Outfit

12 1 0
                                    

Arman's POV


UNANG araw pa lang ng babaeng ito sa trabaho niya, pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang pasensya ko sa kanya. Yung totoo niyan, sinabihan ko na si Direk Pat na ayokong siya ang maging Road Manager ko. Dahil ganito—- ganito ang nakikita kong senaryo!!! Hinding hindi kami magkakasundo sa kahit na anong bagay. There is something on her na ayaw na ayaw ko. Masyado siyang maingay. Pakiramdam ko nawawala lahat ng concentration ko sa mga bagay dahil sa ingay niya. Ang sabi ni Direk Pat, bigyan ko ng chance si Gia. Ayaw ko man gawin pero wala akong choice. I need to work with this girl. Sabi ni Direk atleast 3 months. Okay. Pumayag ako. Pero kapag puro aberya ang mangyayari working with her, ako na ang magpapatapon diyan pabalik sa dati niyang trabaho. Tss.




Ang sama ng tingin ko sa kanya habang nakatingin ako dito. Nasa magkalayong sofa kami nakaupo ngayon, waiting for the samples ng outfit ko for next month na guesting ko sa concert.

Napahawak ako sa ulo ko ng maalala ko yung sinabi nito kanina. Sino siya para husgahan ang love life ko? Boring? Boring ang lovelife ko?? Pakiramdam ko ay naoffend ako sa sinabi nito. Coming from a girl? Tss.


Napatayo ako ng pumasok si Lily na dala-dala ang tatlong boxes na naglalaman siguro ng mga sample outfits. Lumapit ako dito para tulungan siya na maibaba sa couch ang mga box.


"Sir Arman, itong first box po yung sample ng first outfit. Ganitong ganito po yung design pero as per Direk Pat, navy blue daw po ang kailangan. Pero same fit po ito. Pasukat na lang." kinuha ko ang isang dark green na suit at   ang partner nito na pants tsaka ako pumasok sa fitting room. Paglabas ko ay nakatayo na si Gia sa tabi ni Lily.


Naglakad ako upang lumapit sa malaking mirror sa gilid ng pinto. Sakto ang fittings sa akin. Komportable naman. Pero hindi ito ang color na sinuggest ni Direk Pat so baka ipabago pa talaga.



"Sakto sayo yung fittings Arman. Hey, wait lang—— okay the buttons. Oh ayan, perfect! Ang perfect ng color sa complexion mo! Bakit magpapatahi pa ng ibang color ? Pwede na to!" nagulat ako ng lumapit si Gia sa akin para ayusin yung pagkakabotones ko sa upper part ng inner top. Ibinaba ko ang kamay niya na nakahawak parin sa balikat ko tsaka ako medyo lumayo at humarap kay Lily.



"As per Direk Pat's reco, navy blue daw dapat." paalala ko kay Lily kasi baka magpapaniwala to sa desisyon ni Gia, masyado lang tong nangengealam.



"Yes, navy blue po ang reco ni Direk Pat pero Sir Arman, agree din ako sa sinabi ni Miss Gia na bagay sago yung color ng Emerald green!"






"Naku wag kang maniwala——-"




"And as per advice ni Direk Pat sa akin kagabi, pwede naman din daw ako magdecide regarding sa kahit anong adjustments ng outfits mo Arman. So for me, okay na ako sa Emerald Green. I will informed Direk Pat regarding the changes, for sure di naman siya magagalit."




"Gia, si Direk Pat ang Manager ko at wala kang——-"





"Hello, direk Pat! Hi! Nandito na kami sa House of Rajo! Look oh, bagay ang color kay Arman diba? Pwede na to! No need na magpagawa ng bago! Bagay sa complexion niya!!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko si Gia na ka video call na ang manager ko! Kita mo yan!!!! Masyadong paladesisyon! Tama bang istorbohin si Direk Pat ng ganitong oras? Paano kung busy yun? Tss..




"Ibibigay ko na kay Gia ang huling decision for your outfit Arman. Tsaka maganda ang taste ni Gia sa colors hah! Alam na alam niyang bagay sayo!"



Hindi na ako umimik hanggang matapos silang mag-usap. Nanalo na naman po sa pagdedecide itong RM ko. Paglabas namin ng House of Rajo ay walang imik kong ipinasok sa backseat ng sasakyan ko ang isang box ng outfit ko na pwede na naming mauwi. Next week ko pa makukuha yung dalawang additional na pinagawa namin.










WANDA For YouWhere stories live. Discover now