25 Two Daddies?!

5.2K 188 31
                                    

[ALANA]

Pumayag na rin siya na sumama kay Howard. Inilibot siya nito sa bawat sulok ng gusali. Napakaganda ng lugar para bang kaparehas lang ng napuntahan nilang dalawa ni Roman sa isang mall! Pero, ibang-iba lang ang kapaligiran dahil puro mga tao busy sa kani-kanilang mga gawain at nakatutok sa mga kompyuter.

Gayunpaman, nage-enjoy naman siyang kasama si Howard. Nagpakilala itong matalik na kaibigan ni Roman. Bawat salita at pagkuwento nito, hindi niya mapigilan ang mapatawa. Nakakaaliw kasama si Howard. Hindi niya akalain na meron palang ganitong kaibigan si Roman.

"I hope hindi ka nabagot sa mga pinuntahan natin. Lugar naman kasi ito ng mga taong nagtatrabaho kaya ang magagawa lang natin eh tignan lang sila."

"Ayos lang. Naganahan naman ako na mamasyal at tiyaka maganda pala ang mga ganitong lugar."

"First time mo bang pumasok sa ganitong establishment?"

Tumango siya. "Oo. First time ko at first time ko din makasakay sa ele...leve... ano nga ba 'yun? Yung sinakyan natin kanina lang?"

"Ah! Elevator! Really? Mukhang 'di halata na first time mo sumakay doon."

"Natakot ako nun una pero madali yata akong masanay sa paligid ko."

"Edi mabuti. I've got an idea. Mamasyal naman tayo dalawa. Ililibre kita ng mga rides na sure na sure ako na magugustuhan mong sakyan."

"Talaga?!" Excited siya sa sinabi nito. "Sige! Gusto ko 'yan—ay sandali lang kailangan ko pa palang magpaalam kay Daddy kung mamamasyal ako sa labas."

"Don't worry ako na ang bahala magsabi sa kanya. Kesa puro ka na lang aral, 'di ba? At kailangan mo rin ng bagong discovery na mga bagong lugar dito. I'm sure hindi ka pinapasyal ni Roman kahit saan."

"Pinasyal naman niya ako sa mall. Sa katunayan nga, ang dami niyang binili para sa akin. Bukod sa mga gamit ko sa school, binilhan niya ako ng mga bagong damit, sapatos, laruan at iba pa."

"Hmm... spoiled ka naman masyado ni Daddy Roman. Well, hindi mo naman kailangan magalala dahil kahit daan-daang damit at sapatos pa ang bibilhin niya para sa'yo, unlimited naman ang budget niya. Alam mo nagtataka lang ako."

"Bakit? Ano 'yun?"

"Talaga ba ganyang kabait sa'yo si Daddy Roman?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Well, he's not kind of man na... you know? Sweet?"

"Huh?" Sweet? Sino?

Patuloy nito. "Kasi hindi naman kasi siya "sweet" kapag may kinakausap o may sinasamahan siyang mga tao. Like sa mga dati niyang mga girlfriends. A reality is that status lang naman talaga ang habol ng mga 'yun kay Roman pero ang inirereklamo nila rito eh, wala daw itong ka-romantic sa katawan. Gets mo naman ang point ko, 'diba?"

"Ah! Ang ibig mo bang sabihin na hindi mabait si Daddy? Naku! Hindi naman 'yan ang nakikita ko sa kanya. Ayoko magsinungaling na noong una kong kita sa kanya, medyo may pagka-suplado ang tingin ko sa pero, sa katagalan nakilala ko kung gaano pala siya kaalaga at kabait."

"Hmm... I see. Gusto mong makita ang point ko? Halika at huwag kang maingay."

Palihim silang dalawa pumunta sa isang pasilyo at nagtatago sa pinakadulong bahagi ng palapag.

"Redo, redo and redo all these. Really? Papakitaan mo ako ng ganitong dokyumento?"

Wala pang isang minutong nagtatago sila ni Howard, dinig na niya ang boses ni Roman. Pagsilip niya, kita niya papalakad ito kasama ng limang taong nakasunod dito. Hindi rin maipinta ang mukha nito dahil sa inis.

"I-I'm so sorry, Sir. I will do it immediately."

"We don't have time at kailangan pa ba ninyong makita akong galit para makita ang mga mali ninyo? The time flies very fast at papalapit na ang deadline! I want these documents after an hour."

"Noted po, Sir."

"Isang taon na natin itong tinatrabaho, wala pa rin kayong pinagbago. And what is this report about the construction of the hospital?"

"As of now Sir may tatlong pharmaceuticals na po ang interesado. Gusto na po nilang magpa-schedule ng meeting sa inyo."

"Go see my schedule para makapagusap na kami. Also, call the chairman of Lee Hospital para sabay-sabay na kami."

"Yes, Sir."

"And don't do stupid this time. Do your damned job properly."

"Yes, Sir. We're so sorry po."

"See?" sabi ni Howard. "Ibang-iba siya kapag nakaharap sa ibang tao. Kaya nagtataka ako kung bakit masyadong mabait sa'yo si Roman. Don't get me wrong. Wala naman akong pinapakita sa'yong ibang motibo bakit pinakita ko lang kung sino siya kapag nasa harap ng ibang tao."

Tama nga ang sinabi ni Howard. Ibang iba ang ugali nito 'pag kaharap siya at sa ibang tao.

[ALANA]

Bumalik na sila sa opisina ni Roman. Bago sila bumalik, inilibre siya ni Howard ng ice-cream. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita niya kanina. Ibang-iba nga sa Roman na kilala niya at nakakasama niya.

"Nagustuhan mo ba ang ice-cream?" tanong nito.

"Oo, salamat. Masarap."

"What's the matter? Iniisip mo pa rin ba ang nakita mo kanina? Don't worry! Curious lang naman ako kaya huwag mo masyadong isipin ang nakita mo kay Daddy Roman. Kahit strikto siya sa mga empleyado, mabait naman."

"Oo nga. Siguro tama ka."

"Sorry kung napapaisip ka tuloy."

"Naku ayos lang! Siguro nagulat lang ako sa nakita ko kanina. Sa tingin ko naman strikto lang si Daddy sa trabaho. Minsan nga kapag nagwawalis ako sa dalampasigan, pinapagalitan ako ni Aling Martha dahil hindi ko daw ginagawa ng maayos ang ginagawa ko. Parehas lang si Daddy at Aling Martha. Kung may ginagawa ka, dapat pagbutihin mo."

"You know what? Tama lang na hinanap ka niya."

"Huh?"

"Yeah! At first, wala siyang pakialam sa'yo dahil bigla ka na lang dumating at ng malaman niya kung bakit—I think you'll be fine. Yes, I think magiging okay na magiging parte ka ng pamilya niya. Anyway, alam mo rin ba na ako ang nagasikaso ng mga documents mo para makapag-aral ka ulit?"

"Talaga? Maraming salamat pos a tulong ninyo!"

"You're welcome, Alana. So, may rason na ba ako na tatawagin mo na rin akong "Daddy"?"

Ito? Tatawagin din niyang Daddy? "Pe-pero..."

"Pero ano?" balik na tanong nito habang nakangiti sa kanya.

"Hindi ko kasi alam. Ano, itatanong ko muna kay Daddy kung pwede—"

"Bakit mo pa itatanong ang Daddy mo?" umusog ito palapit sa kanya. Yumuko ito para magtapat ang kanilang mga mukha. "As I said before, magkaibigan kami ng Daddy mo at isa na din akong tumulong para makapag-school ka ulit. Ayaw mo ban a may dalawa kang Daddy?"

"Um, hi-hindi naman pos a ganoon..."

"So, hindi na kailangan na magpaalam ka pa kay Roman." Nagulat siya ng nalapat ang kamay nito sa kanyang kamay. "Sige na, call me Daddy Howard."

"Um..." Papaano na 'to? Anong gagawin niya? Sususndin ba niya ang gusto nito? Papaano 'pag malaman ito ni Roman? Magagalit 'yun sa kanya.

To be continued...

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now