30 Etiquette For A Reason

4.5K 172 25
                                    

[ALANA]

"Bonnie was my university classmate at Madrid. I decided na since nandito pa siya sa Pilipinas dahil busy ito sa pagpapatayo ng sariling Day Care Center, I took the opportunity na kausapin siya para siya mismo ang magtuturo sa'yo ng Etiquette class. Specialty niya 'yan dahil nagaral siya niyan for two years. And also..."

Naghahapunan silang dalawa. Habang busy ito sa pagsasalita, naglalakbay naman ang kanyang isip sa ibang bagay. Hindi kasi mawala kanina pa sa kanyang isip ano ba ang dahilan bakit tinuturan siya ng ganito samantalang ginawa na nito ng kanyang ama noon. Nagaalala lang siya nab aka ginagawa ito ni Roman o may sikreto itong plano na paalisin siya sa bahay?

Masamang mag-isip ng ganitong bagay. Kung titignaan niya ng mabuti, hindi naman ito gagawin na pasikreto siya nitong paaalisin sa bahay. Nangako ito sa kanya na pagaaralin siya at tiyaka, sinabi na nito na gusto siyang ampunin ang gawing "anak" nito kaya napakaimposible itong iniisip niya.

Hindi siya tatantanan ng kanyang pagaalala hangga't hindi niya malalaman ang totoo! Pero, nakikita kasi niya sa mukha ni Roman na masaya ito. Baka siguro masyado lang malalim ang iniisip niya at kaya ginagawa lang ito ni Roman ay para madaragdagan ang mga matututunan niya. Nangangapa pa rin siya sa pag-aaral araw-araw, ginagawa pa rin niya ang kanyang makakaya para may matutunan siya at hindi siya lalaitin pa ng kanyang mga kaklase.

Patuloy nito. "She teaches you how to walk, how to talk properly, to behave properly in front of people. Formality, table manners, how to greet formally—simple greetings para mas medaling tandaan. Hindi kasi lahat ng oras, kailangan mong ipakita sa iba kung ano ang asal mo pagmag-isa ka lang. Hindi mo pwede gawin niyan sa pampublikong lugar at ipakita sa ibang tao.

Hindi naman masama na itatago natin ang mga bagay sa iba pero kung gusto natin itrato ng mabuti ng ibang tao, dapat magpakita ka ng ugali na may paggalang at respeto. For example: nakaupo ka at ipapatong ang isa mong paa habang kumakain at sa pagkain mo, maingay kang yumunguya at nahuhulog pa ang kanin mo? Hindi hindi 'yan kaaya-ayang makita ng ibang tao?"

"Hindi po." Sagot niya.

"Good. Nag-enjoy ka ba kanina kasama si Teacher Bonnie?"

"Okay lang naman. Madami akong natututunan sa kanya."

"Buti naman. Um, pwede mo bang ipakita anong natutunan mo sa lesson ninyo?"

Pinaunlak niya ang hiling nito. Tumayo siya at inayos ang sarili. Hinawakan niya sa magkabila ang kanyang palda at yumuko bilang pagbati.

"Good evening, Mister Roman. My name is Alana. I'm berry—ve—very pleased to met—meet you."

Pumalakpak ito. "Wow! Very good naman. Nice to meet you, Alana. If you don't mind joining me for dinner?" tanong nito sa kanya.

"Yes, I'll be ga—gald—gad too!" sagot naman niya na nakangiti.

Napabungisngis ito. "Glad 'yun, Alana. Umupo ka na ulit."

"Sorry, hindi ko kasi mabigas pa ng maayos ang tinuro sa akin ni Ma'am Bonnie."

"That's okay. Nakikita ko na mabilis ang improvement mo. Pasasaan ba't marunong ka na mag-english."

"Engles ba talaga ang ginagamit para bumati sa tao?"

"Hindi naman. Pero kasi... kapag nasa isang lugar ka na ang mga taong nakakasama mo ay may masabi sa buhay, siyempre English ang ginagamit nila."

"Ganoon ba? Um, kaya ba sinasanay mo ako dahil haharap ako sa kanila?"

Natigil ito na parang may gulat sa mukha nito. May nakakagulat bas a sinabi niya?

"Pa-parang ganoon na nga?"

Mukhang hindi ito sigurado sa sagot nito. "May gagawin ba tayo?"

"No, that's not—"

"O baka naman may pupuntahan tayo?"

"Oo—hindi ko sigurado?"

"Paaalisin mo na ba ako?"

"What? No! No!" gulat na gulat ito sa sinabi niya. "Of course not! Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Ginawa na rin kasi ito ni Papa." Malungkot niyang sabi.

"Hindi ko naintindihan."

"Si Teacher Bonnie? Table manners? Kumuha din si Papa ng teacher para turuan ako. Miss Hazel ang pangalan niya at mabait din katulad ni Teacher Bonnie. 'Yun nga lang, kaya tinuruan ako para daw sa pupuntahan kong bahay at titira, hindi daw ako magkakalat at umasta ng maayos."

"Bakit hindi mo ito ikinuwento sa akin noon?"

"Hindi naman importante 'yun. Naisip ko lang ulit dahil pinakilala mo ako kay Teacher Bonnie. Wala na sa akin 'yun."

"Hindi naman kita paaalisin. Hindi ba promise ko sa'yo na aalagaan at pagaaralin kita para makapagtrabaho ka ng maayos, makaipon ng pera at makapagtayo ng sariling bahay?"

"Oo, sinabi mo 'yun."

"Kaya bakit naman kita paaalisin ng ganoon-ganoon lang? Pwera lang kung ayaw mo na dito."

"Hindi!" bulalas niya. "Gusto ko dito! Pasensya ka na. Hindi ko lang kasi maiwasan na mapaisip na ganoon ang mangyayari."

"It's fine. Remember, hinding-hindi ko gagawin ang ginawa sa'yo ng Papa mo."

"Salamat. Pwede mo ba sabihin ang totoong dahilan?"

"Sige." Huminga muna ito ng malalim. "Ginawa ko ito dahil may pupuntahan tayo. Kailangan at importante."

"Seryoso ba?"

"Masyadong seryoso at kung wala akong gagawin, hindi ko alam anong mangyayari lalo na sa'yo. Alana, pupunta tayo sa bahay ng mga magulang ko."

"A-ano?"

"Gusto ka nilang makita at makilala."

Ngayon natameme siya sa narinig niya. Ipapakilala siya sa mga magulang nito.

"Ba-bakit? Kailan?"

"Bukas."

Ang pag-aalala niya ay mas napalitan pa ng sobrang kaba sa sinabi nito. Ipapakilala siya sa mga magulang nito at bukas na!

"Kaya tinawagan ko si Bonnie para turuan ka. Alam ko ang ugali ng mga magulang ko. Mausisa sila sa mga taong bago pa lang nila makikilala at hindi ka exception sa kanila. After nabalitaan nila na dinala kita sa opisina ko, gulat na gulat sila at marami na silang pinagsasabi and... when I told the truth about you, as soon as possible gusto ka nilang makilala." Kwento nito. "I'm so sorry, Alana. Kasalanan ko 'to. Hindi ko inisip kung anong susunod na mangyayari."

"Pero, may ginawa ka naman, 'di ba?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Pinadala mo si Teacher Bonnie para turuan ako dahil ayaw mo akong mapahiya kapag makaharap ko na sila. Inilaan mo ang oras mo para sa akin. Tiyaka, wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo pa kayang masabi sa mga magulang mo ang tungkol sa akin."

"Well, I guess you're right. Salamat at naiintindihan mo ako." Ngumiti ito.

"Nakakakaba naman pero asahan mo, gagawin ko ng ang best ko para magustuhan ako nila."

"Just do your best. Magiging lolo at lola mo na rin naman sila."

Naku, sana naman hindi siya pumalpak.

A/N: Sorry natagalan. I think I'm burned out. I'll try to get myself back on track. Gusto ko na talagang tapusin ito.

If you like the story so far, please consider VOTE and COMMENT what your thoughts are. Also, don't forget to put THE BILLIONAIRE'S ADOPTED into your Reading List and SHARE

ChuAmnidah and see you in the next chapter!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now