21 She's Ready

8.6K 314 27
                                    

[ALANA]

Sobrang naaliw siya sa pamimili ng kanyang mga bagong gamit sa mall. Kasama niya si Roman, kahit anong makita nito na mababagay o magugustuhan niya, bibilhin nito. Mga bagong damit, sapatos, bags at mga gamit para sa kanyang pagaaral.

Binilhan din siya nito ng isang cellphone. Tinuruan siya papaano gumamit nito para kapag hindi sila nagkikita ni Roman, matatawagan siya nito kaagad. Hanggang ngayon nangangapa pa rin siya sa paggamit ng cellphone pero pasasaan ba't masasanay rin siya gumamit nito.

At marami pa na hindi niya lubos akalain na makakatanggap siya ng ganitong napakaganda at napakagarang gamit. Para siyang tinatratong isang prinsesa. Kahit anong makita niya, mahahawakan niya, agad niya mapapasakanya. Hindi siya maluho pero si Roman na kasi ang nagpupumilit na dapat may mga gamit siya na para sa kanya.

Heto ba ang trato ng isang anak sa ama? Ibibigay kahit ano para lang mapaligaya ang anak nito? Hindi ganito ang trato ng kanyang totoong ama sa kanya per okay Roman, ramdam na ramdam niya na importante siya para rito.

Kahit ganoon, masaya pa rin siya dahil tinutulungan siya ni Roman na makapagaral muli at ramdam niya na hindi na siya nangungulila pa na maging magisa at gustong umuwi sa isla.

Pagkatapos nilang mabili halos yata ng kanyang gusto, dinala siya ni Roman sa isang kainan na sobrang nasarapan siya sa mga pagkain. Mga pagkain na hindi pa niya nakita o natikman sa tanan buhay niya kaya naparami siya ng kain.

Ilang oras ng kainan at kwentuhan, naabutan na sila ng gabi. Kahit nakakapagod at ramdam ang sakit ng paa sa kakalakad at mga dala nilang mga gamit na sobrang bigat, hindi na importante dahil sobra silang nag-enjoy sa pamimili nila.

Inilagay na nila ang mga pinamili sa kotse nito at papauwi na sila sa bahay. "Nag-enjoy ka ba sa shopping natin?" tanong ni Roman sa kanya.

"Sobra. First time ko nag-enjoy mula ng unang tapak ko dito sa siyudad. Sobrang salamat dahil ang dami mong binili para sa akin."

"Good. And hindi mo kailangan magpasalamat dahil deserve mo ang mga bagay na para sa 'yo. Gusto ko din na babalik ka rin naman sa pagaaral, kailangan bago ang mga gamit mo. Hindi na mas nae-excite ka kapag pumasok sa eskwelahan na mga bago ang mga gamit mo?"

"Siyempre! 'Yung binilhan ako ni Mama ng bagong bag, hindi na ako makapaghintay na pumasok sa eskwelahan."

"See? Kaya deserve mo ang mga pinamili natin."

"Pero, nakakahiya lang kasi. Hindi ko inaasahan na marami kang naibili para sa akin kaya nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo. At ito na siguro ang araw na naging masaya ako."

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Noon bang nasa poder ka ng Papa mo, hindi ka masaya?"

"Hm... sa totoo lang? Hindi. Pagdating ko dito, kinaumagahan umalis na siya para magtrabaho. Uuwi lang si Papa pagkatapos ng isa o dalawang linggo. Hindi rin naman ako makakalabas ng bahay dahil bawal at dinadalhan lang ako ng pagkain sa kwarto ng mga katulong."

"Iniisip mo rin ban a ganyan din ang mangyayari sa'yo kapag kasama mo ako?"

"Hi-hindi naman ako nagiisip ng ganyan." Iba ito sa ibang tao lalo na hindi ito katulad ng ama niya.

"Huwag mo sanang iisipin na iniwan ka na ng Papa mo. He had a reason kung bakit nandito ka so don't lose hope. Basta't bubutihin mo lang ang pagaaral mo."

"Hindi ko naman sinasantabi si Papa. Turo sa akin ni Mama na hindi dapat ako magagalit kay Papa na hindi namin siya kasama kasi ama ko pa rin siya kahit ano mang mangyari."

Nagulat siya ng inilapat na naman nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. "You're a good girl, Alana. Please don't change."

Eh? Good girl?


[ALANA]

Nandito ang kanyang pinakahihintay. Eto na ang unang araw sa kanyang pagbabalik eskwela.

Maganda ang suot niyang uniporme. (Maroon blazer, white shirt sleeves, checkered skirt and necktie, white socks, and black shoes.) Naka-ponytail ang kanyang book at suot-suot ang iniregalo ni Roman na relo.

Hinatid siya nito sa ekswelahan. Hindi pa man siya nakakalabas ng sasakyan, sobrang kinakabahan na siya.

"Okay ka lang?" tanong nito sa kanya.

"Ah, o-oo. Ayos lang ako."

"Kinakabahan ka ba?"

"Me-medyo."

"It's alright. Walang mangyayaring masama sa'yo sa loob. Just do your best. Mag-aral ka ng mabuti."

"Oo, gagawin ko 'yan para sa'yo. Salamat."

"Hindi ko kailangan gawin 'yan para sa'kin. Gawin mo 'yan para sa 'yo. Huwag mong kalimutan na tumawag kung may kailangan ka o uuwi ka na para sunduin kita."

"Si-sige."

Nagpaalam na siya at pumasok sa eskwelahan. Nilingon niya ulit si Roman. Ngumiti ito kumaway sa kanya. Alam niya na pinapagaan lang nito ang pakiramdam niya kaya hindi dapat siya matakot.

Sana sa unang araw niya dito, may makakakilala na siyang magiging bago niyang kaibigan.


To be continued...

If you like the story so far, kindly support the story by VOTE and also, COMMENT what you're thoughts of the story so far.

See you in the next chapter! ChuAmnidah!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now