Night

16 2 0
                                    

Gia's POV

MATAPOS kong mag-ayos ng gamit ko dito sa room ko ay nagpasya akong bumaba sa Pavilion hall kung saan may after party ng isang kasal kaninang hapon. Ininvite kasi kami ng bagong kasal personally nung nalaman na kakilala kami ng owner ng resort na ito. Mamayang 3am pa kami aalis ni Arman para bumyahe papuntang Batangas kaya pwede pa ako mag-enjoy dito sa resort. Paglabas ko ng room ay dumaan ako sa room nila Sammy pero mukhang wala na sila dito at nasa ibaba na.

Pagbaba ko ay nakasalubong ko pa si Emman na kakalabas lang sa office niya.




"Tara na sa party!" nakangiting sabi nito sabay hatak sa kamay ko.




"No alcohol for me hah! Maaga byahe namin bukas." paalala ko kay Emman kaya natawa ito.



"As if naman nalalasing ka agad? Sus. Ikaw pa ba! Isang drum yata ng alcohol kailangan mong inumin bago malasing."


"Kilala mo talaga ako! Hahahaha." natatawang sabi ko. Nahinto ako sa paglalakad ng may marinig ako——






"Ikaw lamang ang pangakong susundin
Sa takbo sakdal, liwanagan ang daan
Yakapin mong bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay.." 🎶




"Is Arman Singing? Si Arman nga." biglang usal ko. Nakahinto parin ako sa paglalakad at si Emman sa tabi ko ay pinapakinggan din ang kumakanta.




"Pucha girl! Pati boses niya kabisado mo na!!! Kilalang-kilala mo na talaga siya!!! Ayiiie."




"Anong ayiiieee!!! Gaga to ! Syempre kilala ko boses niya! Ilang beses ko ng naririnig yan! Siya ang trabaho ko diba! Tsss.."




"Tinatrabaho!" pang-iinis ni Emman. Inirapan ko siya tsaka hinila at naglakad muli kami. Pagpasok namin sa Pavilion Hall ay pumwesto kami sa gilid ng sounds system. Nakatayo lang kami ni Emman doon.



"Ikaw lamang ang pangakong mahalin.." natutuyuan yata ako ng laway ng mapatingin si Arman sa amin. Sa akin? Or guni-guni lang to . Oo.

"Sa sumpang sa'yo magpakailan pa man
Yakapin mo'ng bawat sandali,
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay—"


Todo pisil yung katabi kong bakla sa kamay ko kasi alam kong nakikita niya din na nakatingin si Arman sa amin.


"Ang swabe ng boses niya pag pang simbahan kinakanta niya! Juskooo para siyang member ng choir na pinakamagaling! Parang ganun! Hoy Gia!!! Ang talented naman pala nitong alaga mo! Kaya pala laging alay sa kasal HAHAHAHAHA." natawa ako sa sinabi ni Emman.

"Alay talaga . Hoy Emmanuel, tandaan mo, boses lang ang maganda sa kanya. Iyon lang. Pero yung attitude? Negative." bulong ko kay Emman.



"Maganda din katawan niya! Appreciate mo naman! Pinaghirapan niya yang muscles niya at abs!!" kinurot ko sa tagiliran si Emman tsaka siya hinatak para makahanap na kami ng upuan. Halos patapos na ang party ng bagong kasal at magsisimula na siguro ang after party na puro alak na at maingay na tugtog. It's already 10 pm na kasi. Nakapagdinner na din ako kanina sa room ko kaya okay lang din naman siguro na manatili ako dito until 12mn diba.



Napangiti ako ng kumaway si Sammy para paupuin kami ni Emman sa table nila. Bago pa man kami makaupo ay nagpalakpakan na ang mgat tao, hudyat na kakatapos lang ni Arman na kumanta. Kahit na galit ako dito at kinasusuklaman ko ang pagkatao niya, proud parin ako everytime na nakakareceived siya ng masigabong palakpakan after his performance. Knowing na Professional singer siya pero ang kumanta ng isang song sa isang simpleng kasal tulad nito, hindi niya totally kakilala at ginawa for a gift at libre lang, that's a big thing hah. Wait, libre nga ba? Baka magpabayad to. Susuntukin ko ito. Tss.

WANDA For YouWhere stories live. Discover now