Why

2 0 0
                                    

Gia's POV

"Maraming-maraming Salamat sa lahat ng tao na tumulong sa akin to mount this show! To Direk Pat na never nawalan ng tiwala sa akin. Salamat! Sobra. Sa mga tagahanga ko na hindi ako kinalimutan at nanatili. Salamat! Sa aking mga kaibigan na naglaan ng oras at yeah, pera para mapanood at suportahan ako! Sa team ko na hindi ako sinukuan. Sobrang lala ng nangyari at napagdaanan natin. Pero hindi niyo ako sinukuan---- and to my girl , thank you so so much for always being there, for always tapping my shoulder and for always telling me na magiging okay din ang lahat.. I love you, Happy birthday to us! And it is really a miracle! I almost lost my voice, a week before this night! But, oh God, Thank you Lord for helping me, us ---- it is indeed a miracle..."

Arman ended his concert for a speech, after that---- Lumapit ang Mom niya niya sa gitna to give him a bouquet of blue tulips.

Teary eyed lang akong nag vivideo dito sa audience. Katabi ko si Thea na kanina pa umiiyak sa gilid. This concert is indeed successful. Masaya ako for him. Sobra.

Nagkaroon ng after concert dinner ang buong team at prod ng concert. Magkatabi kami ni Arman na inuubos ang pasta na lasang kalawang. Hindi gusto ng panlasa ko ang kinakain ko pero pinipilit ko na lang na ubusin kasi nakakahiya naman. Ewan ko ba, favorite ko naman ang carbonara dati, pero itong kinakain ko ngayon? Nakakasuka.

Kinuka ko ang wine glass at ininum ang laman nun para malunok ko ang pasta.

"Hey, dahan-dahan sa wine.." natatawang puna ni Arman sa akin.

"Don't worry, hindi ako malalasing!" sagot ko and then they laugh.

"Ate Gia, you know what--- you are Kuya's lucky charm!" natawa ako sa sinabi ni Thea. Namula yata ako sa sinabi nito. Napatigin ako sa kamay ko ng hawakan iyon ni Arman.


Napalingon kami ni Arman sa likuran ng may biglang kumanta ng Happy Birthday song---- may mga crew na may hawak na dalawang cake.. doon ay nagsikantahan na ang mga tao sa loob ng restaurant.

Pagdiriwang ng kaarawan, kasama ang taong mahal mo---- it's indeed the happiest day!
















It's alreay 2am pero hindi parin ako makatulog. Nakatitig ako sa natutulog na mukha ni Arman. Naisip ko yung mga sinabi ni Jenny sa akin bago ako umalis ng bahay.


"Gia, alam mong mahal kita bilang pinsan at best friend ko. Pero gusto ko lang itanong sayo——- malinaw ba ang mga plano ni Arman sa relasyon niyo? Ano bang plano niya? After that concert? What's next?"




Hindi ako nakasagot. Natameme ako. Pinilit ko na lang na ngumiti noong mga oras na iyon. Ano nga bang plano ni Arman? Meron ba? Kung meron, kasama ba ako sa mga plano na iyon? Alam ko mahal niya ako. Nararamdaman ko iyon. Pero what's next? Hindi naman niya ako iiwan diba? Hindi?


Napahawak ako sa tiyan ko. 1 week na akong delayed. Hindi pa ako nagpapatingin pero parang alam ko na ang sagot. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Paano kung iwan niya akong mag-isa? Tama lang naman siguro ang desisyon kong pagbura ng email na iyon galing sa International Theater company. Mas okay na hindi niya alam na may callback siya for an audition diba? Kasi—— kasi malaki ang possibility na matanggap siya! His talent? He's a triple threat! He's a gem! Ayokong iwan niya ako ng mag-isa. Natatakot ako.









Kinabukasan ay may extension ang celebration ng birthday party namin at ng success ng concert. Kasama ang ilan sa malalapit na mga kaibigan.

Sa isang restaurant sa QC gaganapin ang intimate party. A simple dinner party lang naman! Sakto lang para makapag catch up sa mga ganap namin in life.


WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon