16 Her New Home

11.3K 332 43
                                    

[ALANA]

Kinaumagahan, nagpaalam na siya kina Alice at Cheska. Nag-resign na rin siya bilang waitress ng club. Hindi sana papayag ang boss nila dahil maganda daw ang kanyang performance sa trabaho pero wala na rin itong magagawa kundi pumayag at binigay sa kanya ang pinakahuli niyang sweldo. Labis siyang nagpapasalamat sa mga taong kumupkop, tumulong at naging kaibigan niya sa loob ng dalawang linggo. Kung hindi sa kanila, baka nasa lansangan pa rin siya hanggang ngayon.

Tinapos lang niya ang huling gabi ng kanyang trabaho sa club at ngayong umaga, susunduin siya ng lalaking kakilala ng kanyang ama. Roman ang pangalan nito at sinadya siyang hanapin para sabihin sa kanya na may konting hindi pagkakaintindihan sa pagitan nito at sa kanyang ama. Kalaunan, pumayag ito na doon siya titira hanggang sa pagbalik ng kanyang ama. Hindi daw siya mamomoblema sa pagkain at kung ano pa habang nasa poder siya nito. Bukod pa doon, tinanong siya kung ano pa ang gusto niya basta't papayag lang siya na sumama rito at meron nga siyang hiniling: gusto niyang magpatuloy sa pag-aaral. Sinisiguro naman ni Roman na makakapag-aral siya gaya ng kanyang kagustuhan.

Pagkatapos ng kanyang pageempake at pamamaalam kina Cheska at Alice, sumama na siya kay Roman patungo sa pamamahay nito.

Pagdating niya sa bahay nito, tinulungan siyang dalhin ang kanyang mga gamit sa loob. Ginaya pa rin siya sa kwartong tinuluyan niya.

"Ito na ang magiging kwarto mo. Ikaw na ang bahala mag-ayos sa anong gust mo."

"Salamat. Nasaan nga pala si Aling Nora?" tanong niya.

Narinig niyang natawa ito. "You remember her pero ako hindi. On leave siya dahil kailangan niyang umuwi ng probinsya para sa dalawa niyang apo."

"Ah, ganoon ba?"

"Wala kang poproblemahin sa pagtira mo dito. Mula pagkain, paggamit ng mga appliances dito, kahit ano lahat libre. As promise, tutuparin ko ang kagustuhan mo na magpatuloy sa pag-aaral. I will make sure na maghahanap ako ng eskwelahan na babagay sa 'yo, you're tuition, uniform, and everything para sa paga-aral mo ako na ang bahala."

"Maraming salamat sa tulong mo."

"Ah, muntikan ko ng makalimutan." Lumabas ito at pagbalik, mat dala itong gamit. Nagulat siya sa kanyang nakita. Ang mga gamit na iniwan niya sa bahay ng kanyang ama, bakit na sa kanya?!

"Ba-bakit na sa'yo 'yan?" tanong niya rito. "Iniwan ko na 'yan sa bahay, ah."

"Pinuntahan ko ang bahay ng Papa mo. Doon ko lang din nalaman na wala na palang nakatira doon at sa paglibot-libot ko, nakita ko itong mga gamit mo. I'm sure nab aka hanapin mo ito kaya kinuha ko at dinala ko dito."

"Bakit ka naman pumunta doon?"

"May gusto lang akong ikumpirma. So, heto na ang mga gamit mo." Ibinigay nito sa kanya ang isang maleta at isang bag pack. Nagpasamalat siya rito pero hindi siya nagagalak.

Napansin yata nito ang reaksyon niya. "May problema ba? May nakalimutan pa ba akong gamit mo? Pwede naman tayo bumalik doon para---"

"Hindi, hindi naman 'yan ang problema. Walang kulang. Sa totoo lang, sinadya kong iniwan ang mga ito dahil hindi ko naman ito kailangan."

"Why? Hindi mo na ba gusto ang mga gamit mo? Sa nakita ko, mukhang mamahalin ang mga ito. Marami kang mga magagandang damit, sapatos at laruan. Sayang naman iniwan mo na lang ang mga ito doon."

"Binili sa akin 'yan ni Papa pero wala naman akong hiningi sa kanya ng mga ganito." Umupo siya sa kama. "Nang buhay pa si Mama, gusto niya na magpatuloy ako sa paga-aral. Dahil sa palaging nagkakasakit si Mama, kailangan kong tumigil sa pagaaral para bantayan siya kaya. Swerte na nga na nakatapos ako ng Grade Six. Nagpapasalamat din ako na meron tumutulong sa amin lalong lalo na sa mga gamot ni Mama pero habang dumadaan ang taon, palala ng palala ang sakit niya.

Hanggang sa mawala siya, tanda ko pa rin ang hilingin niya para sa akin na makatapos ng pagaaral at makahanap ng magandang trabaho. Bago ang libing ni Mama, dumating naman ang nagpakilalang ama ko. Ang sabi niya sa akin na bago mawala si Mama, nagkausap ang dalawa na kung may mangyari kay Mama, kukunin siya nito at aalagan at pagaaralin. Kaya, pumayag ako at sumama ako.

Sa pagaakala ko na ng iiwan ako ng Papa ko para tumira sa ibang tao, hindi na ito tutuparin ang pangako niya pero nagkakamali pala ako. Iniisip pa rin niya ako kahit nasa malayo siya. At nagpapasalamat din ako na sinadya mo akong hanapin at tulungan. Maraming salamat talaga. Dahil sa'yo, hindi ako nawawalan ng pag-asa na makapag-aral ulit. Alam mo ba? Palaging nasa isip ko habang nagtatrabaho ako sa club, na gustong gusto ko ng umuwi pero nagbago ang pananaw ko dahil sa tulong mo at ni Papa.

Kaya naman kahit hindi pa makakabalik si Aling Nora, ako muna ang bahala sa bahay mo. Marunong akong maglinis ng bahay, maglaba, magluto. Kahit anong gawaing bahay alam ko. Ayokong tumira dito na walang kapalit."

"Okay, I understand. Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita pipigilan. At walang anuman. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo kaya tutulongan kita sa abot ng aking makakaya. Sa paga-aral mo naman, hindi maipapangako na agad kang papasok dahil marami tayong tatrabauhin at ihahanda na mga dokyumento. Lalo na sa edad mo at Grade Six ang natapos mo. Magtiwala ka lang sa akin. Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo." sabi nito. Ramdam din niya sensero nito na tulungan siya.

"Oo! Malaki ang tiwala ko sa 'yo. Maraming salamat talaga sa tulong mo!"

"You're welcome. Sige, maiwan na kita dahil pupunta pa ako sa trabaho. Ayo slang ba sa'yo na ikaw lang magisa dito sa bahay hanggang gabi?"

"Walang problema. Ayos lang ako dito. Nag-agahan ka na ba? Ipagluluto kita."

"No, thank you. Kailangan ko na umalis. Um, ikaw na ang bahala sa bahay, ah?"

"Makakaasa ka. Ingat sa trabaho mo." Ngiting sagot niya.

"Si-sige." Ngumiti din ito sa kanya at lumabas na ng kwarto. Tinanaw niya ito sa bintana hanggang makaalis ang sasakyan nito.

Humiga siya sa kama. Ang sarap sa pakiramdam na makabalik dito sa bahay. Siguro kung hindi pa tumawag ang kanyang ama kay Roman, hindi siya nandirito ngayon. Pakiramdam niya nagaalala pa rin ang kanyang ama kahit nasa malayo ito. Ito yata ang masayang pangyayari naramdaman niya ng mawala ang kanyang ina.

Masaya din siya dahil si Roman mismo ang kumuha sa kanya at pagaaralin na din siya sa wakas! Wala na sa kanya na umabot ng dalawang linggo ang patira at pagtatrabaho niya sa club basta't nandito na siya at magisismula ulit ang buhay niya. Kaya naman gagawin niya ang kanyang makakaya para hind imaging sakit ng ulo kay Roman. Lilinisin niya ng mabuti ang bahay, magluluto siya ng masasarap na pagkain at magaaral siya ng mabuti. 'Yan ang magiging pangako niya rito at sa kanyang sarili.

Kinuha niya ang litrato ng kanyang ina at napangiti habang pinagmamasdan ito. "Salamat Mama dahil hindi niyo pa rin ako pinabayaan. Magiging mabuti ako at magaaral ng mabuti para sa inyo. Promise, Mama."

To be continued...

"I will update as soon as I can. Thank you so much sa support ninyo sa TBA! I didn't expected na maraming nagbabasa neto. Maybe kapag naging successful itong story, baka maka-move on na ako sa Mister Billionaire's Secret Wife hahaha xD." –leexhian

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and COMMENT what you're thoughts about the story. I'll be delighted to read your reviews about the story.

ChuAmnidah! See you in the next chapter!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now