1 Knight In The Night

5.8K 133 7
                                    

[ALANA]

Patakbo siya papauwi sa kanyang bahay. Kakabili lang niya ng gamot para sa kanyang ina na may sakit at kailangan niyamakauwi agad para makainom ito.

Nagaalala man siya sa kalagayan ng kanyang ina, nagpapasalamat pa rin siya na kahit mahirap lang ang estado nila, may tumutulong naman sa kanilang mga gastusin sa pang araw-araw.

Buong buhay niya, nakapaligid na sa kanya ang napakagandang isla. Ni minsan, hindi niya inisip na umalis ditto dahil sa sobrang ganda ng lugar lalo ang dagat. Kahit saan man siya pumunta, hindi siya mauumay sa ganda ng lugar na ito.

May sakit ang kanyang ina. Mahina ang pangangatawan nito at minsan inaatake ng hika. Wala itong trabaho at buong araw ito nasa higaan. Sa edad na disisyete anyos, hanggang grade six pa lang ang natapos niya sa pagaaral dahil kailangan niyang bantayan ang kanyang ina, tulungan din ito sa mga kakailanganin nito at sa mga gawaing bahay.

Ganito man ang kanilang sitwasyon, meron naman mabubuting tao na tumutulong sa kanila. Meron nagpapadala sa kanila ng mga pagkain, mga kakailanganin sa bahay pati na rin pera kada buwan. Ang sabi ng ina niya, galling iyon sa malayo nilang kamag-anak ang mga padala para sa kanila.

Gusto rin naman niyang tumulong o maghanap ng trabaho pero tutol ang mama niya a gawin niya iyon. Mabuti na lang pinahintulutan siya na pwede tumulong sa kakilala at kaibigan ng ina niya na si Aling Martha. May pagmamay-ari itong kalenderya. Minsan, nandoon siya para tumulong at binibigyan siya ng pera at pagkain. Mabait ito at ito din ang taong tinuring niyang kaibigan at pangalawang ina. Ito man ang buhay na kinalakihan niya, kontento siya. Tahimik, simple, at nakatira pa siya ganitong kagandang lugar.

"Mama, nandito na po ako!" tinanggal niya ang kanyang suot na tsinelas at patakbong papasok sa kwarto kung saan ang kanyang ina.

"Dala ko na po ang gamot ninyo, Mama."

"Salamat naman. Pakitulong ako magbukas, Alana." Agad niyang binuksan ang nabili niyang mga gamot. Sobrang dami at hindi niya alam papaano naiinom ito ng kanyang Mama.

Binigay niya rito ang mga gamot at isang basong tubig. Nagaalala siya para sa Mama niya dahil hindi ito gaya ng dati na kapag nakainom agad ng gamot, magiging maayos na ang pakiramdam nito pero ngayon, palagi na lang ito nasa higaan at ang namumutla.

"Salamat, anak."

"Mama, sigurado po ba kayo na mabuti ang pakiramdam ninyo? Namumutla pa rin kayo, eh."

"Ayos lang ako. Nakainom na rin naman ako ng gamot at maya-maya, magiging mabuti na pakiramdam ko."

"Pumunta na po kaya tayo sa ospital para patignan anong kalagayan ninyo?"

Umiling ito. "Huwag na. mahihirapan pa tayo lumuwas sa siyudad. Nga pala, pupunta ka ba mamaya kina Aling Martha?"

"Opo. Doon po pupunta para tumulong sa gaganaping reception." Kinuhang Caterer si Aling Martha sa kasal ng anak nito.

"Ang saya naman na lumalago na ang negosyo ni Aling Martha at siya pa ang magiging caterer sa mismong kasal ng anak niya."

"Oo nga po, eh. Mama, ang sabi ni Aling Martha gagawin niya akong flower girl." Masayang balita niya rito.

Natuwa ito. "Wow! Sigurado ako na ikaw ang pinakamagandang flower girl sa kasal."

"Opo! Manang-mana po kasi ako sa inyo, eh!"

Inayos nito ang magula niyang buhok. "Naku, ang dali lang lumipas ng panahon. Dalagang dalaga na ang anak ko. Parang kahapon lang na parati kitang kinakarga para patahanin."

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now