Contract

14 2 0
                                    

Gia's POV

Nakasimangot akong bumaba ng kotse ko. Alam kong late na ako sa usapan namin ni Direk Pat. Nahihiya nga ako habang humihingi ng sorry over the phone. Siguro ay 30 minutes na siyang naghihintay nun. Naipit lang naman ako ng traffic sa EDSA dahil sa nagbanggaang mga saksakyan. Ang daming kamalasang nangyayari sa araw na ito. At kasalanan ito nung lalaking iyon. Oo. Isisisi ko sa kanya.


Nagmadali na akong pumasok sa loob ng Palm Grill. Nakita ko ang pagkaway ni Direk Pat sa akin kaya mabilis akong lumapit.




"Sorry Direk. Sorry talaga. Sorry!" bungad ko dito.



"Haha, ano ka ba, okay nga lang diba? Tsaka wala naman akong lakad today. Kakatapos lang din ng zoom meeting ko with my team kaya sakto lang na-late ka!"


"Sorry talaga. Nahihiya ako."



"Mukhang hindi lang traffic ang nagpasira ng araw mo today hah? Kita ko kasi ang pagbaba mo sa kotse mo, nakasimangot kana. Mukhang may sumubok ng pasensya mo today. Tama ba ako?"



"Direk? Nababasa mo yung mind ko??? Mind reader ka ba Direk? Hoy hah!"



"Hahah. Hindi! Halata ko lang sa mukha mo."



"Bakit? Oily na ba face ko Direk?" biro ko dito at tumawa na naman ito. Ito ang pangatlo naming pagkikita ni Direk Pat pero sa tatlong beses na iyon, parang sobrang tagal na naming magkakilala. Naging instant yung connection namin. Na para bang nakahanap ako ng instant kuya slash friend.

Before ko maka- encounter si Direk Pat sa isa naming event sa office noon, matagal ko na siyang kilala. Isa siyang magaling na manunulat! Naging manunulat na ito ng mga sikat na Teleserye, kanta, journalists din ito at madami na din siyang mga libro. Isa din siyang Direktor ng mga events at madami din siyang artists na inaalagaan—— Manager din kasi siya. Matagal na akong nakafollow kay Direk Pat sa instagram nito at totoo—- Idolo ko siya. Nakakahanga naman kasi ang talento ng isang tulad niya! Like, paano niya nagagawa ang mga trabaho niya? Ang dami niyang trabaho pero isang tao lang naman siya. Ang magical diba? haays—Kaya noong naging guest speaker siya sa isang event namin sa office, hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Nagpakilala ako sa kanya as a Fan of his works. Hanggang sa natapos yung event na kami lang ang magkausap. Iyon din yata ang unang beses kong nakaubos ng ilang baso ng alak at medyo naging tipsy. Medyo lumalim ang usapan namin noon kasi naalala ko, umiiyak na ako dahil gulong-gulo na din ako sa buhay . Parang nagtatalo sa isip ko yung bigat ng trabaho na meron ako at yung passion na gusto ko namang gawin—— to write. Ilang advice ang sinabi nito sa akin nakapagpagaan naman ng loob ko.




Hanggang sa ikalawang beses namin nagkita. I was in a middle of my Audit Interview sa Auditee sa isang company—- and I didn't expect na makikita ko ulit si Direk Pat doon. May parang event din sila doon. Pero nasaksihan ni Direk Pat yung haba ng pasensya ko dun sa iniimbistigahan ko eh. Pinaikot-ikot yung kwento, aamin din naman na may ginawa talaga siyang mali sa trabaho. Ganun kahirap ang trabaho ko. Kailangan kong humanap ng kahit na anong mali sa isang tao. Doing Audit reports and investigations—— pero nakakapagod din.


After that day, Direk Pat talk to me and offer a job. To be a Road Manager of one artist na inaalagaan niya, and at the same time—- pinapasama niya ako sa mga seminars niya about creative writings and anything about writing! Hello— Namula yata ako. Pangarap ko iyon. Oo. Nagulat ako nun kasi akala ko nag jojoke siya. Hello? Road Manager ng Artista? Guys! Artista!? Ano bang alam ko dun diba? Like, hello? Ni-hindi naman ako nakapag one semester sa kursong may kinalaman sa ganoong trabaho. Mahilig lang akong manood ng TV pero para maging RM ng isang Artist—- Hello! Kung saan-saang lugar na ako makakarating nun! Diba, like paano kung may mga shows abroad or sa ibang lugar! Ang sarap siguro ng trabaho nila. Well—- alam ko wala akong experience sa ganun—-Arte lang ang meron ako. Tsaka kapal ng mukha.








WANDA For YouWhere stories live. Discover now