18 Training

9.9K 329 55
                                    

[ROMAN]

In the end, pinabayaan na laman niya ang ginagawa nito. Sobrang pagsisisi niya na nakalimutan niyang wala rin pala itong kaalam-alam sa paggamit ng mga appliances. Sana man lang bago siya umalis kaninang umaga, binilhan na niya ito ng pagkain at pagsabihan na walang gagawin hangga't hindi siya nakakauwi. It's too late to do that. She made his backyard a kitchen! Sunog na ang isang bahagi ng kanyang garden.

Binantayan lang niya ito hanggang matapos. Hindi siya pumunta ng kwarto para magbihis gaya ng sinabi nito dahil baka kapag iwinala niya ang kanyang paningin sa babaeng 'to, talagang tatawag na siya ng bomber dahil pati ang bahay niya kasama na matutusta.

He mad but iintindihin na lamang niya ang ginagawa nito. Kasalanan din naman niya na pinabayaan lang niya ito habang nasa trabaho siya. And as he said, this girl is innocent and don't know much everything in the modern world.

Ilang sandali ng paghihintay, tapos na ito at nakahanda na ang kanilang hapunan. Napagpasyahan niya na sa maliit na gazeebi sila maghahapunan. Ayaw niya na mangamoy usok ang buong bahay. Siya rin pakiramdam niya nangangamoy na din ang buong katawan niya kahit hindi niya inaamoy ang kanyang sarili.

Dalawang malaking inihaw na bangus, kanin, sawsawan at ampalaya na may kasamang kamatis, sibuyas at luya. Mukhang masarap nga ang niluto nito. Habang kumakain silang dalawa, pansin niya ang saya sa mukha nito.

Napapitlag siya at nagpatuloy sa pagkain ng magtama ang kanilang mga mata.

"Masarap ba ang niluto ko?" masayang tanong nito. "Tinuruan ako ni Aling Martha papaano maghanda ng inihaw."

"Masarap. Salamat sa paghanda ng hapunan natin." Sagot niya. "Nga pala, habang wala ako anong pinagkakagawa mo dito sa bahay?"

"Hapon na akong nagising. Ayoko naman na walang ginagawa habang nandito ako kaya naglinis ako. Winalisan ko ang buong bahay. Asahan mo, maingat ako humawak ng mga gamit lalo na mga mamahalin. Tinuruan ako ni Aling Martha paano maglinis at maging maingat sa paghawak ng mga gamit. Grabe itong bahay mo. Sobrang laki. Hindi kaya ng ginamit kong feather daster na nilisin ang sahig at dingding."

"H-huh? Fe-feather duster? Iyan lang ang ginamit mo? Bakit?"

"Oo. Wala ka kasing walis tambo, eh. Ilang oras din akong natapos sa paglilinis. Pagkatapos, naglaba ako. Nilabhan ko na din pala ang mga damit mo. Huwag kang magalala tungkol sa mga puti mong mga damit, marunong naman ako maglaba. Tiyaka, sinama ko na din labhan ang mga medyas at brips mo."

Napabuga siya ng 'di oras sa kanyang ininom na tubig sa huling sinabi nito. Bakit sinama pa labhan ang--- "Um, pwede ba na huwag mo na lang isama ang mga damit ko."

"Bakit naman? Eh, kasama naman sa trabaho ni Aling Nora ang maglaba, hindi ba?"

"Oo. Pero hindi naman kasama ang... ang medyas at yung..." sh*it! Hindi niya kayang sabihin ang isang 'yun!

"Bakit naman hindi? Kasama naman nilalabhan nito ang mga birp---"

"Hindi!" sigaw niya. "So-sorry. No, hindi kasama sa nilalabhan ni Aling Nora ang mga 'yun. Pribado ang mga 'yun lalo na sa mga lalaki kaya sa susunod, huwag mo ng pakikialaman ang mga 'yun, ah? Please. Just, just don't."

"Ah, sige. Naiintindihan ko. Pasensya ka na."

Pansin niya na nagiba ang emosyon nito. Tahimik na din itong kumakain. Mukha yatang nagulat niya ito.

"Look, pasensya ka na sa inasal ko. Hindi sa galit ako, hindi kasi ako sanay na may nakikialam sa mga gamit ko na hindi ko alam lalo na sa mga personal na bagay. Hindi mo kasalan at wala kang kasalanan. Sana sinabihan kita kanina bago ako umalis kanina. Hindi naman masama ang mga ginawa mo. Malinis ang bahay, naglaba ka at tiyaka nagluto ng hapunan natin. Cellphone? Marunong ka ba gumamit nuon?"

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now