31 Reasoning

3.6K 158 24
                                    

[ROMAN]

"Are you alright? Hindi ka ba komportable sa suot mo?" pansin niya kasi na mula pa sa bahay hanggang sa sasakyan, hindi ito mapakali at may hinahawakan sa damit nito. Dahil wala ng oras para ito mismo ang mamili ng isusuot na damit, nagpatulong siya kay Bonnie kung ano ang isusuot ni Alana. Nagpunta din ito sa bahay para si Bonnie mismo ang magaayos mula sa buhok, make-up, hanggang sa anong dalhin na bag ni Alana.

He can't calm down kahit anong pagpapakalma niya sa kanyang sarili because this is the day na ipapakilala na niya sa kanyang pamilya si Alana. Ang kinupkop niya bilang anak. Hindi pa sana niya ito sasabihin sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Alana pero dahil sa kapabayaan niya, may nagbalita sa Mama niya na may "dinala" siyang babae sa opisina niya at 'yun nga ay si Alana. Hindi niya ito naisip kaya kasalanan niya kung bakit hindi siya magkandaugaga ngayon. Pati na din si Alana, pansin rin niya ang stress at takot sa mukha nito. May magagawa pa ba siya para i-delay ang mga ganitong pangyayari? Of course not kaya ang tanging magagawa niya ay kung anong magiging kalabasan sa pagkikita ng kanyang mga magulang at ni Alana, nakahanda siya. Well, he should be ready. Alam niya ang ugali ng kanyang mga magulang.

He still can't forget what they had conversations the other day.

//flashback//

Pagkadating niya sa bahay ng kanyang mga magulang, bungad agad ang makulimlim na atmosphere sa loob lalo na sa mga mukha ng kanyang Mama at Papa.

Tumayo agad ang kanyang Papa. "Nagdala ka ng menorde edad sa opisina mo? Totoo ba?!"

Ilang segundong katahimikan at ang kanyang sagot, "Yes."

Biglang namula ang mukha nito and pointed at him. "What's the matter with you?!" sigaw nito. "Sa dami-dami pa naman ng mga babae sa mundo, pumili ka pa ng bata?! Are you an airheaded for not knowing anong magiging kalabasan nito sa'yo pati sa pamilyang 'to?!"

"Pa, please just calm down." Sagot niya.

"Papaano ako kakalma?! Look at your mother!"

Nakita niya ang kanyang ina na nakasandal sa sofa habang hinihilot ang ulo at nagpapay. She still looks okay to him.

His Father continues, "Nang malaman ng Mama mo kung sino 'yang babaeng dinala mo sa opisina, tumaas ang presyon! Sumakit ang ulo! We tried and tried na kami na mismo ang humanap sa "suitable woman" para sa'yo dahil alam namin na masyado kang busy sa trabaho, may niluluto ka na pala behind our back!"

"Okay, okay. Just stop for a while para makapagpaliwanag ako sa inyo ng maayos. And Ma, please, stop over reacting. Ni hindi mo pa alam ang totoong kwento." As he said, alam na niya ang ugali ng kanyang mga magulang. Right now he knew his mother was just over reacting. Dinala pa talaga nito ang paging theater actress noon.

"Fine." Umupo ang ama niya sa tabi ng kanyang ina. "Talk."

Huminga siya ng malalim. "What you'd heard was true. And to tell you straight, she's my daughter."

"What?" sabay bigkas ng kanyang mga magulang.

"I... adopted her. That woman is... she's my daughter."

"What?!" sabay bigkas ng kanyang mga magulang.

Napahagulgol ng malakas ang kanyang ina sa narinig mula sa kanya. He understand na ganito ang magiging reaksyon na may inampon siya. And he already knew that—

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now