46 Dodging

2.9K 127 13
                                    

[ALANA]

"Alana, here!" tawag ni Henry. Morning recess ngayon at nagkasundo sila na mag-usap sa likod ng gymnasium. Hindi niya akalain na dito pala ito nagaaral. Nagkakilala sila sa party nila Ruby at Queenie at kahapon lang sila nagkita ulit habang naghihintay siya ng kanyang sundo.

"Henry! Sorry kung natagalan ako. Kailangan ko pa kasing samahan ang kaibigan ko sa canteen."

"No problem. Minutes pa naman ako naghihintay dito. I thought nakalimutan mo na magkikita tayo but I was wrong."

"Salamat." Umupo siya sa tabi nito. "Eto, binilhan kita ng snack. Ensaymada lang ang nabili ko."

Tinanggap naman nito ang pagkain. "Wow, nagabala ka pa. Salamat, ah? Sa susunod ako naman ang magbibigay."

"Hindi ako tatanggi. Kahit ano ilibre mo tatanggapin ko naman."

"Thanks. I was surprised na nakita kita kahapon sa labas. Nakalimutan ko na magkaklase pala kayo ni Ruby."

"Ako nga din, eh. Nagulat ako na dito ka pala nag-aaral."

Natawa ito. "Yeah, this will be my last year and maghahanda na ako saang university ako mag-aaral. It's either dito sa pilipinas o sa ibang bansa."

"Wow. Mas maganda kung sa ibang bansa. Balita ko magaganda ang mga lugar doon."

"Yes, tama ka pero there's no place like home, hindi ba?"

"Uh, oo?" hindi niya nakuha ang huling sinabi nito.

"Nga pala, kumusta ka pagkatapos ng party?"

"Ako?" sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyari noong biyernes ng gabi. "Na-nahuli ako, eh. Ikaw? Hindi kita nakita sa presinto."

"Well, isa naman ako sa iba na umakyat sa pader para makatakas."

"Ah, kaya pala."

"Ayoko kasi malaman ng parents ko na napasama na naman ako sa gulo. Medyo strict sila and kapag nasali na naman ako ulit, hindi na nila ako tutulungan pa. Hindi ko kasi matanggihan sila Ruby kaya pumunta na lang ako and sabi ko nga, huling taon ko na ito bilang high school student.

I was ready kahapon na itawag ako sa principal's office pero mukha yatang wala silang ginawang action until nabalitaan ko na lang na sila Ruby at Queenie ang naparusahan at na-suspended. Buti na lang hindi tayo nasama."

"Oo nga pero nakakaawa lang sila. Dahil sa nangyari hindi na sila magpapatuloy sa pag-aaral."

"Hmm...I know magta-transfer lang sila ng school and of course, ang swerte nila kung sa ibang bansa sila pag-aaralin. Ganyan naman ang gagawin ng magulang para hindi mapahiya sa ibang tao ang kanilang anak. Nakaka-mantsa kasi sa pangalan nila kapag may anak silang entitled at spoiled. Speaking of parents, alam ba nila?"

"Oo. Sobrang galit ng Daddy ko sa akin." Naalala niya ang ginawa sa kanya ni Roman. "Dahil sa nangyaring 'yun, sobrang nagsisisi ako. Sana kung hindi ako pumunta, di sana siya nagalit sa akin. Kasalanan ko rin naman na hindi ko nag-paalam pero ang sabi niya, kahit magpaalam ako hindi din naman siya papayag."

"Well, that's how parents we're. Anong parusa natanggap mo? I'm sure grounded ka ng dalawang araw."

"Uh..." Parusa ba kamo? Pinalo lang naman siya sa pwe*t ng maraming beses. "Hindi ako pinalabas ng bahay at bawal akong gumamit ng telebisyon at cellphone."

"Ah, mild lang pala ang punishment mo."

"Kahit na ganoon, hinding-hindi na ako uulit. Galit na nga sa akin gang Daddy ko pati pa ang kaibigan ko. Pakiramdam nila hindi ko sila pinagkakatiwalaan hanggang ngayon. Sana man lang sinabi ko sa kanila dahil mas marami silang alam kesa sa akin."

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now