38 The Papa

3.9K 151 24
                                    

[ALANA]

Setting: Office

"How's School?" ngiting bati ni Roman pagsakay niya sa kotse nito.

"Okay lang naman." Sagot niya. "Alam mo ba kanina? Naka-perpek ako sa quiz namin. Sabi ni teacher ang galing ko daw sa Math."

"Wow! See? Sabi ko sa'yo eh, kapag nag-aaral ka ng mabuti, makaka-perfect ka. Congratulations and I'm proud of you."

"Salamat." Ang saya niya dahil pinuri siya nito. Talagang nag-aaral siya ng mabuti para makakuha ng magandang marka at tiyaka, ganito pala ang pakiramdam na pinupuri ka. Lahat ng puyat ay nabalewala dahil may isang taong kumilala sa mga pagsisikap niya.

"Why don't we celebrate today? Kumain tayo sa labas. Gusto mo?"

"Ililibre mo ako?"

"Oo naman! Saan mo gustong kumain? Kahit saan or kung may gusto kang bilhin.. Premyo ko 'yan sa 'yo dahil very good ka sa school."

Nag-isip siya kung anong gusto niya. "Hmm... hindi ko alam saan ko ba gustong kumain. Ikaw na lang kaya ang pumili? Sigurado akong mas magaling ka pa sa 'kin."

"Really? Sure, ako na ang bahala."

"Muntik ko ng makalimutan, may kailangan din akong bilhin para daw sa gagawin naming activity bukas. Pwede bang dumaan tayo sa tindahan pagkatapos kumain?"

"Ano naman ang ipapabili sa 'yo?"

"Ano lang naman," binuksan niya ang kanyang bag at kumuha ng notebook. "Cartolina, marker at gunting."

"Okay, sige dadaan tayo sa Mall para bumili ng mga gamit mo."

"Sige."

"Excited ka ba?"

"Excited? Oo naman. May premyo ako eh dahil napasaya kita. Proud din ako para sa sarili ko dahil 'di ko inakala na may natututunan na ako sa pag-aaral ko pero sa pagbabasa, naku mukhang malabo pa."

"I thing mas magaling ka sa Math other than your subjects."

"Naku, mukhang hindi naman. Minemorize ko lang naman ang formula."

"You should be proud of yourself. Alam ko na malayo ang mararating—" Biglang tumunog ang cellphone nito. "I just take this a sec. Hello?"

Nakatawa siya sa bintana habang may tumatawag rito. Ilang segundo, dinig niyang nagiba ang tono ng pananalita nito na para bang naiirita. Baka may problema sa trabaho. Hindi ito ang una niyang kita na nagalit ito pero, 'di naman niya inalintana dahil alam niya seryoso si Roman pagdating sa trabaho nito.

"Fine. I'll be there and make sure that documents are finalized bago ako dumating." Binaba agad nito ang tawag at niliko ang kotse sa ibang direksyon. "I'm reallt sorry pero dumaan muna tayo sa opisina. May kailangan lang akong asikasuhin."

"Walang problema."

"This will be quick so don't worry makakapag-celebrate tayo."

Pagdating sa gusali, agad naman siyang iniwan sa nito kaya magisa lang siya sa loob. Inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagkakaupo. Siguro umabot na ng sampung minuto na hindi pa ito bumabalik.

Nabo-bored siya sa kakaupo kaya tumayo siya at na-curious kung bakit nakatabon ng malalaking kurtina ang buong opisina nito. Kaya hinawi niya ang kurtina at bintana. Bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin. Nasa mataas pala ang opisina nito kaya ngayon lang niya nalaman at nakita ang ganitong kagandang tanawin ng siyudad. Ibang-iba sa tanawin ng isla kung saan siya nakatira noon. Iba't ibang mga gusali, dumadaan na mga sasakyan tiyaka mga taong naglalakad. Kung 'di pa niya hinawi ang kurtina, hindi pa niya ito masisilayan. Bakit naman kasi hindi ito binuksan ni Roman? Maganda naman ang tanawin at mas magiging maaliwalas pa ang opisina nito.

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now