35 The Touch

3.5K 163 11
                                    

[ALANA]

[Setting: Classroom]

Dahil may emergency meeting ang mga teachers ngayong hapon kaya wala silang klase. Wala naman magawang iba, tumambay sila Alana, Sarah at Levi sa classroom. Si Levi busy sa pakikinig ng music cellphone nito, siya naman ay nakikinig kay Sarah habang tinuturuan siya nito paano gumamit ng tinatawag na social media. Medyo komplikado nung una dahil ingles ang mga salitang nakalagay pero ang sabi naman ni Sarah, medaling-madali lang 'tong gamitin.

"Eto, oh! 'Yan lang muna ang profile picture mo. Wala ka kasing ni isang selfie sa cellphone mo. Parang 'di mo yata ito ginagamit."

Kinunan siya nito ng litratro na naka-peace sign. Sabi nito hindi daw maganda ang pagkakakuha pero sa tingin naman niya eh okay lang. "Ginagamit ko naman 'pag tumawag o may text si Daddy. Pero, 'yang ibang mga nakalagay d'yan, 'di ko na alam paano gamitin.

"But ngayon, alam mo na. Finollow na kita sa account mo pati na rink ay Levi para madali na tayo mag-communicate. Next time, try mo naman i-explore itong cellphone mo. New model pa naman 'to tiyaka, mag-selife ka o mag-picture ng kung ano-ano at i-post mo. Hindi ka lang mage-enjoy, updated pa kami sa everyday life mo! 'Di ba, Levi?"

"Not all things should be posted on the internet. Don't put your life to everyone and also don't teach stu*pid stuff, okay ba?" sagot naman ni Levi rito.

"Levi, 'di naman lahat masama and I didn't teach her stu*pid stuff! Basta gamiting lang sa tamang paraan."

"May sinabi ka pa d'yan na mag-post ng kung ano-ano. Sus, please Sarah huwag mo hawaan si Alana."

"Alana, oh! Inaaway ako ni Levi!" sumbong ni Sarah sa kanya. Ganyan talaga ang ugali ni Levi. Masyadong suplado pero mabait naman.

"Oh, shut up. Magsumbong ka kung gusto mo."

Natatawa na lang siya sa pagaaway ng dalawa. "Ayos lang naman sa'kin na hanggang text at tawag lang ang gamit ko sa cellphone ko pero kung kinakailangan para sa school at makapag-bonding sa inyo, siyempre walang problema sa'kin. Tayo-tayo lang naman, 'di ba?"

"Aw... ang sweet naman ni Alana! Hays! Buti na lang talaga naging friends agad tayo. Nakakainis kasi minsan dito, masyadong entitled sila at magpapayabangan kung gaano sila kayaman. Oo na! Mayaman na at maraming pera pero sana naman maging humble din sila. Pasalamat nga tayo pinanganak tayo na hindi naghihirap kaya happy ako na hindi ka katulad nila."

"Salamat." Sagot niya. "Hanggang ngayon sinasanay ko pa ang sarili ko dito pero dahil na din sa tulong ninyo, medyo hindi na ako nahihirapan."

"Masasanay ka 'din but, promise mo na hinding-hindi ka mahahawa sa mga ugali dito. Ay nga pala, malapit na examination at may idea ako. Gusto ko kasi na maging study buddies tayo. Doon tayo sa bahay at pwede din ako magpaalam kina Mama at Papa na doon ka matutulog! Ano? Game?"

"Here you go. Your stu*pid idea again."

"Levi!"

"Hindi ko sigurado kung pupwede ako. Kailangan ko pa kasing magpaalam kay Daddy." Study buddy o matulog sa ibang bahay? Nitong dalawa ay hindi pa niya nasusubukan. Noong nasa isla pa siya, hindi niya kayang iwan ang kanyang ina sa bahay dahil may sakit ito.

"Oo nga pala dahil hindi mo pa nae-experience ang ganyan. Pero, try mo magpaalam sa Papa mo baka pumayag. Teka Alana, bakit ba lumaki ka sa malayong isla? Maganda naman dito—wait, 'di naman kaya tinago ka dahil ng ayaw ng Papa mo na ipakilala ka! Mala-teleserye yata ang life mo, girl!"

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now