17 Problem? Solve!

9.6K 324 47
                                    

[ALANA]

Bandang mga ala una na siya ng hapon nagising. Napasarap yata siya ng tulog. Sa lambot pa naman ng kamang hinigaan niya, parang naganahan yata magpahinga ang kanyang buong katawan.

Inunat niya ang kanyang katawan at naghanda. Pagkatapos niyang magsipilyo at maligo, lumabas siya ng kwarto. Oo nga pala, nasa trabaho pala si Roman kaya siya lang mag-isa sa bahay nito.

Bumaba siya at nag-ikot sa buong bahay. May swimming pool, hardin, at magarang sala. Napamangha siya sa nakita niya napakalaking telebisyon. May ganito pala kalaking telebisyon? Pansin din niya na ang mga kagamitan dito ay puro mga mahahalin. Halatang mayaman talaga si Roman. Sukat pa lang ng sala, mas malaki pa kesa sa bahay nila ng kanyang mama sa isla.

Sa kusina naman, may mga kagamitan na hindi niya alam at ngayon lang niya nakita. Binuksan niya ang napakalaking refrigerator at napauwang ang kanyang bibig sa dami ng laman sa loob. At may ice cream pa! Nakakatakam naman kumuha at kainin 'yan. Pero, huwag! Kailangan niya magtiis ng konti. Hanggang hindi pa nakakauwi si Roman, wala siyang gagawin dito sa bahay. Baka magalit 'yun sa kanya kapag may ginalaw siya dito kahit isa. Baka din paborito din nito ang ice cream, 'di ba?

Tutal siya lang naman mag-isa dito, kailangan may gawin siya. Kahit na libre siya dito sa bahay, dapat may gawin siya kaya naman ang gagawin niya siguro ay maglinis. Iyan ang una niyang gagawin para sa paguwi ni Roman, kita nito na malinis ang bahay.

Hinanap niya ang walis. Pero sa ilang minuto niyang paghahanap, wala siyang nakita kundi itong isang appliance na ngayon lang niya nakita. Binalewala niya ito at kinuha sa tabi nito ang isang malaking feather duster.

"Pwede na siguro ito. Sasabihin ko na lang mamaya kay Roman na bumili ng walis tambo."

Nagsimula na siyang maglinis. Maingat niyang nilinisan ang mga gamit sa sala at nagwalis gamit ang feather duster. Nahirapan siya ng konti pero kakayanin.

Pagkatapos niya sa sala, sumunod naman siya sa paglalaba. Kinuha niya ang ilang mga labahin pati na ang kanyang mga ginamit na mga damit para labhan. Nakatunganga lang siya sa harap ng washing machine. Tinuruan naman siya ni Aling Martha papaano gumamit nito pero bakit iba ang hitsura?

"Ano bang klaseng washing-washing ang nandito? Bahala na! Gagawa na lang ako ng paraan." Kaya naman naghanap siya ng palanggana, pumunta sa labas, kumuha ng sabon panglaba at solve ang kanyang problema!

Pagkatapos ng ilang oras ng paglalaba, nakaramdam na siya ng gutom. Binuksan niya ang ref at kumuha ng kanyang lulutuin. Ng natapos na siyang maghiwa at maghanda ng sangkap natigil na naman siya. Stove ba ito? Bakit wala siyang nakikitang gasul? At nasaan ang pihitan ng stove?

Napakamot siya sa ulo. Ano bang klaseng mga gamit ni Roman ang nandirito sa bahay? Halos lahat yata na nandito ngayon lang niya nakita. Hindi din niya alam papaano gamitin.

Kailangan niyang magisip ulit. "Aha! Alam ko na!" Dinala niya ang kanyang mga gamit papunta ulit sa labas ng bahay at ginawa ang kanyang plano.

Sabi nga: kung may gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.


[ROMAN]

Naabutan siya ng gabi sa pagaasikaso ng mga papeles. Kahit siguro magdamag siya nandirito sa kanyang opisina, hindi pa rin matatapos ang sandamakmak na trabaho. He can't complain. This is his life by the way. Better not be lazy.

Inayos niya muna ang mga nagkalat na mga papel sa lamesa at isinuot ang kanyang coat. Kailangan na niyang umuwi para makapagpahinga. Nakakaramdam na rin siya ng sakit sa katawan lalo na sa kanyang likuran. Pag nagkaka-edad nga naman.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now