45 Discipline

2.7K 136 21
                                    

[ALANA]

Nakauwi na sila ng bahay, wala pa ring kibo si Roman. Pagbaba ng sasakyan hanggang pagpasok ng bahay, wala pa din. Natatakot siya sa kinikilos nito dahil hindi niya alam kung ano ba ang iniisip nito at natatakot siya na tignan ang mukha nito.

Napatalon siya ng padabog nitong nilapag ang susi sa glass table at ng sumilip siya para makita ang mukha nito, mas lalo siyang nanginig sa takot.

"I was expecting tonight will be good. I expected that I will go home without problems at all but what is this?" ramdam niya sa boses nito ang galit. "Anong ibig sabihin nito, Alana?

"A-ano—"

"Ang akala ko dito ka lang at nage-enjoy kung ano man yang pinagkakagawa mo pero malalaman ko na lang na lumabas ka ng bahay ng 'di ko alam just to go to that stupid party? Bakit? Anong nandoon sa party na gustong-gusto mo pumunta? May mga kaibigan ka bang sinasali ka sa mga kata*rantaduhan nila or you're seen someone para mag-date?"

"Hindi sa ganoon, Roman. Pakiusap pakinggan mo naman ako."

"Do you think matutuwa ako na sunduin ka sa Police Station? Ganyan ba kaimporte ang party na 'yan kesa sa kaligtasan mo? What if Howard didn't saw you enjoying on that house without wearing a shirt?! And you smell of alcohol! Marunong ka na palang uminom ngayon?

You betrayed my trust, Alana. I provide you everything. Nakakalimutan mo na ba? I did everything. I give you everything pero susuklian mo ako ng ganito? Why? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? Do you think hindi kita papayagan? Of course it is! Because I know anong kinalalabasan kapag pupunta ka sa mga ganyan.

Inisip mo na lang sana ang kapakanan mo kesa sa walang kwentang party na 'yan! Hindi ba gusto mo manatili dito para sa Mama mo? Para makapagtapos ka ng pag-aaral?"

"Sorry..."

"Kung ganito lang pala... I shouldn't take you here in the first place. You just like your father." Pabulong sabi nito.

Lalo siyang nasaktan sa huling sinabi nito.

"Ikaw? Napapagod ka na bang kasama ako?"

Natigil ito ng magsalita siya. Patuloy niya. "Tinatago ko lang itong nararamdaman ko. Alam ko una pa lang na nagiging pabigat na ako sa'yo. Nandito lang naman ako dahil naaawa ka sa akin at dahil pinakiusapan ka ni Papa na patirahin ako sa bahay mo. Napipilitan ka lang dahil sa nakokonsensya ka kung anong mangyayari sa'kin kung hindi mo ako hinanap.

Kasalan ko din dahil imbes na humingi ako ng tulong para makauwi na ako sa isla, ginusto kong tuparin ang pangarap ni Mama na makapagtapos ako ng pag-aaral.

Alam mo ba kung bakit ako nandoon sa party na 'yun? Gusto kong makibagay sa ibang tao. Gusto kong maiba ang tingin nila sa akin at tama ako dahil pagpasok ko pa lang, agad nila akong tinanggap. Masaya ako dahil doon ako nakaramdam na hindi ako iba sa kanila kahit hindi ko minsan naiintindihan ang mga kwento nila. Wala silang pakialam. Pinaramdam nila sa akin na pwede akong magsabi ng kung ano na walang puna at pagtutukso.

Ikaw, Roman? Tinanong mo ba ako kung mayroon tumutukso sa akin? Na sinasabihang tan*ga, b*obo at walang alam dahil laking isla ako? Inisip mo lang naman anong ibibigay mo sa akin at wala ng iba. Hanggang diyan lang.

Kung nagsisisi ka man na kinupkop mo ako, sana hindi mo na lang ako hinanap. Sana hinayaan mo na lang ako... at sana hindi na lang tayo nagkakilala at sana sumama na lang ako kay Papa!"

Nagulat siya ng biglang hinablot ang kanyang braso at tinapon siya sa sofa. Sa sobrang lakas ay 'di siya makagalaw.

"A-anong ginagawa mo?!" sobra siyang nagulat sa ginawa nito at bigla siyang nakaramdam ng takot sa anong susunod na gawin nito sa kanya.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now