Dinner

12 1 0
                                    

Gia's POV

"ahahahahh, naku iha, pagpasensyahan mo na tong panganay ko! Front lang naman yung pagiging masungit nito. Mabait talaga to!" muntik ko ng madura yung hipon na kinakain ko dahil sa sinabi ng Mama ni Arman.


"Yeah, he's faking his pagiging masungit para mas mukhang maging attractive siya sa girls!" gatong ni Thea sa sinabi ng Mama nila.


"Alam niyo, nawawalan na ako ng gana kumain. Wala ba kayong ibang topic?" sabi nito. Pero hindi naman siya mukhang galit. Naaasar lang.



"Oh, tingnan mo. Nagsusungit na! Pero hindi talaga yan galit." his mom said sabay lagay ng kanin pa sa plato ni Arman. Alam kong napipilitan lang ubusin ni Arman ang nilalagay ng Mama niya. Hello, he's on a diet kaya! Ilang carbs na naman ang kailangan niyang tanggalin sa katawan. Kakayod na naman ito sa gym. Napangiti ako. I saw him staring at me at nagsalubong ang kilay. Nagtaka siguro kung bakit ako napangiti.


"Hindi naniniwala si Ate Gia na mabait si Kuya oh!" napatingin ako kay Thea ng sabihin niya iyon.



"Ay hindi talaga yan maniniwala! Oh— Gia, sila Mama na ang nagsabi. Mabait ako."



"Okay fine. Mabait kana." pasukong sabi ko dito.



"Kaya wag mo na akong sungitan." mahinang sabi nito sabay nguya.



"Gia, if you don't mind—— may I ask a question?" napatingin ako kay Tita.



"Ma! Kanina ka pa tanong ng tanong sa kanya." reklamo ni Arman sa harap ko.



"Manahimik ka Arman."



"Ano po bang tanong yun Tita? 1 million dollar question po ba iyan? Masasagot ko ba?" natatawang sabi ko dito at natawa din si Tita.



"Ah, Gusto kasi kitang kilalanin bilang—- kaibigan ka naman ni Thea, magiging Ninang ni Theo at katrabaho ng panganay ko."



"Wala naman pong problema Tita. Ask anything po."









"Do you like my son?"









Yung baso : 0-0
Yung pinggan: -_-
Yung chandelier: :0

Lahat ay nagulat sa tanong na iyon ni Tita. Pati si Thea at Arman ay nagulat din.





Bigla akong kinabahan. Paano ko sasagutin? Pucha..





"Ma! Ano bang tanong yan!! Alam mo, nakakahalata na ako! Binibenta mo ba ako kay Gia?" naiinis na tanong ni Arman sa Mama niya,


"Bakit? Magpapabenta ka ba?" sagot ng Mama nito.



"Bakit, bibilhin ba niya ako?" sagot ni Arman sa Mama niya sabay turo sa akin.


Ah. okay, sasakyan ko ito.



"Bakit, magkano kaba?" pagsakay ko sa tapunan nila ng linya. Natahimik silang lahat hanggang sa bumulahaw ng tawa si Thea.




"Oh my God!!!! I love it! Pinapasaya niyo ang comeback ko sa bahay! Welcome home to me!!!!!" natatawang sabi ni Thea. Umayos ako ng upo ng hindi bumibitaw sa mga tingin ni Arman.



"Mahal ako, kaya mo ba?" sagot nito. Muntik na akong mabulunan, mabilis akong inabutan ng tubig ni Tita.



"OA hah! Ano ka, ginto! Kaloka to! Tsaka Tita, hindi ko po gusto yang anak niyo. May ibang lalaki na po kasing laman to." sabi ko sabay turo sa dibdib ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag arko ng isang kilay ni Arman na tila may nasabi akong mali.



WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon