41 Out of Focus

2.9K 118 17
                                    

[ALANA]

Nang sumunod na araw, walang kibuan ang dalawa. Binati ni Alana si Roman ng magandang araw pero tango at malumanay na ngiti lamang ang binigay sa kanya.

Mula sa pagkain ng agahan hanggang sa paghatid nito sa kanya sa eskwelahan, tahimik na Roman ang katabi niya. Sinubukan niya itong kausapin pero matipid naman ang mga sagot nito. Suko na siya. Siguro huwag na niya muna itong pakikialaman babalik din naman ito sa dati.

Nasa eskwelahan na sila. Kinuha niya ang kanyang bag at binuksan ang pinto.

"Good luck on your exam."

Lumingon siya ng marinig ang boses nito. "Salamat. Ikaw din good luck at ingat sa trabaho."

Ngumiti lang ito. Ganoon pa din. Isinara niya ang pinto at agad itong umalis. Tinanaw niya ang sasakyan habang papalayo.

Hays... ang akala niya bumalik na ito sa dati, hindi naman pala. Pinagsisisihan na niya ang kanyang ginawa rito kagabi. Ganoon ba kasakit ang ginawa niya? Sinabi na niya na lagyan ng yelo pero ayaw naman neto.

"Good morning, Alana!"

Nandito na rin pala si Sarah. "Good morning din. Si Levi, nasaan?"

"Hindi ko alam. Baka mamaya pa 'yun darating. Uy! Nakapag-review ka ba kahapon? Ako, hindi masyado dahil sa kapitbahay namin! May birthday party kasi sa kanila." Kwento nito.

"Nakapag-review naman pero 'di ko alam saan ako natapos. Parang hindi din yata ako nakapag-study ng maayos."

"Huh? May special occasion din ba sa kapitbahay niyo?"

Tumawa lang siya. Kung alam lang nito ang nangyari kagabi.

Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang pagsusulit. Dumating na rin si Levi at agad silang pumunta sa classroom para maghanda.


[ALANA]

"At last, tapos na ang exam! Nakakahilo ang mga tanong!"

"In short, hindi ka nag-aral."

"Palibhasa kasi matalino ka! At huwag mo ngang sabihin na hindi ako nag-study, Levi! Sobrang ingay ng kapitbahay namin kagabi, sinamahan pa ng pagkakaraoke. Akala naman ang ganda ng boses."

"Huwag mo akong lokohin, Sarah. 'Pag ayaw kasi, may dahilan."

"Tantanan mo nga ako, Levi!"

Nakakatuwa talaga ang mag-pinsan na 'to. Wala araw na hindi nagbabangayan kaya nga hindi nakaka-boring ang buong araw niya 'pag kasama niya ang dalawa. Natutuwa pa siya at tinutulungan siya sa mga lessons na 'di niya naiintindihan. Magiliw at masayahin si Sarah pero si Levi naman, ganoon pa rin. Suplado at prangka magsalita.

Kung tungkol naman sa kanya, sa awa ng kanyang pagre-review ng ilang araw bago ang exam, may nasagot naman siya kahit papaano at sana naman sa una niyang exam, maganda ang makukuha niyang grado.

Nakikinig lang siya sa bangayan ng mag-pinsan ng matanaw niya sa 'di kalayuan sila Queenie at Ruby. Palihim siyang kinawayan ng dalawa at sinenyasan siya.

Party. See you. Basa niya sa bibig ni Queenie. Mamaya na pala. Teka, talaga bang pupunta siya? Hindi pa rin siya nakakapagdesisyon hanggang ngayon!

"Alana!"

"Huh? Ba-bakit?"

"Tinatanong kita kumusta ang exam." Sabi ni Sarah.

"Ah, sorry hindi kita narinig. Ayos lang may naisagot din naman. Nahirapang lang ako sa exam sa English." Natatawang sagot niya. Bukod sa Science, mas nahihirapan siya sa pagaaral ng English subject.

"Naku! First grading palang kinakabahan na ako. Ayokong bumagsak!"

"Well, you should do a advance study. Baka nga sa first grading pa lang bagsak ka na. Lagot ka kay Auntie."

"I have a faith in myself na papasa ako, no! Ang nega mo talaga kahit kailan, Lev!"

Napaisip siya. Pwede kayang itanong kina Sarad at Levi tungkol sa secret part mamaya? Sinigurado naman nila Queenie at Ruby na dadalo sila Sarah mamaya. 'Di naman masama kung itatanong na niya ito ngayon, 'di ba? "Um, Sarah? Pupunta ba kayong dalawa mamaya sa—"

Natigil siya ng may bumusinang sasakyan sa tapat nila. "Oh my gosh! Papa is here!"

Nandito na pala ang sundo nito. "Sorry Alana mauna na kami ni Levi. May pupuntahan kasi kami kasama ang parents namin."

"Okay lang. Ingat kayo."

"You too, Alana. See you next week!" dali-dali itong sumakay ng sasakyan. Mukhang 'di niya talaga malalaman ang totoo hanggang hindi siya pupunta sa party.

Ilang sandali, tanaw na niya ang sasakyan ni Roman. Huminto ito at pagbukas ng pinto, nagtaka siya. Bakit hindi si Roman ang nandito? Nagkamali ba siyang nilapitan na sasakyan?

"Magandang hapon po." Bati sa kanya ng matandang lalaki. "Ikaw po ba si Alana?"

"O-opo. Ako po." Sagot niya.

"Inutusan po ako ni Sir Roman Manicci na ihatid kayo pauwi."

"Huh? Nasaan po pala si Rom—Daddy?"

"Hindi po siya makakapunta dahil may ginagawa siyang importante sa opisina."

"Ganoon po ba?"

Sumakay na siya at tahimik lang hanggang makarating sa bahay. Pagpasok niya sa loob bigla naman tumunog ang kanyang cellphone. Si Roman ang tumatawag.

"Nakauwi ka na?" tanong nito.

"Oo, kakauwi lang."

"About your exam, kumusta?"

"Okay naman. May nasagot din naman ako. Um, bakit ka pala wala ngayon? Masyado ka bang busy sa trabaho mo?" tinanong na niya ito kanina sa driver pero hindi niya mapigilan itanong ito ulit kay Roman.

"Yeah, kaya nagpakuha ako ng driver para ihatid ka. Marami lang akong inaasikaso kaya 'di ko masingit na sunduin ka. I hope you understand."

"Ah, oo naman. Naintindihan kita." Kaya pala.

"Also, I don't think maaga akong makakauwi. I still have another meetings to attend baka sobrang late pa ako makakauwi diyan. Ayos lang ba sa'yo na mag-isa ka muna diyan?"

"Ayos lang. Huwag kang mag-alala sa akin, magfocus ka muna sa trabaho mo."

"Thanks. Since ikaw muna mag-isa sa bahay, anong gagawin mo? Katatapos lang ng exam tiyaka wala ka rin naman pasok bukas."

Nagisip siya. Ano kaya ang gagawin niya? "Siguro kakain ng cake habang nanonood ng telebisyon."

"Well, enjoy. After this, dadalhan kita ng pasalubong."

"Huwag na. Basta umuwi ka na agad!" bigla siyang napatakip ng bibig. Ba't ba niya nasabi 'yun?!

Wala siyang narinig na sagot mula rito. "A-ang ibig kong sabihin, 'pag masyado ng gabi at pupunta ka pa kung saan-saan, baka may mangyari pa sa'yo. Ako nga noong nasa isla pa ako, galing ako sa isang kasal tapos hating gabi na akong umuwi ng bigla na lang akong—"

"Okay, I understand. Salamat sa pagaalala." Dinig niya sa kabilang linya na may kinausap ito. "Don't worry about me. Don't wait for me and huwag kang magpuyat."

"Sige, ingat ka." Nakakahiya 'yung sinabi niya. Bakit ganoon? Itatanong pa naman sana niya kamusta ang bukol nito. Mamaya na nga lang paguwi nito sa ngayon, magbibihis muna siya at maglalaba bago kumain.


To be continued...

A/N: Ang hina ng internet ngayon. Grabe.

If you like the story so far, kindly VOTE this chapter and make a Comment about your thoughts on the story. See you in the next chapter. chuAmnidah!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now