False

4 2 0
                                    

Gia's POV

SIGURO ay 2pm na kami nakarating sa bahay nila Arman. Hindi ito sa condo unit nito , ito ang family house nila sa loob ng isang exclusive village sa QC. Paghinto na paghinto ko pa lamang ng kotse niya sa labas ng gate ay mabilis itong nagtanggal ng seatbelt at pumasok sa loob.



"Hindi nakasarado ang gate? Weird." bulong ko sa sarili ko habang pababa ng kotse niya. Kinuha ko na din ang malaking bag ko at tuluyan na akong sumunod kay Arman papasok sa loob. Pagpasok ko ng gate ay ako na mismo ang nagsarado ng maliit na pinto ng gate tsaka tuluyang pumasok sa loob.




Dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay nila at sa pinto pa lamang ay nakita ko na agad si Arman na nakatayo at yakap yakap ni Thea.




"Akala ko ba manganganak ka na??" inis na tanong ni Arman kay Thea pagkawala nito sa yakap sa kanya.




"Akala ko din! Pero nawala naman na yung hilab eh. Baka hindi lang ako natunawan. Ewan ko." nakangiting sabi nito.



"At talagang hindi mo sinasagot ang mga tawag ko or hindi manlang nagbigay ng update diba? Alam mo bang nagmadali kaming bumalik ng Manila dahil sa emergency mo?" yung tono ni Arman, galit na kuya pero may halo paring worry pagdating sa kalagayan ng kapatid.



"Kami? Bakit? Sinong kasama——- Hi! Hi! Ate Gia? Oh My God! Hi!" napangiti ako bigla ng makita ako ni Thea na nakatayo dito sa pinto. Nilapitan niya ako tsaka niyakap na para bang super close friend kami na matagal na hindi nagkita. Natatawa ako. I love Thea's vibes.. Magkaibang magkaiba talaga sila ng Kuya niya.




"Hi! Ahh, how's your feeling? False alarm?" tanong ko dito habang sabay kaming naglalakad papasok ng bahay nila. Alam kong nakatingin sa amin si Arman at pinagmamasdan nito ang ginagawa ko. Hello! Hindi naman siguro masamang pumasok sa bahay nila diba? Hello! Ako kaya nagdrive ng tatlong oras papunta dito!


"Maybe, false alarm nga yata. Hehe. Kinabahan nga ako kasi wala akong kasama kanina."



"False alarm, ano bang alam mo sa pagbubuntis hah? Tsaka, bakit kayo close? May dapat ba akong malaman?" nagtatakang tanong ni Arman and he's looking at me. Inirapan ko si Arman and I give him a dirty finger bago ko inilapag ang bag ko sa sofa nila.



"Hahaha . Wala ka pala Kuya kay Ate Gia eh. Weak." pang aasar ni Thea sa kapatid niya.


"Don't call her Ate Gia. Hindi mo siya kapatid." rinig kong sabi ni Arman habang papaakyat sa second floor , siguro ay ilalagay niya ang dala niyang bag.


Naiwan kami ni Thea sa sala.



"Bakit kayo magkasama ni Kuya? May dapat ba akong malaman?" tila naeexcite na tanong ni Thea. Natawa ako at napailing dahil sa tanong niya.



"She stalked me sa Zambales , hanggang Batangas." napatingin ako sa second floor ng marinig kong si Arman na ang sumagot.



"Wow! Sino ka ba para sundan ko hah??" mataray na sagot ko dito. Tsaka ko lang napansin na nakapagpalit na ito ng white short na pambahay—— pero mukhang pang work out. Pati black muscle tee. Pasalampak na umupo ito sa sofa sa harap namin ni Thea at binuksan ang TV gamit ang remote sa table.



"Eh sino nga ba ako para sundan mo?" makahulugang tanong nito.



"Kriminal na nagnakaw ng 203 Billion Dollars sa world Bank." sarkastik na sagot ko dito at natawa si Thea.



"Hahahah—- you guys are so funny—— oh wow." napatingin kami ni Arman kay Thea ng napahawak siya sa tiyan niya.


"What happened?"


WANDA For YouWhere stories live. Discover now