Lunch

8 2 0
                                    

Gia's POV

KAILAN ba ako magkakaroon ng masayang araw kapag katrabaho tong tao na ito. Sobrang unpredictable niya! Hindi ko alam kung kailan siya mantitrip. Nasakto pa kanina. Ang ganda ganda ng moment ko kasama ang mga naging classmate ko sa UP before noong nag take ako ng creative writings na unit —— na hindi ko natapos dahil kailangan kong magfocus sa totoong trabaho ko dati. Bagay na sobrang pinanghihinayangan ko.

Naiiyak ako sa mga advice nila sa akin kanina ng biglang dumating tong bwisit na Alien na ito at tinawag akong —— Love! Wala siyang karapatang tawagin akong Love. Lalo na't hindi naman totoo. Alam ko, sinusubukan niya akong asarin, bwisitin at pagtripan. Iyon lang naman ang alam niyang gawin sa akin eh.

Napatingin ako sa relo ko, alas dose na pala ng tanghali at kasalukuyan parin kaming nasa kalsada ni Arman. Papunta sana kami sa isang Clothing Store para makuha yung ni-rent niyang suit para sa kasal ng sinasabi niyang kakilala sa Cebu. My God. Hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapaalam sa bahay na pupunta akong Cebu sa weekend.




"Mag lunch muna tayo bago natin daanan yung damit." rinig kong sabi nito.




"My God! Nakaramdam ka din ng gutom! Finally!" OA na reaksyon ko. Oo! Kasi gutom na din talaga ako. Kanina pa. Di lang ako nagsasalita.


"Gutom ka na din pala, di ka nagsasalita diyan. Baka mahimatay ka diyan, kasalanan ko pa! Ako kasi nakakatiis akong late kumain!" sabi nito.



"Late kumain? Kawawa naman yang intestine mo! Gasgas na sa hangin! Sure ka bang healthy ka pa?" tanong ko dito.



"Alam mo, ang weird mo. Ano namang kinalaman ng pagiging RM mo sa health ko? Doctor ka ba hah?" nagsusungit na naman ang Haring Alien.




"Whatever! Hmp—— pero saan tayo kakain?"



"Hindi kita ililibre kung iyon ang naiisip mo!" mabilis na sabi nito.



"Alam ko! At hindi ako magpapalibre sayo ngayon nu! I'm a grown independent woman with a meal budget nu! Anong tingin mo sa akin? Mahirap? Gusto mo ikaw pa ilibre ko eh!"




"I don't need your money , old independent witch!" aba! Gago to ah!



"Wow? Lolo Arman! Nahiya ako bigla sa OLD. Wow! Coming from you??!! Wow!!!" inis na sabi ko. Tumawa ito saglit tsaka sinilip ang restaurant sa harap namin.




"Sakto, wala masyadong tao." sabi nito sabay baba ng kotse niya. Sinilip ko ang tiningnan nito. Pares ? Kumakain siya sa Paresan?


Mabilis akong sumunod sa kanya papasok sa loob ng Paresan. Maliit lang ito na store pero de-aircon naman sa loob. Tila kilala na siya ng mga tao dito dahil inassist agad kami sa bandang dulo—— sa 4 seater na table.





"Kumakain ka pala ng Pares?" curious na tanong ko dito.




"Why? Do I look like a "steak" kind of a person?" medyo mayabang na tanong nito kaya umismid ako.




"Akala ko kasi hindi ka nagra-rice."





"Malulungkot ka ba kapag nawala ang abs ko? Baka naman isipin mo pa to bago ka matulog hah! Well, nakita mo naman na to kanina diba.." ang yabang talaga!! Arrghh! Oo, I saw his abs earlier—— during the Audition. Pinaghubad kasi siya ng top bago siya sumayaw. At hindi naman na secret na napanood ko ang sayaw niya dahil nasabi ko nga kanina. Kung alam ko lang na magtatanggal siya ng top edi sana nanahimik na lang ako sa loob ng kotse niya diba. Pero seriously——- may maganda talaga siyang katawan. Totoo. Pangit nga lang ugali.




WANDA For YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang