Kalma

7 1 0
                                    

Arman's POV

"When I'm with you, I don't feel safe anymore.."

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin sa papaalis na si Gia. Pagewang-gewang itong naglalakad palayo sa kung saan ako nakatayo. Dapat ay umalis na ako. Pero tila ayaw ng mga paa kong sumakay ng kotse.

Gia's drunk! Walang ibang mag-uuwi dito! Mabilis akong tumakbo upang habulin si Gia. Napatingin ako sa kotseng papasok ng parking area ng bar kaya mabilis kong hinigit ang kamay ni Gia upang hindi siya mabunggo ng kotse.

Kinakabahan akong nakatingin sa babaeng nakatingala ngayon sa akin. Siguro ay ramdam niya ang mabilis na paghinga ko dahil nakadikit ito sa aking dibdib.

Her eyes—— malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Hanggang sa makita ko kung paano kumawala ang mga luha sa mga mata niya. Mabilis ko siyang niyakap. Wala akong ibang intensyon kundi ang mapagaan ang nararamdaman niya—— kahit na alam ko ay dahil iyon sa akin.

Ramdam ko ang paghikbi nito. Hindi ko parin siya pinapakawalan sa mga bisig ko. Yakap ko parin ito. Muntik na siya. Muntik na siyang mahagip ng sasakyan. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanyang masama.




Hindi ko alam kung nahimasmasan na ba si Gia pero tulala lang itong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ko. I insist na ako na ang maghahatid sa kanya dahil naparami talaga ang inom nito.

"Gia, seatbelt." mahinang sabi ko dito. Hindi yata niya ako naririnig kaya kinalabit ko ang balikat niya. Napatingin siya sa akin tsaka niya hinanap ang seatbelt para ikabit niya sa sarili niya. Pero nakailang kapa na siya ay hindi niya mahanap kaya ako na ang kumuha at nagsuot sa kanya.

"Ang daya." napatingala ako sa kanya ng magsalita ito. Tunog lasing.


"Hindi ka lasing? Ako lang? Ako lang talaga? Te—teka—- where's Nana? Anj?? Nasa loob pa——"

"Hey —- wait Gia! Wala na sila sa loob. Umuwi na! Tapos na yung party !" mabilis kong pinigilan si Gia ng akmang bababa ito ng kotse ko.


"Wala na? Gusto ko pang uminom!"


"Lasing ka na. Look." pinatingin ko siya sa salamin sa harap tsaka ito ngumuso at inayos ang buhok niya.


"I'm look like a mess." mahinang sabi nito sabay sandal sa upuan. Nakangiti akong nakatingin sa kanya.


"Hey, don't look at me like that, Mister Yoda—— we're not okay.. And— and don't smile like that, baka halikan kita!" sabi nito kaya nagulat ako. She's drunk nga!


"Anong tawag mo sa akin? Yoda? Really hah?"



"Yeah, you look like an Alien."


"Wth? Gia? Kahit lasing ka, ginagalit mo ako."


"Lasing? Ako? Ako?? Mee?" tinuro-turo ni Gia ang sarili niya then she rolled her eyes. Ngayon ay napahawak siya sa ulo niya dahil siguro sa hilo.

"Alak pa." pang aasar ko dito. She salute her middle finger then sumandal muli sa upuan. Pinapaypayan ni Gia ang sarili niya, tila naiinitan ito. Nagulat ako ng tanggalin niya ang unang botones ng polo niya. Nag-iwas akong tingin tsaka napalunok ng laway.


WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon