49 Unexpected Encounter

2K 115 18
                                    

[ALANA]

Araw ng sabado. Maga-alas tres na ng hapon pero wala pa rin paramdam si Howard. Ni tawag o text man lang nito ay wala pa siyang natatanggap. Niyayaya kasi siya nitong mamasyal ngayong araw pero mukhang nakalimutan yata nito.

Ayos na din naman sa kanya kung hindi na matutuloy ang plano nito. Buong araw lang siya nagiisa dito sa bahay at ganoon pa rin ang sitwasyon nilang dalawa ni Roman. Iniiwasan pa rin siya nito at hindi na niya ito maabutan pagkauwi nito sa gabi.

Wala din naman siyang klase 'pag sabado at linggo kaya ito lang ang ginagawa niya. Ilang beses na din na iniimbitahan siya ni Sarah na mamasyal pero dahil sa nangyari, pinaliwanag niya rito na kailangan niyang tumanggi dahil hindi pa sila nagkaayos ni Roman.

Kaya nilalaan na lamang niya ang kanyang oras sa paglilinis. Nilinis niya ang buong bahay. Mula sa paglilinis ng mga dumi at alikabot, paglalaba ng mga kurtina at pagpapalit ng bago hanggang sa paghahanda ng iluluto niya mamaya. Marami kasing pinadala si Lola Susan na mga prutas at gulay kaya plano niyang ipagluto ng hapunan si Roman. Nagaalala kasi siya nab aka hindi ito naghahapunan pagkauwi galing sa trabaho. Kahit man lang dito, makakabawi siya at isa din itong paraan ng paghingi niya ng tawag.

Nakahanda na lahat at malinis na ang buong bahay. Nakaupo lamang siya sa tabi ng bintana sa kanyang kwarto habang hinihintay ang tawag ni Howard. Nasaan na kaya 'yun? Hindi naman nito sinabi anong oras silang aalis o baka may nililigawan na naman itong babae o 'di naman kaya may girlfriend na 'yun?

Girlfriend?

Anong tingin mo sa kanya bilang lalaki?

Gusto mo ba siya maging boyfriend?

Ano sa tingin niya kay Roman bilang lalaki? Hmm... tama naman 'yung sagot niya pero, may iba pa ba?

"Masaya siyang kasama, pinapagaan niya ang loob ko, tinuturan niya ako sa mga bagay na hindi ko alam at hindi ko masyadong maiintindihan at... pinaparanas niya sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya."

Gusto ba niya itong maging "ama"? Oo naman.

Pero bilang isang lalaki? Hindi niya alam. Hindi pa niya nararanasan ang umibig at ni minsan sa kanyang buhay, wala siyang nagugustuhan na kahit sinong lalaki sa isla.

Pero kung magkakagusto man siya kay Roman...

Pwede ba?

Tumunog ang kanyang cellphone. Sa wakas, nagparamdam na si Howard. "Hello?"

"Hi, Princess! Sorry ngayon lang ako tumawag. May inasikaso lang akong importanteng trabaho."

"Ayos lang. Hindi naman ako nabagot."

"Good. Maghanda ka na. Susunduin kita maybe five to ten minutes nandiyan na ako, okay?"

"Sige. Hihintayin kita sa labas."

Hindi naman nito sinabi saan sila pupunta, sasabay na lang siya sa plano nito at kailangan din niyang maghanda. Pinili niyang magsuot ng kulay berdeng floral dress, puting knit jacket, puting white sandal at maliit na sling bag. Dahil mainit ang panahon, naka-pony tail ang buhok niya. Hindi niya alam saan siya dadalhin nito pero may tiwala naman siya at alam naman ni Howard saan ang mga magagandang lugar para mamasyal.

Ilang sandali, dumating na si Howard. Kita talaga kung gaano kayaman nito dahil iba na naman ang hitsura ng sasakyan nito.

"Hi, Alana! Are you ready? Wow! Look at you! Talagang excited ka sa pamamasyal natin, ah. You are so pretty."

"Salamat."

"Hop in!" sumakay siya sasakyan nito.

"Howard, saan ba tayo mamamasyal?"

"I know some places kung saan ang magagandang pasyalan dito sa city but diyan mo na malalaman 'pag nandoon na tayo. Huwag masyadong excited."

"Hindi naman siguro tayo gagabihin 'di ba? Hindi ko kasi pinaalam it okay Roman. Baka magagalit na naman 'yun sa akin."

"Don't worry about that. Ako naman ang kasama mo and Roman knows me very well and I think he wouldn't mind taking his future daughter para mamasyal."

Una nilang pinasyalan ay isa sa pinakamalaking mall sa bansa. Mula sa magagandang tanawin, mga shops at iba pang mga interesadong bahagi ng mall, talagang nae-enjoy siya at maraming natututunan. Pumunta silang dalawa sa isang bilihan ng mga alas na isa sa pagaari ni Howard at binilhan siya nito ng magandang bracelet. Regalo daw ito para sa kanya bilang isang Kuya.

Pabiro niyang tinanong ito kung ganito din ba ang ginagawa sa ibang mga babaeng nililigawan nito. Natatawa na lamang siya sa reaksyon nito dahil todo tanggi ito at ni minsan wala siyang biniling alahas para sa isang babae.

Siguro masasabi niyang mabait itong tao kahit mukha itong babaero. Nakakatawa at nakaka-enjoy kasama ito. Palagi lang siyang nakatawa habang nagkukwento ito tungkol sa buhay nito lalo na sa mga "chicks" na kasama nito. Kahit lang naglalakad sila habang kumakain ng ice cream, hindi siya naiinip rito.

Halos dalawang oras silang namasyal sa mall. Ang akala niya ay tapos na at uuwi na sila pero may isa pa daw silang papasyalan.

Ilang sandaling paghihintay at ilang minutong traffic, nakarating sila sa isang lugar na maraming tindahan at mga rides.

"Nasa peryahan ba tayo?" tanong niya. "Dito tayo mamamasyal?"

"Perya? Well, you can call it like that but we are in the amusement park."

"Wow!" napamangha siya. Hindi gaya sa kanila sa isla na ferris wheel lang ang nakikita niya at mga nagsusugal 'pag may fiesta sa kanila pero dito, ang dami! Pagkain, mga damit, laruan at iba't pa halos nandirito na!

"I hope nagustuhan mo ang lugar."

"Oo naman! Ang ganda!" masayang sabi niya rito. Gusto niyang tumalong sa excitement at gusto na niyang sakyan ang mga rides na ngayon pa lang niya nakita.

"Okay pero, may hihintayin pa tayong isang tao. Gusto din naman niyang mamasyal pero wala siyang kasama. I hope okay lang sa'yo na sumama siya sa atin."

"Ganoon ba? Oo naman, walang problema. Sino? Girlfriend mo ba?"

Tumawa ito. "Silly girl. Sandali at tatawagan ko lang baka nandito na siya." Kinuha nito ang cellphone. "Hey, nandito ka na? Where? Nandito ako sa food stalls. I know this is urgent and I'm not wasting your time."

Sino kaya ang makakasama nila? Kung girlfriend nito edi magdedate sila at kasama siya? Kung isa sa mga chicks nito? Ganoon na din 'yun! Hindi naman siguro.

"What are you doing here?"

Natigil siya ng marinig ang boses na 'yun. Lumingon siya at nagulat kung sino ang nandirito. Anong ginawa nito dito?!


To be continued...

A/N: Ayiiieeeehh.... Sauna oil!

If you like the story, please support me by FOLLOW my WATTPAD Account. I really appreciate your support and aasahan po ninyo na gagawin ko po ang makakaya ko na bigyan kayo ng magaganda at exciting na mga storya. 

ChuAmnidah and see you in the next chapter!!

The Billionaire's AdoptedKde žijí příběhy. Začni objevovat