28-29 Training

4.1K 154 14
                                    

[ROMAN]

"Who was that, Roman? And someone saw that she's wearing a school uniform? Are you dating a minor?! Iyan ba ang ipapalit mo kay Divina?"

"What? What are you talking about, Ma?!" At anong sinasabi nitong ipapalit kay Divina? Hindi naman naging sila.

"Did you have a girlfriend na hindi mo sinasabi sa amin ng Papa mo? Kaya ka ba tanggi ng tanggi sa mga—"

"Ma, calm down. Papaano ako magpapaliwanag if you didn't give me a chance to speak?"

"It's because you're keeping secrets from us! Oh my goodness, hijo! Really?! Who is she a university student? Minorde edad ang karelasyon mo?!"

"Ma, please just calm down." He sighed. "Just wait for me at pupunta ako sa inyo ni Dad. I'll explain everything, okay? See you tonight."

"You'd better be." And she hung up quickly.

"Dammit!" This place is his territory at meron pang mga tao dito na may ganang i-chismis sa mga magulang niya kung anong pinagkakagawa niya?!

"Oh ow! Parent attack! Papaano na 'yan, kalat na ang tungkol sa anak ni Francisco."

Tinignan niya ito ng masama. "Obvious naman na isa ka din sa may kasalanan dito."

"What?!" Howard exclaimed.

"Nagulat ka pa sa lagay na 'yan?! Inilabas mo siya dito sa opisina ko at gumala kayong dalawa sa buong building! Alam mo naman may mga galamay dito si Mama."

"Chill! Well, if it's that true I'm truly sorry pero at least napasaya ko si Alana. Kesa naman magmumukmok lang ang bata dito sa opisina mo. And besides, maitatago mo ba si Alana habangbuhay? Of course not! Whether itatago mo man siya o hindi, you don't have a choice dahil malalaman pa rin nila. So, uwi ka na?"

"Yeah, para matapos na."

"Gagabihin ka ba? Ako na bahala kay Alana. I will take care of her. Magdadala ako ng pagkain—"

"F^^k off and no not in a lifetime, not without me! I'm off!"

"Bro!"

Agad niyang iniwan si Howard sa opisina at dali-daling lumabas at sumakay ng sasakyan. Wala na siyang dapat sayangin na oras. Ang dali talagang kumalat ang balita. It's also his fault kung bakit dinala niya si Alana sa opisina niya.

He planned this "idea", he planned this "situation", dapat panindigan niya 'to.

"Oh, I almost forgot to call her." He hope na hindi siya magtagal sa bahay ng parents niya. Baka kung anong gawin ni Alana sa bahay lalo na sa garden niya.


[ALANA]

"Stand up straight, chest forward at huwag yuyuko. Balance lang para hindi mahulog ang mga books sa ulo mo, got it?"

"O-opo."

Sabado ngayong araw. Wala man siyang klase pero parang nagkaroon siya ngayon dahil may pinadalang guro si Roman para turuan daw siya papaano umasta ng mabuti sa harapan ng ibang tao. Papaano bumati, umakto habang nasa hapagkainan at kung ano pang ituturo ng guro sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong ginawa ni Roman pero dahil biglaan, hindi na siya nakapagtanong pa. Nga pala, habang umalis si Roman iniwan siya kasama si Teacher Bonnie at nagsasanay sila sa bandang hardin.

Dahan-dahan siyang naglakad at binabalanse ang sarili para hindi mahulog ang mga librong ipinatong nito sa kanyang ulo.

"Very good, Alana." Puri ng guro. "Ang dali mo naman turuan. Just remember na kapag naglalakad ka, huwag mo masyadong ibaba hanggang sa yuyuko na ang balikat mo."

"Opo, Teacher Bonnie."

"Easy steps pa lang ito dahil ang susunod kong ituturo sa'yo ay papaano maglakad ng naka-heels. Nagsusuot ka ba ng mga sapatos na may takong?"

Umiling siya. "Hindi po. Tsinelas lang po ang sinusuot ko sa amin."

"Okay. I guess sa next lesson natin kailangan natin mag-focus para mas madali mong matututunan agad."

May kinuha itong isang pares na sapatos na may matataas na takong. "This is only three (3) inches heels. Hindi ka naman maglalakad na parang nasa isang pageant ka. This is more formal at hindi masakit. Try it."

Sinunod niya ito. Habang sinusuot ang ibinigay nitong sapatos, may gusto siyang itanong rito. "Teacher Bonnie, bakit po kaya pinadala kayo ni Rom-Daddy para turuan ako ng mga ganito? Kasama ba ito sa lessons sa school?"

"I don't know. Me and your Dad we're University classmates and friends also so ng bigla na lang niya akong tinawagan, hindi ako tumanggi. Minsan lang kasi 'yun nagre-request and he pays big time. I guess may plano siya na hindi pa niya sinasabi sa'yo. Okay, stand up straight. Ilalagay ko ulit itong mga libro sa ulo mo."

"Plano? May alam po ba kayo? Hindi man lang niya sinabi?"

"Nope. Hindi ko na tinanong kasi ang sabi niya urgent ang pagtuturo ko sa'yo so hindi ko na maisingit ang tsismis. Start your walk in three, two, one."

Dahan-dahan siyang naglakad at nagiingat na hindi mahuhulog ang mga libro sa kanyang ulo at the same time hindi matatapilok.

"You did great, Alana! Now, turn around at maglakad ka pabalik dito."

Sinunod niya ito at ganoon pa rin ang ginagawa niya. Iilang hakbang na lang papalapit sa guro ng nawalan siya ng balanse. Bigla siyang napaupo at nahulot ang mga libro.

"Are you okay?" bigla siyang nilapitan nito at tinulungang bumangon.

"Ayos lang po. Sorry po hindi ko nagawa ng maayos."

"Huwag kang mag-sorry. Nagsta-start pa naman tayo. Wala bang masakit sa'yo?"

"Wala po."

"Alam mo, kahit hindi man nito pinaliwanag anong pinaplano niya, magtiwala ka lang sa kanya."

"Siguro nga po."

"Or di kaya tanongin mo siya paguwi niya? Hindi naman siguro 'yun magtatago ng ano man sa'yo, right?"

Pwede pero kaya ba niya magtanong? Baka sabihin pa nito pakialamera siya.

"Let's start again. Huwag masyadong conscious habang naglalakad, ah? Start-"

Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa. Kaya lang naman siya nagiging mausisa kung bakit ganito ang pinapagawa sa kanya ni Roman, ay dahil ginawa na ito dati ng kanyang totoong ama.

May pinadala din itong isang guro para turuan siya gaya ng ituturo sa kanya ni Teacher Bonnie. Pagkatapos bigla na lang inimpake ng kanyang ama ang mga gamit niya at iniwan sa harapan ng bahay ni Roman.

Hindi naman kaya-hindi. Hindi naman siguro gagawin ni Roman ang ginawa ng kanyang ama, 'di ba? Na ilalagay siya ibang lugar, sa ibang bahay?

Nakaramdam na siya ng konting takot. Ayaw niyang mag-isip ng ganito. Mabait si Roman at may tiwala siya sa ano mang mga desisyon at plano nito para sa kanya.

Pero, kung gagawin man nito ang ginawa ng kanyang ama noon, malulungkot siya ng todo.

If you like the story, please VOTE and also leave a COMMENT on your thoughts about this story so far. See you in the next chapter! ChuAmnidah! - L.X.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now