48 Boyfriend?!

1.7K 110 14
                                    

[ALANA]

"This would be our special day today but what can we do? Kailangan unahin ang trabaho or else papalpak ang mga plano niya."

"Kaya all we have to do is to support him. One month to go and Roman will have his long vacation. That will be a good time para magbakasyon sa ibang bansa."

"Yes, Hon. Supporting him is the best we can do."

Kita sa mga mukha ng mag-asawa ang pagaalala sa anak nito. Ganoon na din naman siya dahil kita sa hitsura ni Roman ang pagod. Suporta lang talaga ang maitutulong nila para rito.

"Ever since he was a child, pinakita na ni Roman ang pagiging responsible. Always being on the top at school, playing sports and other things na gustong-gustong makita ng mga magulang. A good model to be proud of at dala-dala niya 'yan hanggang ngayon.

Pero kahit ganyan ang anak namin, may pagkukulang din kami dahil hindi namin siya tinuruan papaano maging open sa ibang tao. Hindi ito naglalabas o nagsasabi kung anong nararamdaman niya and I think that's one of more reasons kung bakit kinatatakutan siya ng kanyang mga empleyado. They said he was cold-hearted, strikto at hot-tempered kapag may makikitang konting mali sa trabaho. Hindi rin nagtatagal ang mga relasyon niya. It's either bigla na lang siya nabo-bored or just for the sake na may girlfriend lang siya. I guess a perfect child isn't a perfect child at all.

Pero hindi ko sinisisi ang anak namin. May isa pa siyang kapatid pero ni minsan wala kaming pinaburan ni isa sa kanila. They we're equal to us. It's just that pinasan halos lahat ni Roman ang responsibilidad para sa kompanya.

But we know our hearts that Roman is a very good man. Hindi man niya mae-express sa iba kung gaano siya maalaga at maalahanin na tao but he's silently helping sa abot ng kanyang makakaya kaya Alana..."

"Bakit po?"

"We agreed that you will be adopted as part of Manicci Family and bilang magiging anak ni Roman, huwag mo siyang pababayaan. Matanda na kami at hindi na namin control ano mang desisyon n gaming mga anak lalo na kay Roman, sana tulungan mo siya."


[ALANA]

"Did you enjoy the dinner, Alana?" tanong ni Howard. Hinatid siya nito papauwi sa bahay. Kahit hindi na nila nakasama sa hapunan si Roman, naging masaya na din naman sila.

"Um, oo." Tipid niyang sagot rito. Sa totoo lang masaya siya dahil nakasama niya ang sila lolo Ben at Lola Susan pero nawala ang saya ng trinato siyang malamig ni Roman. Ni hindi man lang siya tinignan nito o kinausap. Iniiwasan pa rin siya nito.

Pero, mas lalo siya nanlumo dahil sa kwento tungkol sa pagkatao ni Roman. Sobrang, sobra siyang nagsisisi sa ginawa niyang pagsagot rito! Papaano na 'to? Ni isang segundo wala siyang pagkakataon para makausap man lang ito!

"I know you're not pero you put up your smiling face para hindi ka mahalata nila Tito at Tita. Ginawa mo lang 'yun para hindi masira ang dinner date, tama ba ako?"

"Hindi pa rin ako pinapatawad ni Roman." Sabi niya habang nakayuko.

"Huwag ka ng malungkot. Hindi naman ganyan ka tigas ang ego ng lalaking 'yun."

"Hindi. Dahil sa ginawa ko, ang lalim ng galit niya sa akin at sinagot-sagot ko pa siya para mapa—" napatakip agad siya ng bibig. Muntikan na niyang masabi ang ginawa nito sa kanya!

"Well, that was heat of the moment and I think Roman would understand that. Hindi ba si Tita na din ang nagkwento kung sino si Roman? Akala mo lang na inii-snubbed ka niya pero palasikreto ka niyang sinusulyapan."

Napaangat siya ng tingin rito. "Ta-talaga? Pero, ni hindi man niya ako sinulyapan."

"Hindi mo lang alam anong ginawa niya para maiwas ka sa kahihiyan."

"Huh?"

"What I mean is, huwag ka ng malungkot at magalala. Hindi nagkikimkim ng sama ng loob ang gaya niya kahit may pagka-topak din minsan ang utak. Just give him some space para sa ganoon—malay mo baka bukas bumalik kayo ulit sa dati."

"Si-siguro nga."

"Nga pala, it's been a month na tumira ka sa kanya. Kumusta naman siya bilang "daddy"?"

"Um, masaya at tiyaka hindi niya ako pinapabayaan."

"Really? That's great. Ano pa?"

"Um, mabait siya at tinutulungan niya ako sa mga studies ko."

"Alana, may tanong ako."

"Ano 'yun?"

"Iwaglit muna natin ang pagiging ama ni Roman sa'yo. Anong tingin mo sa kanya bilang lalaki?"

Bilang lalaki? Si Roman? "Uh, ano ba? Kuwan ang gwapo niya."

"Ano pa?"

"Matangkad, maganda manamit, ma-malambing?"

"Malambing? How come sinabi mo na malambing siya?"

"Hmm... 'pag mataas ang score ko sa quiz tinatapik niya ang ulo ko at nililibre ako bilang premyo. Ganoon."

"Ah, so hindi mo ba siya gusto?"

"Gustong maging ama ko?"

"Gusto mo ba siya maging boyfriend?"

"Huh?" Ano daw?

Nakarating na sila sa bahay.

Bumaba siya sa sasakyan. "Salamat po sa paghatid ninyo sa akin."

Tumawa ito. "Please, huwag mo na akong ipo-po hindi pa naman ako masyadong senior citizen. Pwede mo naman akong tratuhin na kuya basta drop the formality."

"Sige. Salamat."

"Wait, wala ka bang klase sa sabado?"

"Wala."

"Hmm..."

"Um, bakit?"

"Gusto sana kitang iinvite para... you know? Para mamasyal?"

"Bakit?"

"I don't know? Para hindi ka masyadong malungkot and 'diba nagpromise ako sa'yo noon na mamamasyal tayo so I will take this opportunity na imbitahin ka. So? Payag ka ba?"

"Um, mukhang kailangan ko pang magpaalam kay Roman." Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari na hindi niya pinaalam kay Roman na pupunta siya sa party.

"Are you still thinking about that incident? No need to worry, ako na mismo ang magpapaalam sa kanya. Promise ko 'yan basta magtiwala ka lang."

"S-sige, payag ako pero saan tayo mamamasyal?"

"Hindi ko pa alam saan, eh. Ibibigay ko sa'yo ang contact ko." Nagkabigayan sila ng contact number pa tin na din ang social media account nito.

"So, see you on Saturday. Be ready, okay?"

"Sige pero bakit mo natanong 'yung—" hindi na siya nasagot nito dahil agad itong umalis.

Napasapo siya sa kanyang dalawang pisngi dahil ramdam niya ang pagiinit sa dalawa niyang pisngi.

Ano daw? Boyfriend?!


To be continued...

A/N: Yiiieehhh... Sauna all.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now