Condo

12 1 0
                                    

Gia's POV

"Pero bakit ka nga nagbabawas ng mga damit mo?" I hear hin tsk , nakukulitan yata sa akin . haha.


"I am donating!"



"Pero bakit?"



"Bawal ba? Tsaka bakit mo ba ako kinukwestyun hah? Tsk."


"Ayan na naman hu siya! Nagsusungit na naman!"



"Hindi ko na nasusuot yung iba. Mapupuno na yung cabinet ko. Sayang kung itatapon ko lang."



"Alam mo, wala sa itsura mo yung ganyan.."



"Anong ganyan?"



"Yung may kawang-gawa ka.." natatawang sabi ko.



"Ah ganun? Sus. Ang sama sama ko talaga sa paningin mo ano?" tanong nito.



"Oo!"



"FYI—— Ikaw lang ang nagsasabi niyan."




"Eh sa ganun ka makitungo sa akin eh! Ano ineexpect mo na maging impression ko sayo? Mabait? Tss.." napansin kong ngumisi ito na tila may iniisip. Napatingin ako sa kanya.




"Ayan , ganyan."




Naguguluhan ako sa sinabi nito. Nagsalubong ang kilay ko.




"What?"





"Hindi ko alam kung bakit pero kakaibang satisfaction ang nabibigay sa akin kapag naiinis ka.." natatawang sabi nito without looking at me. Napaawang ang labi ko sa gulat. Nag-iwas ako ng tingin.


"Grrrr! Arman ! Maging mabait ka na sa akin! Ngayon! Iyon lang yung hinihingi kong kundisyon sayo para matulungan kitang linisin yung condo mo! Mahirap bang gawin iyon?" saglit itong napalingon tsaka ngumiti. Wtf? Bakit may kasamang ngiti?





"Bakit ngiting aso ka jan?" mahinang tanong ko dito. Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.



"Ang hirap maging mabait sayo . Lalong humahaba yung sungay mo oh". sabi nito kaya napairap ako.




"Isa! Be kind! Please?" what? Bakit ako nagplease? Anong nangyayari sa akin?



"Fine!" walang nagawang sagot nito.



"Sure?" naniniguradong sabi ko.



"Ang kulit." bulong nito pero rinig ko parin.




"Thanks God! Pumayag din! Alam mo bang ang hirap mong makatrabaho dahil ang sungit-sungit mo?"



"Same!" tipid na sagot nito.





Ilang sandali kaming tumahimik. Nag-iisip ako ng pwedeng pagkwentuhan kasi I'm bored kapag masyadong tahimik tapos dalawa lang kami. Naglalakbay yung utak ko eh. At kung saan-saan pumupunta.





"May girlfriend ka ba ngayon?" tanong ko dito. Alam kong napaisip siya at nagtaka sa tanong ko pero nakatingin parin ito sa daan.





"Why? Applying?" nakangiting sagot nito. Gago talaga!



"Wala akong nakuhang sagot!" sarkastik na sabi ko. Meron o wala lang isasagot eh! Tss.



"Alam mo naman yung isasagot ko diba? For sure you already stalked me! Or already ask my sister."




"Hoy! I never stalked you hah! Bakit ko naman gagawin iyon? Tsaka ano man yung alam namin, syempre iba parin kung sayo manggagaling ang sagot!"



WANDA For YouWhere stories live. Discover now