Egg

10 3 0
                                    

Gia's POV

KAHIT na pagod ako dahil sa biyahe ay hindi ko magawang makatulog. Sumilip ako sa bintana ng room ko para i-check kung nasa kabilang bahay ba ang pinsan kong si Jenny. Nang mapansin kong nakabukas ang bahay niya ay nagpasya akong lumabas ng bahay upang puntahan siya.





"Busy?" sabi ko matapos kong katukin ang nakabukas na pinto. I saw her smiling habang naghihiwa ng kalabasa. Lumapit ako kay Jenny tsaka ko siya niyakap mula sa likuran. She's my closest cousin at best friend. Halos sabay kaming lumaki nito. Minsan, nakakaramdam ako ng inggit kasi yung buhay niya—— grabe yung naging changes at nakikita ko kung gaano siya kasaya bilang isang Ina kay Olivia.


Jenny pinched my cheeks. Lumayo ako kasi naamoy ko yung kamay niyang pinanghawak din niya sa kalabasa.



"Yuck! Ano ba yan, amoy gulay!" kunyaring arte ko.



"Ang arte ha!! Hmp, bakit? Anong problema mo hah? Teka lang—— kanina ka pa ba nakauwi?"




"2 hours ago."



"Bakit di ka matulog? mukhang pagod ka pa oh! Tingnan mo yung mata mo, parang may iniyakan kang lalaki kanina Hahahahahah.." inirapan ko ai Jenny tsaka ko hinatak ang isang upuan upang umupo doon. Halata bang napuyat ako kagabi? hays.



"Nasaan si Oli?" pag-iba ko ng usapan.




"May session siya ngayon sa Music School!"




"With Arman?"




"Syempre! Si Sir Arman lang naman teacher niya eh! ——- teka nga, mabuti naman at maaga kayong nakauwi ni Sir Arman? Nakaabot siya sa class nila Oli eh. Paghatid ko kasi kanina, nandoon na siya."




"Bakit di mo na lang i-enroll sa ibang music school si Oli? Yung may teacher at voice trainer na professional." nagtataka si Jenny sa sinasabi ko kaya hinatai niya rin yung isang upuan sa harap ko at umupo doon.




"Oy Ikaw Gia hah! May naging problema ba sa Cebu? Anong ginawa niya sayo doon?? Teka. pinagsamatalaha——-"



"OA naman ng isip mo Jenny!! Baka may makarinig sayo hah! Hindi!"




"Kasi kung makapagsalita ka, ang laki-laki parin ng galit mo sa alaga mo! Hindi parin ba bumabait sayo? Baka naman kasi lagi mong sinusungitan!"




"Iniwan niya ako." seryosong pag-amin ko kay Jenny. 




"Hah?"





"He left me. Alone. Sa Cebu."




"Wait—- so naunang umuwi si Sir Arman dito sa Manila??" tumango ako.




"Eh bakit parang namatayan ka diyan? Bakit parang problemado ka. Ayaw mo iyon. Hindi kayo sabay na umuwi. Atleast hindi mo siya nakikita. Diba from the very beginning—- ayaw mo naman talaga siyang makasama."




"Nakasimangot ako kasi naiinis ako. Oo, I hate him! Pero Jenny naman—— magkatrabaho na kami ngayon. Para saan pa na maging mabait naman siya sa akin. Tsaka sana naman marunong siyang rumispeto sa mararamdaman ko diba?? Alam mo bang halos hindi ako makatulog kagabi kakabantay sa temperature niya? Inaapoy siya ng lagnat kagabi—- ako naman, parang siraulo na nataranta kasi hello—- paano kung mas worse yung mangyari sa kanya? Ako lang ang kasama niya doon. Maapektohan ang trabaho ko at tiwala nila Direk Pat kapag namatay yan sa pangangalaga ko!"



"Patay agad? HAHAHAHAHA"



"Wag mo nga akong tawanan!"





"Concern ka sa kanya!"




WANDA For YouWhere stories live. Discover now