Coffee

14 2 0
                                    

Gia's POV

Wearing my favorite denim mom jeans and white polo shirt, I'm doing my mandatory ootd pose sa harap ng malaking salamin dito sa kwarto ko. Actually, masyado pa ngang maaga. 6am pa lang pero bihis na bihis na ako. 8am pa naman ang calltime pero wala eh, early bird talaga ako. Sanay akong maaga lagi. Ayoko kasing ako yung hinihintay. Kinuha ko yung Black tote bag ko at ang very trending na white Aquaflask thumbler. Regalo pa ito sa akin ng co-Auditor ko nung pagka 5 years ko doon.

Matapos kong magpaalam sa mga magulang ko——- actually wala silang alam na nagresign na ako. Hindi ko kasi alam kong paano ko sasabihin. Hindi pa ako handa. Natatakot ako sa magiging reaction nila.


At dahil masyado pa ngang maaga ay hindi naman ako nahirapan magbook ng angkas today. At alam ko naman na hindi ako male-late.






Pagdating ko sa harap ng coffeeshop somewhere in Quezon City ay hindi muna ako pumasok sa loob. Chineck ko muna if may text messages na ba si Direk Pat sa akin. Masyado pa namang maaga pero dahil dito nga ang meeting place ay chineck ko muna ang loob kung madaming tao. Well, parang isa or dalawa pa nga lang—- maaga pa naman kasi. Siguro kaya dito ang meeting place dahil hindi masyadong matao—- well, artista nga pala ang i-memeet ko today.

Nakareceived ako ng text from Direk Pat. Baka ma-late daw siya sa calltime pero maghintay na lang daw ako sa loob.

I have no Idea kung nasa loob na ba yung artista na hahawakan ko—- hello? hindi ko nga alam kung sino siya.

Pagpasok ko ng coffee shop ay nilibot ko agad ang tingin sa mga tao na nakaupo. Dahil super aga ay tatlong tao lang ang nakita ko sa loob. Two ladies and one guy. Solo lang silang tatlo, hiwalay nga ng mga upuan. The two girls are at the left corner of the cafe facing toward my directions. Tiningnan ko agad ang mukha nila—-pero hindi naman sila mukhang artista. The 1 guy na nakatalikod naman wearing a black shirt, hindi din pamilyar sa akin ang figure niya at wala akong maalalang artista na ganyan ang back image so confirmed na wala pa siguro dito ang Artist na ka-meet ko. Napangiti ako ng batiin ako ng isang staff. Naglakad ako papunta sa bandang dulo para incase na pumasok si Direk Pat or yung Artist ay makikita ko agad. Nilagpasan ko ang table ng lalaking naka black —- napansin ko naman na nakatingin sa akin yung dalawang babae sa kabilang corner—- lah? Ganda ko ba? choss.

Nang makarating ako sa bandang dulo ay inilapag ko ang tote bag ko sa isang chair tsaka ako umupo sa long couch. Pag-upo na pag upo ko sa couch ay napatingin ako sa harap kung saan makikita ko ang pinto ng cafe—— pero imbes na pinto ng cafe ang magiging view ko ay mukha ng lalaking nagpakulo ng dugo ko kahapon ang nakita ko.


Siya yung nakablack na guy?





Sh*t! Anong ginagawa niya dito?? Sa dinami-rami ng coffee shop, dito pa talaga siya nagkakape???

I was shocked. Oo , gulat ako. At ganoon din ito. Pero split second lang kasi sumeryoso ako ng mukha tsaka ko siya inirapan. Binawi ko agad ang tingin ko sa kanya eh. Baka anong isipin niya. Kinuha ko ang phone ko at doon ko na lang tinuon ang atensyon ko dahil ayokong  tumingin sa direksyon niya. Ayoko. Hello, tatlong table lang ang pagitan namin.



5 minutes—




10 minutes—-





Bakit ang bagal ng oras. Bakit feeling ko ang tagal ni Direk Pat—- bakit feeling ko di na ako makakatagal dito sa pwesto ko. Lumipat kaya ako?

Naku, baka isipin niya umiiwas ako. Wag na lang.


Nag-angat ako ng tingin at ang walanghiya ay nakatingin sa akin. Kakatapos lang niya ng isang sip sa kape niya tsaka siya sumandal sa upuan niya pero hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Kung kahapon ay nakapang workout attire ito, ngayon ay pansin kong naka pang casual lang ito. At nakasuot siya ng itim na—- hmm, reading glass ba ito or may grado or anti-rad—- aba ewan ko. Pero mukha siyang demonyong mabait today. All black nga pala siya from pants to shirt—- and white rubber shoes. Agaw pansin ang ginto niyang necklace na may maliit na cross na pendant. Pansin ko ang itim niyang wallet na nakapatong sa lamesa, katabi ng phone niya.



WANDA For YouWhere stories live. Discover now