko dito at habang naglalakad ako paalis ay naririnig ko ang tawa niya. Bwisit talaga. Feeling! Eh ano naman kung maganda yung katawa niya? Mukha ba akong magiging tagahanga ng isang tao dahil sa katawan? Hello! High standards ako nu! Kailangan munang mapapalakpak mo ako sa performances mo bago kita hangaan.












Ilang minuto na lang ay aalis na ang eroplano. Di ko sure kung tulog na tong katabi ko. Nakapikit kasi ito at may dalawang airpods sa tenga niya. And yes, magkatabi po kami. Wala akong choice. Siya ang nag booked ng ticket! At sure akong wala din siyang choice dahul siguro ito na lang ang natitirang dalawang vacant para sa flight na ito pa-Cebu.



Napatingin ako sa daliri ni Arman na tinatap niya sa lap niya. Napapaindak ito sa music na pinapakinggan niya. So di pa nga ito tulog. Napatingin na lang ako sa window. Nagsisimula na kaming lumipad. Ito yata ang first out of town ko this year. At masaya ako. Kasi ito yung bagay na hindi ko nagagawa sa dati kong trabaho. Nag fifield nga kami pero buong NCR lang. Ang sad.











WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon