Drive

10 1 0
                                    

Gia's POV



Today ang unang araw ko bilang Road Manager ni Arman. 8am ang calltime namin. I texted him na magkita na lang kami sa tapat ng building ng condo unit niya—- yes, Direk Pat sent to me Arman's personal details like —- Address, personal number, email—- Ayoko man itext or tawagan or mag send ng email kay Arman, wala akong choice. Siya ang pinapatrabaho sa akin kaya magpapakaprofessional na lang ako.



7am pa lang ay umalis na ako sa bahay. Tulad ng nakasanayan, nagbooked ako ng Angkas para makarating ng mas maaga sa meeting place. Ayokong laging na-li-late. Mas okay na maghintay ng mas maaga kaysa ako ang hintayin. Nakaka unprofessional ang ganoon.

Pagbigay ko ng bayad sa Angkas driver ay pinagpag ko ang suot kong itim na joggerpants ko. Tila naalikabukan pa dahil may nadaanan kaming construction site kanina. Hays. Inayos ko ng bahagya ang suot kong white tanktop. Mainit ang panahon ngayon kaya nagsuot ako ng medyo komportable. Tumayo ako sa gilid ng isang itim na Jeep Gladiator JT. Pinagmasdan ko ang ganda ng skin ng kotse—- tila kakatapos lang mapa-carwash ah. Dream Car ko ito. Ang ganda ganda pala nito sa personal. Napangiti ako.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng jogger pants ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng jogger pants ko. Sinilip ko kung nagtext na ba si Arman. Last check ko kasi mukhang tulog pa at di nagrereply.


"My God! Wala pang reply. Feeling VIP talaga! Kainis." bulong ko habang ibinabalik ko ang phone ko sa bulsa ko.






"Ay pusa ka——— !!! Ano ba !!! Arman!" napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may nagbaba ng tinted window ng Jeep Gladiator sa gilid ko. At ang walanghiya pala ang sakay nito.





"Late ka." seryosong sabi nito. Walang ngiti-ngiti ah.





"Wow?? Wala pang 8 am oh. Wala ka bang relo? Tsss. Never akong na-le-late nu! Early bird ako lagi. Sorry." mayabang na sabi ko dito.






"Tabi." utos nito kaya gumilid ako tsaka niya binuksan ang sasakyan niya at bumaba ito. Isang casual na Arman parin ang bumungad sa akin. Mukhang bagong ligo dahil basa pa ang mga buhok. Naaamoy ko ang perfume niya at hindi ko maitatanggi na mabango iyon at gusto ng pang-amoy ko. Hindi masyadong matapang. Sakto lang.





"Anong schedule ko today?" seryosong tanong nito. Inirapan ko siya tsaka ko kinuha ang ipad ko at binasa sa harap niya ang list ng schedule niya today.






" 9am—- magsusukat ka ng outfit para sa guesting mo sa isang Concert

11 am - Meeting with Direk Pat plus the Team. ( may important announcement) napataas ako ng kilay ng mabasa ko yung part na may important announcement, curious tuloy ako. Ano kaya iyon? hmm.

2pm - Voice lesson with Sir Floyd Villegas— hala , diba siya yung conductor ng Clare Music School—— yung school mo?!" napansin kong nagsalubong ang kilay ni Arman at dinedma ang tinanong ko. Huli ko na marealized na medyo nag high pitch ako sa part na iyon. Hahahaha. Medyo OA lang ang reaction ko. Pero hindi naman masama ang tanong ko ah. Nameet ko na si Sir Floyd nun sa school ni Oli. Mabait iyon. Siguro nga ay siya rin ang vocal teacher ni Arman. Kahit professional na siya sa pagkanta, nagvvoice leasson parin siya. Sus. Yabang.








WANDA For YouWhere stories live. Discover now