TrashCan

11 1 0
                                    

Gia's POV



Inabot na ako ng 10pm dito sa harap ng Music School ni Oli. Mabuti na lang may hagdan dito at pwedeng maupuan. Puro kamalasan talaga ang dulot ng lalaki na iyon sa buhay ko. Hindi ako makauwi. Why? Hello, hindi ako pwedeng umuwi ng bahay ng hindi ko dala ang bag ko!!! Alam nilang umalis akong may bag, magtataka si Mama kung bakit wala na akong bag pag-uwi! And here's the thing—— hindi nila alam kung saan ako totoo nanggaling, ang alam nila, pumapasok parin ako sa dati kong trabaho diba!! Haays. Hindi din ako pwedeng mag taxi dahil bababa pa ako papasok ng bahay para kumuha ng bayad? Obvious naman ako nun! Mahahalata ako ni Mama. Wala ding laman ang Grab wallet ko at paubos na ang battery ng phone ko!!! Yung kaisa-isang tao pa na pwedeng sumundo sa akin—— si Jenny, ang pinsan kong Mommy ni Oli—-ayun, inabot pa ng traffic sa Edsa papunta dito para daanan ako. Kanina pa ako nilalamok dito. Tapos ang creepy pa. Nay naku. Mapapatay ko talaga yung Arman na iyon!!! Bwisit siya!!! Hindi talaga niya ako ginising!!! Bwisit! Kasalanan niya ito. Oo. Siya.



Yumuko ako upang saglit na umidlip at sana paggising ko ay andito na si Jenny. Huhu.



Wala pang limang minuto akong nakayuko ay may kumalabit sa akin.



Nanlalabo akong napatingin sa tao na kumalabit sa akin.






Isang bata?





Napatingin ako sa hawak nito—— yung bag ko!







"Ate! Bag mo po ba ito???" mabilis kong kinuha sa bata yung bag! Akin nga ito.




"Saan mo ito nakita bata?"





"Sa ano po—— sa basurahan." nauutal na sagot nito tsaka siya ngumiti at tumakbo palayo. Hindi na nga ako nakapag thank you eh. Natulala lang ako tsaka ko tinitigan ang bag ko. Mabilis kong binuksan iyon at chineck ang laman ng bag ko. Kumpleto pa naman ang laman ng bag ko. Walang labis, walang kulang.
Mabilis kong inamoy ang bag ko.






"Basurahan pala hah! Eh hindi naman amoy bulok ang bag ko. Amoy parin nga ng kotse ni Arman! Sus. May konsesnya parin pala kahit papaano."






























Arman's POV



KAKATAPOS ko lang pakinggan ang ilang mga records ng boses ko—— part ng pagpaparactice ko ng boses ko bago ako matulog, nakareceived ako ng message from Simon.





"Pakilala mo yung witch hah!" message nito na ikinasakit ng ulo ko. Ano ba naman tong mga ito. Bakit gusto pa nilang makilala iyon.

Speaking of that witch, binalikan ko ang text message niya. That one na tinadtad ako ng demon emojis. Tama nga si Nel, bakit hilig ng mga babae magsend ng ganitong emoji kapag galit sila. Oo nga, hanggang sa text message, nagagalit sila. Lagi na lang silang galit. Kami palagi ang mali! Kahit wala naman kaming ginagawang mali! Tsss..


Inilapag ko ang phone ko sa bed side. Napatingin ako sa ceiling ng kwarto ko.

Sumagi sa isip ko yung witch kanina. Oo , binalikan ko siya pero hindi na ako nagpakita. Bumalik ako pero ang nasa isip ko ay baka nakauwi na iyon pero —- No! Nandodoon parin siya. 10 pm? Halos limang oras na siyang naghihintay doon? Wala ba siyang matawagan na pwedeng magsusundo sa kanya para makauwi siya? Pwede naman siyang mag taxi pauwi diba? Hindi ba siya marunong mag-isip?? Tsss. Hindi ko naman kasalanan na maiwan niya ang bag niya sa kotse ko hah? Hindi naman ako ang nakaiwan! Tss.

















WANDA For YouWhere stories live. Discover now