20 Enroll

8.2K 278 57
                                    

[ALANA]

Nakaupo lang siya sa tabi habang pinagmamasdan si Roman at ang kausap nitong guro. Sa ilang araw na paghihintay, sa wakas ipapa-enroll na siya ni Roman sa eskwelahan. Kasama si Roman, nandito sila sa eskwelahan na napakaganda at napakalakwak!

Pagpasok nila dito, iniwan muna siya nito sa isang guro at may pinasagot sa kanya na pagkahaba-haba at hindi niya alam ang mga sagot. Lalo na ang mga tanong na sa lenggwaheng ingles, mas lalo siyang nahirapan. Mabait at maaalahanin naman ang guro kaya hindi siya nahihiya sabihin na wala siyang halos alam sa mga tinatanong nito. Pagkatapos ng ilang oras na pagsususlit, nandito sila sa opisina ng Director para pagusapan ang tungkol sa kanyang enrollment.

Pero kahit excited at masayang-masaya siya sa nangyayari sa kanya, tila bang 'di mawaglit sa isip niya ang nangyari noong unang gabi niya sa bahay ni Roman. Pagkauwi nito, may sinabi ito sa kanya na hindi niya makakalimutan hanggang ngayon.


//Flashback//

"Can you call me Daddy?"

Natigil siya sa sinabi nito. Anong sasabihin niya?

"H-huh? Anong..."

"Sabihin mo na lang. P-please." sabi nito.

"Um, Da-daddy." Sinunod niya ito.

"Ah..." sabay kamot sa ulo nito. "This is going to be so, so hard."

"May problema ba?" tanong niya habang nakatalikod ito sa kanya. Hinarap niya ito pero ito naman ay umiiwas ng tingin sa kanya. May malalim ba itong pinoproblema sa pagalis nito?

"Wala naman. Um, kailangan pala natin mag-usap. As in, ngayon na. Sandali." Hinubad nito ang suot na coat at isinuot sa kanya.

"Napagisip-isipan ko na sa lalong medaling panahon, kailangan na natin maghanap ng skwelahan para doon ka mag-aaral."

"Talaga?"

"Yes. Ako na ang bahalang maghanap and sisiguraduhin ko magaaral ka sa paaralan na marami kang matututunan at safe na din. Kaya, magfi-file ako ng leave ng ilang araw para tutukan natin 'yan lalo na sa mga requirements mo for enrollment. Wala ka bang documents o birth certificate na dala-dala?"

"Wala, eh."

"I see. That's okay. Magpapagawa ka na lang ng bago. May kaibigan ako na marunong sa mga ganyan so makakatulong siya sa'yo. And tungkol diyan, kapag maasikaso na ang mga bago mong documents, hindi ko mailalagay ang pangalan ng papa mo sa mga papeles mo. Imbes siya, pangalan ko ang mailalagay to be your guardian. Ayos lang ba sa 'yo na ako ang magiging guardian mo?"

"Um, wala naman problema sa akin. Marami ka ng naitulong sa akin lalo na ito pagaaral ko at tiyaka, 'di ba sinabi mo na magtiwala lang ako sa'yo? Kaya naman kahit anong desisyon na gawin mo para sa akin, wala akong reklamo." Ngiting sagot niya rito.

"Oh? Sinabi ko ba 'yun?"

"Oo naman. Um, ibig mo bang sabihin, a-aampunin mo ako?"

Kita niya ang gulat sa mukha nito. Ilang sandali kumalma ang mukha nito at tumango. "Oo. Ako na ang magiging ama mo."

//End of Flashback//


Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Itong tao na hindi niya kilala ang tatayo pa na maging pangalawang ama niya. Masaya siya dahil sobrang napakabait nito sa kanya pero nagtataka naman siya kung bakit? Hindi ba siya makakapag-aral kung walang tatayong magulang niya? Guardian, ayos lang sa kanya dahil parang sila Aling Martha at Ate Julia niya ay naging pangalawa niya rin pamilya sa isla. Pero gayunman, buong pusong nagtitiwala pa rin siya sa mga gagawing plano ni Roman. Wala siyang nakikitang masama sa mga desisyon nito para sa kanya. Gaya ng iniwan muna nito ang trabaho para sa pagaasikaso nito sa kanyang enrollment. Malaking bagay na inaalala siya nito. Ang tingin nito sa kanya ay hindi ibang tao kundi parang...anak.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now