44 Regret

2K 119 17
                                    

[ALANA]

Kalaunan nage-enjoy na din siya dito sa party nila Ruby at Queenie. Nagtatampisaw sa swimming pool, uminom ng alak at masayang nakukwentuhan sa ibang bisita. Ito ang una niyang naranasan na maging katulad ng iba at parang unti-unti na siyang natatanggap ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Teka lang, kanina pa siya dito pero bakit wala pa rin sila Levi at Sarah? Pupunta ba sila dito? Nasaan na kaya sila? Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-text kung nasaan na sila at pupunta ba sila dito sa party.

"Hi! May I sit with you?"

Wala ang kanyang focus ng may nagsalita sa tabi niya. Paglingon niya isang lalaki na nakangiting nakatingin sa kanya. Nakita na niya ito kanina pa at kasama ito sa mga kaibigang pinakilala sa kanya nila Ruby at Queenie.

"May I?"

"Si-sige, upo ka lang." Tinago niya ang kanyang telepono. Mamaya na lang siguro niya ite-text si Sarah.

"My name is Henry. Sorry, hindi ako nagpakilala sa'yo kanina dahil medyo napasarap ang kwentuhan natin lahat sa dining room."

"Oo nga."

"Alam mo, halos kilala ko na ang mga bisita dito but not you. I know na mag-classmates kayo ni Ruby at Queenie pero but it's new na may bago silang friend. Close nap ala kayo ng dalawang 'yun?"

"Siguro. Hindi ko naman inasahan na iimbitahin ako dito. Halos nakalimutan ko na nga 'to eh pero tinawagan nila ako kaya heto, nandito ako."

"Ginusto mo or pinilit ka nila?"

"Um, pwedeng parehas. Ayoko sana dahil ang sabi nila hindi pwedeng ipaalam kahit sino o sa mga magulang ang tungkol sa party pero, sinisiguro naman ni Ruby na kapag pumunta ako, tiyak na may makukuha ako."

"Well, it is their rules na no adults dito sa party so kailangan nating sumunod but anong makukuha mo 'pag pumunta ka dito?"

"Kuwan, na makipagbagay sa inyo."

"I don't understand."

"Makipaghalubilo. Lumaki kasi ako sa malayong lugar at ng mapadpad ako dito, tinutukso na lang ako palago kaya baka magbago ang lahat ng 'yun 'pag sumunod ako sa payo ni Ruby."

"And nakatulong ba 'yun sa'yo?"

"Parang ganoon na din. Tignan mo naman, parang hindi iba ang tingin sa akin dito. Medyo nakaka-relax at nage-enjoy ako habang nakikipaghalubilo sa inyo at sa iba pang mga bisita dito."

"Okay, I think gets ko na ang sinasabi mo. You want to gained recognition and proved to others na hindi ka iba sa kanila so that's why you're here. At pumunta ka rin dito para itigil na ang pangbu-bully sa'yo."

Tumango siya. "Parang ganoon na nga."

Napaisip ito. "Hmm... okay but 'diba kung may nangbu-bully sa'yo dapat sabihin mo 'yan sa parents mo? Bullying is not good."

"Um, gusto ko pero..." ayaw lang niyang ipaalam it okay Roman. "ayoko lang na mag-alala siya sa akin at ayokong maka-istorbo lalo na busy 'yun sa trabaho."

"Silly. You should tell them kesa kimkimin mo. But still, may mga magulang din naman na walang pakialam sa mga anak nila kahit may nangyayari ng hindi maganda."

"Hindi naman ganyan ang Daddy ko. Mabait naman siya at binibigay ang gusto ko."

"Yeah but hanggang diyan lang ba ang Papa mo? Ang ibigay ang mga gusto mo? How about emotional support? Hindi ba tinanong ng Papa mo kung may nagbu-bully sa'yo sa school?"

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now