27 Gossip

4.5K 176 27
                                    

[ROMAN]

"Oh, come on! It's been two days naiinis ka pa rin sa akin?"

"Shut up. I'm still working." Pabalang sagot niya kay Howard. Tama ang sinabi nito. Naiinis pa rin siya rito dahil sa nakita niya papaano ito nakikipag-flirt kay Alana. Ginamit talaga ng hinayupak ang pagiging babaero at smooth talker nito kay Alana.

"I didn't do anything to her. Promise!"

"Even if she's already eighteen, pwede mo naman kausapin ng pormal hindi 'yang dinadaan mo sa pagiging maharot."

"Uuuyy..." sabay sipol. "Is Daddy Roman feeling jealous right now?"

"I. Am. Not. Jealous! What am I saying is that huwag kang magsasalita ng kung ano-ano nab aka may bigla ka na lang masabi sa kanya na—"

"—na nilayasan siya ng kanyang duwag na ama at ginawa siyang pambayad? Dude, ano ba ang tingin mo sa akin kahapon lang iniluwal ni Mama? Of course, maingat ako sa ganyang topic. Hindi lang naman ikaw ang nilayasan niya dahil sa utang pati din naman ako."

"Good. At least nagkakaintindihan tayo."

"But that doesn't mean na hindi ko pwede yayain si Alana na mamasyal or i-date siya."

"Sapak gusto mo? Nga pala, any updates kay Francisco?"

"Wala pa rin. Still missing. Hula ko lang na nasa South America nagtatago 'yun pero ang mahirap lang, wala akong koneksyon para tulungan ako."

"Pwede niyang takbuhan ang utang niya pero hindi niya kayang itago ano ang kasalanan niya."

"True. Pasasaan ba't babalik siya dito. Si Alana ba, hinahanap pa rin ang Papa niya?"

"Fortunately, not."

"Fortunately, huh? Good news pala 'yan sa'yo?"

"Of course. Habang nakikinig ako sa kanya at kinukwento tungkol sa Papa niya, umiinit ang ulo ko. Much better na igugol muna ni Alana ang isip nito sa pag-aaral. Yun naman talaga ang gusto ng bata."

"That's a good news but, wala ka bang planong sabihin kay Alana ang totoo?"

"I—I don't know..." Hindi niya naisip 'to kung sasabihin ba niya kay Alana ang totoo.

Patuloy nito. "Maganda naman ang intensyon mo kay Alana. Hinanap mo siya, kinupkop, binili ang mga pangangailangan nito at pinag-aral. Actually, you've become a "real" parent to her kesa sa Papa niya. What if malaman ni Alana na ang papa niya ay nagtatrabaho sa'yo at lumayas dahil sa malaki ang pagkakautang nito sa'yo?"

"I can't answer that question right now. For now, gusto ko lang na habang hindi pa nahahanap si Francisco, ibibigay ko muna kay Alana ang gusto niya. Also, I don't think na kakayanin ni Alana na marinig nito ang totoo. Time will help."

"Kung hindi mo pa kaya, you can still help her finding her way home pero imbes na 'yan ang gawin mo, pinili mo na pag-aralin siya at sabihin na natin na inampon mo na siya. Why didn't you do that? Hindi ba ayaw mo ng may nag-iistorbo sa buhay mo?"

"Well, I was thinking about that but... I had an argument with Mom and Dad."

"Ah. You mean they want you to settle down? Pinipilit na ba nila sa'yo si Divina?"

"Yeah."

"So, anong kinalaman ni Alana tungkol d'yan?"

Nahinto sila ng mag-ring ang kanyang cellphone.

Pagkakita niya kung sino ang tumatawag, "Oh god."

"What is it?"

"It's Mom."

"Oh, my. Sagutin mo na. Mama mo naman 'yan, eh. Baka may ichi-chika 'yan sa'yo."

Does he have other choices? Sinagot niya rin ito. "Yes, Ma?"

"Roman, ano itong nabalitaan ko na may dinala ka diyang babae sa opisina mo?! Answer me right now!"

Oh god! Here we go.

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and COMMENT your thoughts about the story. See you in the next chapter! ChuAmnidah! -Leexhian

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now