13 Alone But Still Lucky

16.2K 405 12
                                    

[ALANA]

"Nakapagpahinga ka ba ng maayos, Alana?"

"Oo. Maraming salamat dahil tinulungan mo ako. Nga pala, gusto ko man magluto ng almusal para sa inyo pero hindi kasi alam papaano gamitin ang kusina ninyo."

Bandang alas siyete siya nagising. Mabuti na rin ang kanyang pakiramdam at nakatulog siya ng maayos. Nagpapasalamat siya ng malaki kay Alice dahil kundi sa tulong na inalok siya na dito muna tumuloy, baka sa kalye siya natulog at kumakalam pa rin ang sikuma hanggang ngayon. Nandirito din pala ang kasama nito na si Cheska na kakauwi lang din. Gusto man niyang paghandaan ng almusal ang dalawa, hindi siya marunong gumamit ng kahit anong kagamitang panluto. Alam naman niyang gumamit ng stove pero iba kasi ang nandito. Gusto man siyang subukan gamitin ito, natatakot naman siya baka makadisgrasya pa siya ng mga gamit dito.

"Sus! Okay lang 'yan. Ang mabuti eh, nakapagpahinga ka ng maayos." Masayang sabi ni Alice. "Huwag ka din magalala sa agahan natin, may dala naman si Cheska. Ni-libre sila ng kanilang boss dahil marami-rami ang parokyanong pumunta sa club. 'Di ba, Ches?"

"Yup! Dinamihan ko na ng kuha ng sinabi sa akin ni Alice na may pinatulog siya dito. Para madami tayong kainin ngayon." Sabi ni Cheska.

"Naku, maraming salamat talaga at pasensya na din sa abala."

"Hindi ka abala no. Mabuti nga nakita kita bago ka ma-harr*ased ng lasing na 'yun. Taga-yaya kasi ako ng mga customers sa labas at swerte na nakita kita. Bawal kasi sa costumers na kumuha ng service sa labas ng club."

"Ah... Ganoon ba?" sumangayon na lang siya sa sinabi nito kahit hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Ayos na sa kanya na tinulungan siyang ilayo sa lalaki na pilit siyang sinasama kahit ayaw niya.

"Kung okay ka na. Pwede ka na sigurong mag-book ng ticket papauwi sa inyo. Mahirap kasi ang sitwasyon mo dito na mag-isa ka lang."

"Oo pero ang malaking problema ko lang eh, 'di ko kabisado ang address ko."

"Naku, mahirap 'yan. Papaano ka ba napadpad dito?" tanong ni Cheska.

"Nakatira ako sa isang isla kasama ng Mama ko. Ng mamatay si Mama, dumating naman ang Papa ko at inalok niya sa akin na kung sasama ako sa kanya dito, pagaaralin niya ako."

"Pagkatapos, bakit ka palakad-lakad sa kalye kung kasama mo naman ang Papa mo?"

"Eh, may importante daw siyang gagawin sa malayo. Binilin niya sa akin na titira muna ako sa kakilala niya pero ng dumating naman ako doon, wala daw sinabi si Papa sa may-ari na doon muna ako titira kaya pinaalis na lang ako."

"Hindi mo ba talaga alam anong address saan ka galing?" Tanong ni Cheska.

Umiling siya. "Hindi talaga. Kung alam ko man, dapat kahapon pa ako nakauwi sa amin. Kasalan ko rin naman kasi na hindi ko binigyan ng pansin. Hindi ko naman inaasahan na may taong pupunta doon para kunin ako."

"Eh, cellphone or fazebook account wala ka ba?"

"Um... wala akong telepono at hindi ko alam anong fazebook."

"Ches, hindi siya taga rito kaya papaano ba niya malalaman iyang Fb-Fb na 'yan." Saway naman ni Alice rito. "Kawawa ka naman, Alana. Ngayon na iniwan ka ng Papa mo ng magisa dito sa city, hindi mo pa alam saan ka uuwi."

"Nakabalik naman ako sa bahay ni Papa pero pagdating ko doon, wala ng mga tao."

"Kaya ka naglalakad magisa sa daan. Naku! Naku! Ano ba naman klaseng ama 'yan? Huwag kang mag-alala Alana, tutulungan ka namin."

"Maraming salamat! Pero may malaki akong problema, kokonti na lang ang natitira kong pera. Kailangan ko makahanap ng trabaho para makapag-ipon kahit kaunti lang."

"Ako ang bahala!" sabi ni Alice. "Ano ba ang alam mong gawin?"

"Um, marunong ako sa gawaing bahay."

"Pwede na. Besides kung madali ka lang matuto sa pinapaturo sa'yo , madali na sa'yo ang magtrabaho. Mamayang hapon, pupunta tayo sa pinagtatrabahuan ko baka pwede ka magtrabaho doon."

"Sige! Kahit ano gagawin ko para may trabaho ako." Kahit ano gagawin niya para makalikom siya ng pera at para makauwi na rin siya. Gagawin niya lahat para makauwi lang.


[ALANA]

Bilang pangako ni Alice na tutulungan siyang makahanap ng trabaho, dinala siya nito sa lugar kung saan ito nagtatrabaho. Isa daw itong club. Halos lahat ng mga customers na dumadayo dito ay mga lalaki. Gabi ito magbubukas at hanggang alas kwatro magsasara.

Sa katunayan, hindi pa naman nangangailangan ng bagong trabahante ang club pero dahil alam nito na nangangailanga talaga siya ng pera, tutulungan siya nito makapasok at baka sakaling may maipapagawa sa kanya.

Pagpasok nila sa likurang bahagi na may maliit na kwarto, dito daw ang opisina ng kanilang boss. Pinakilala siya sa boss nito na si "Papa Bear". Malaking tao ito pero kung titignan, palangiti at masayahin itong tao.

"Boss, kailangan kasi ni Alana ng trabaho. Para naman po makauwi na rin siya sa kanila." Paliwanag ni Alice sa amo nito.

"Kawawa naman ang sitwasyon mo, hija." Sabi nito sa kanya. "Kung galing ka pala sa malayong lugar at iniwan ka pa ng ama mo, mahirap na magisa kang uuwi lalong lalo na wala kang pero. Pero kasi, hindi pa naman ako nangangailangan ng bagong tauhan pero sige. May tanong lang ako sa'yo. May experience ka bas a pagtatrabaho? O nagaaral ka pa?"

"Minsan po, ako po ang nagbabantay sa tindahan ni Aling Martha at tumutulong din po ako sa kanya na maglinis sa lumang resort sa amin. Ayaw po kasi ni ng Mama ko na maghanap ng trabaho at hanggang grade six lang po ang natapos ko." Sagot niya.

Tumayo ito at ininspeksyon ang kabuuan niya. "Kahit maliit ka, maganda ka at maganda din ang pangangatawan mo. Marunong ka bang sumayaw?"

"Hindi po."

"Kumanta?"

"Hindi rin po."

"Eh, boyfriend? Meron ba?"

"Wala po."

"Hm..." sabay tango. "Pwede ka maging waitress dito. Tanggap ka na."

"Maraming salamat po!" masayang-masaya siya. May trabaho na din siya sa wakas!

"Si Alice na ang bahala sa 'yo. Siya ang maggu-guide anong gagawin mo dito. Tungkol naman sa sweldo mo dahil baguhan ka pa, konti lang muna ang matatanggap mo. Okay lang ba sa'yo?"

"Wala pong problema, Sir! Pangako, magtatrabaho ako ng maayos."

Tumawa ito. "Mabuti naman. Magsisismula ka na mamayang gabi. Huwag mong kalilimutan."

"Opo! Makakaasa po kayo."

"Alana, halika na at magsisimula na tayo sa training mo."

Gagawin niya ang kanyang makakaya para makapagipon ng pera. Hindi na siya makapaghintay na makauwi sa isla.


To be continued.

"I was kinda busy and sad. Hindi ako makakapagUpdate kapag ganito ang mood ko. I really need to finish this story para maka-self publish na ako." –ff.

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and COMMENT about your thoughts on the story so far. Thank you so much for your warmest support after all this time!

The Billionaire's AdoptedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora