GF

15 2 2
                                    

Arman's POV

AFTER ko dumaan ng Gym ay dumiretso na ako sa Music School. Wala akong rehearsal today. Kapag may rehearsals ako ay may mga teacher naman ang mga students ko dito pero ewan ko, iba parin yung fulfillment sa puso ko kapag ako mismo yung nagtuturo sa kanila. I'm a Music teacher for almost 5 years? 3-7 years old ang tinuturuan ko at sa mga co-teachers ko ay 8-13. May mga adult anspiring singers din dito.

Pagbaba ko ng kotse ay mapatingin ako sa malaking pangalan kung saan nakasulat ang pangalan ng School.

"Clare School of Music"

Ang tagal na din pala? Simula ng maipatayo ko ito. Natupad ang isa sa una kong pangarap.


"Hey! Brad, wazzup! Kamusta?" napalingon ako sa likod ko ng tapikin ako ni George, isa sa music teacher sa shool ko.


"Brad! Hey. Well, ito , busy?? Ngayon lang nagka free time."

"I heard the news! Congrats for the lead role! Lahat kamig teachers dito , manonood sayo!"

"Oy Salamat! Nakakapressure naman!"


"Hahahah. Sige na Brad, magreready pa ako sa class ko." tumango ako tsaka naunang pumasok si George sa loob. Nilabas ko ang phone ko ng mag-ring iyon. It was Mom.


"Hello ! Mom! Bakit?"


"Ngayon ang labas ni Thea sa hospital. Sa main house siya uuwi. Pupunta ako doon. Magluluto ako ng dinner. Invite Gia." kunot noo akong napatingin sa kawalan.


"Si Gia? Bakit ko naman iinvite si Gia?"



"Ako ang nag-invite. Hindi ikaw. Tsaka Thea said, they're friends now so yeah, invite her."


"Hindi na Ma! Tsaka hindi kami magkasama ngayon. Baka busy yun. Tayo na lang amg mag dinner."


"Bring her sa bahay. *toot toot*" napatingin ako sa screen ng phone ko tsaka ako napailing. Ano namang kinalaman ni Gia sa pamilya ko! Hays.




Pagpasok ko ng music room ay malalaking ngiti ang bumungad sa akin mula sa sampung estudyante ko. Limang babae at limang lalaki. Napangiti ako dahil napansin ko ang pagkaway ni Oli sa akin.

Nagsimula na ang voice lesson nila. Isa-isa ko silang tinutukan at binigyan ng papel kung saan nakasulat ang verses ng songs kung saan ko sila inassign.


"Oli, ikaw na." tawag ko dito. Lumapit si Oli sa akin at ang mga natirang bata ay tinutukan naman muna ni Marie, isa sa voice coach din dito.



"Hi Teacher Arman! Good morning po! Namiss kita!" nakangiting bungad nito. Umupo ito sa monoblock na nakaharap sa akin tsaka papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa papel na hawak niya.



"You will be singing this part. Are you ready?"



"Yes po!"


"Okay.. I will play the piano and sabayan mo.."


"Do, a deer, a female deer
Re, a drop of golden sun
Mi, a name I call myself
Fa, a long, long way to run
So, a needle pulling thread
La, a note to follow so
Ti, a drink with jam and bread.."


"Very good! You studied your part very well hah!" papuri ko dito.



"Hehe. Yes po! Before I sleep po kinakanta ko po.."


"Good job! Tuloy mo lang yan hah!"



"Hehe! Teacher Arman? May I ask questions po?" Napasandal ako sa upuan at tinanggal ang kamay ko sa piano..



WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon