51 Boring

2.2K 106 21
                                    

[ALANA]

"Alana, hurry up! You're gonna be late for school!" pasigaw tawag ni Roman habang hinihintay siya nito sa labas ng bahay. Dahil naman kasi late na siyang nagising.

"Sandali lang! Malapit na ako!"

Ngayon lang siya nagising ng ganito katagal lalo pa na pasukan ngayong araw. Nakakahiya man pero dahil siguro sa magandang nangyari kahapon, ang bigat na nadaganan sa kanyang dibdib ay nawala ng parang bula.

Dali-dali niyang sinuot ang sapatos at kinuha ang school bag sa kanyang kwarto. Hanggang sa kanyang paglabas ng bahay, nagkukumaripas pa rin siya ng takbo hanggang sa makasakay sa sasakyan.

"Sorry, natagalan ako." Hinging pasensya niya kay Roman.

"It's okay." Ngiting sagot nito. "Double check your things baka may nakalimutan ka pa."

"Wala na. Alis na tayo baka ma-late ka na sa trabaho."

Masaya siyang nagkukwento habang nasa biyahe. Tama ang sinabi ni Roman. Kinalimutan na nila ang mga nangyari at bumalik na sila sa dati. Gayunpaman, pinangako niya na hindi na niya gagawin ang mga bagay na hindi siya sigurado at kailangan niya muna magpaalam bago gawin.

Pagdating nila sa eskwelahan, nandoon na sila Sarah at Levi kabababa lang ng mula sa kanilang sasakyan.

"Ah! Hi, Alana!" masayang bati pagkakita sa kanya ni Sarah.

"Magandang umaga!" balik bati naman niya rito. At kay Levi naman, ganoon pa rin. Hindi pa rin siya pinapansin nito.

"Wow, ah. Akala ko nandito ka na. Late ka nagising, no?!"

"Ah... parang ganoon na nga?" mukhang nababasa yata siya nito.

"Alana, you forgot your phone." Tawag sa kanya ni Roman.

Kinuha niya rito ang kanyang cellphone. Kita niya na nakatitig naman si Sarah rito.

"Um Daddy, Si Sarah po. Classmate ko. Sarah, ang Daddy ko pala—"

"O.M.G. Ako po pala si Sarah. Classmate and best friend po ni Alana. It's nice to meet you po." Biglang sabi ni Sarah na parang napatulala. "Ma-mas gwapo po kayo sa personal."

Natawa naman si Roman sa sinabi nito. "Really? Thank you and it's nice to meet you to. Kinukwento ka palagi sa 'kin ni Alana. Thank you for being her friend."

"Siyempre naman po dahil totoo at mabait si Alana."

Kita niya na hindi kumikibo si Levi. "Da-daddy, si Levi din po classmate ko at kaibigan."

"Nice to meet you, Levi." Sabi ni Roman pero tinignan lamang ito ni Levi. Siniko naman agad ni Sarah si Levi sa may tiyan para napa-aray ito.

"So-sorry po, Sir. Ganyan lang po talaga ang pinsan ko." Paumanhin ni Sarah.

"It's okay. Don't worry about it. Well, I'll be going now. Take care, okay?"

Tumango siya. "Sige. Ingat ka."

Ningitian siya nito at umalis.

"Wow. I cannot believe it sa ganitong kaaga na-meet ko sa personal ang Daddy mo. Gosh! Mas gwapo pala talaga siya pag sa personal."

"Bakit? Saan mo ba siya nakita?"

"Girl, sa ganyang kayaman at kagwapong nilalang tulad ng Daddy mo malamang lalabas siya sa telebisyon."

"Artista siya?"

"Hindi! Well, theater actress ang Mama niya pero may airtime kasi 'pag sikat ang pamilya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now