26 "Karma"

4.6K 171 29
                                    

[ALANA]

"Um... hi-hindi kop o sigurado kung papayag si Daddy, eh. Tatanungin ko po muna siya."

"Hindi na kailangan. Sige na. Sabayan mo ako: Daddy Howard."

"Um---"

"Repeat after me. Daddy How--- ouch!" napaaray ito at napasapo ang ulo. Agad niyang nakita si Roman sa likuran nito na may hawak na malaking libro. Nakabalik nap ala ito. Hindi niya napansin.

"You have the nerve to tell that nonsense, huh?!" inis na sabi nito. "at sinamahan mo pa ng landi!"

"Give me a break, bro." sabi ni Howard habang hinihilot ang napalo nitong ulo. "Imbes na umasta kang principal, magpasalamat ka dahil hindi naging boring si Alana habang naghihintay sa'yo. How dare you let your daughter be alone in your office? Wala ka bang konsensya---"

"Let's stop your drama, okay? Ikaw? All you did was force her to say "Daddy Howard"! Are you crazy?!"

"Hep! Magpapaliwanag ako. Pumunta ako dito para sadyain ka at kausapin tungkol sa shopping mall--"

"No, you're not."

"Yes, I am! Anyway, pagdating ko dito wala ka at si Alana ang naabutan ko. I saw how bored she was so gumala kami."

"You what?"

"Gumala kami! Bingi naman. Kesa mabagot dito si Alana, pinasyal ko siya dito and nag-enjoy naman siya. 'Di ba, Alana?"

"Stop talking to her." Kinuha ni Roman ang kanyang bag. "Alana, let's go."

"Hey! May sadya pa ako sa'yo!"

"Bukas na. It's getting late and Alana needs to study. Let's go, Alana. We're going home."

"Si-sige." Payag niya.

"Bye, Alana. See you next time. Huwag mong kalimutan ang pinagusapan natin, ah?" sabi ni Roman sabay kaway sa kanya.

"Oo. Ingat ka."

"Alana." Tawag ulit ni Roman.

Nasa loob na sila ng sasakyan at habang bumabiyahe, nagtatanong ito tungkol sa anong mga ginagawa niya habang kasama niya si Howard. Kailangan niyang sumagot dahil kita niya na hindi maipinta ang mukha nito.

"Wala naman siyang ginagawang masama sa akin." Paliwanag niya. "Totoo na pinasyal niya ako sa buong building at tiyaka, nakakatawa din siya. Masayang kasama ang kaibigan mo at inilibre din niya ako ng ice cream."

"At bakit may sinasabi pa siyang tawagin mo ang lalaki na 'yun na "Daddy"?"

"Ako nga din eh nagulat sa sinabi niya pero, hindi ko naman ginawa kasi ayokong gumawa ng kahit ano na hindi mo alam. Alam ko naman ang rason kung bakit inampon mo ako, 'di ba? Kaya huwag kang mag-alala, wala akong gagawin na hindi muna nagpapaalam sa'yo." Paninigurado niya rito. Totoo naman ang sinabi niya. Total, si Roman ang nagbigay ng mga hiling niya na dapat ginawa ng kanyang ama. Hindi niya isinasantabi na malaking utang na loob niya bakit nandirito siya ngayon.

"Just don't go near him--- I mean huwag kang lalapit sa kanya kung wala ako."

"Bakit naman?"

"Alam mo naman siguro anong ibig sabihin ng "chikboy", 'di ba? Kahit saan 'yun pumunta, walang babaeng hindi niya tanggkaing lapitan."

"Ah! Babaero pala siya?!" napatawa siya. "Walang problema 'yan! Alam mo ba sa amin? Si Mang Mende ang dami niyang chiks kahit may asawa na 'yun! Noong nalaman ng asawa nito na may kasabay itong apat na babae? Ayun! Pinaghahabol si Mang Mende ng walis at itak."

"Wait, anong kinalaman ng kinukwento mo kay Howard?" tanong nito.

"Ano... karma." simpleng sagot niya rito.

Bigla itong napatawa. "Oh! I get it!"

"Kung gagawin niya ang pambobola niya sa akin? Hahabulin din siya ng karma gaya ni Mang Mende. Sa totoo lang, ang tingin ko sa kaibigan mo ay masayahin at masayang kasama. Talagang nasa kanya na talaga ang ugali na 'yan pero dahil kaibigan mo siya, malaki ang tiwala ko na wala siyang gagawing masama sa akin."

"Okay, okay. May tiwala na ako sa'yo. Basta magiingat ka lang at huwag kang sasali sa mga kalokohan niya. Iba 'yun 'pag makakita ng mapaglalaruan."

"Oh? Bakit sinampolan ka na ba niya?"

"M-me?! Um, no! Nothing! Anyway, huwag na nating pagusapan ang lalaking 'yun. Anong gusto mong kainin pagdating natin?"

Hmm... mukhang may tinatago yata ito. Pero ganunpaman, napatawa ko na din siya sa wakas.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now